Kabanata 13

0 0 0
                                    

Kabanata 13

Kahit hindi ko gustong magsasalita habang kumakain ay hindi ko nalang namalayan ang sarili ko dahil sa sinabi ni Donya Allura.

“Paano mo nalaman ang tungkol sa Sigbin Ija, diba bago ka lang dito?”

Halata ang pagtataka sa mukha ni Donya Allura habang tinatanong ako. Bigla kong naisip na siguro hindi nila inaasahan na alam ko ang tungkol 'don dahil ilang araw palang ako dito.

“Oo nga Brazinn, paano mo nalaman ang tungkol sa Sigbin?” dagdag pa ni Avierry.

Habang nag-iisip ng sasabihin ay nagkunwari akong may nginunguya sa loob ng bibig ko.

“Hmm Naba—”

Magsasalita na sana ako nang biglang sumabad si Spruce...

“Naikwento ko kanya ang tungkol doon, kagabi bago siya matulog ay tinanong niya ako tungkol doon at kung bakit kinakailangan ni Fetisha na pakainin yun ng hilaw na laman ng tao o hayop", saad nito habang nakatingin kay Donya Allura.

Kumunot ang noo ko dahil ang sinabi niya ay isang kasinungalingan. Nakatingin parin siya kay Donya Allura at kay Tatay Alberto. Sinubukan kong agawin ang atensyon niya para tanungin siya tungkol doon pero hindi siya tumitingin sa akin. Tinitigan ko lang  siya at hinintay nasulyapan  ako.

Hindi kalaunan ay tumingin siya sa akin at ngumuti. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya na parang may tinuturong kung ano sa ibaba. Sinundan ko ang tingin niya. Dahan-dahan kong binaba ang tingin ko sa kamay niya.

Nakita ko ang kutsara niya na naka cross. Doon ko lang na-realize ang ibig niyang sabihin, he don't want me to tell them about such thing as the book he gave me.

“Opo, nakwento sa akin yan ni Spruce kagabi," dagdag ko pa bago ngumiti.

Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ni Donya Allura, ang kaninang nagtataka ngayon ay nakangiti na.

“Ganun ba? Nais kong dagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa mga bagay na iyan dahil kailangan nyong maging maalam tungkol sa mga bagay-bagay dito sa Paraiso de Inferno"

Habang nagsasalita si Donya Allura ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. She speaks like a professor who wants us to learn from her lessons to tell.

“Kinagagalak po naming pakinggan ang inyong pagbabahagi ng inyong kaalaman tungkol sa Paraiso de Inferno sapagkat kami, Lalo na ako ay kakaunti palang ang nalalaman”, seyuso kong saad.

Ngumiti si Donya Allura at bahagyang tumango bago pinunasan ang gilid ng labi nito at umayos ng Upo.

“Tungkol sa Sigbin, ito ay isang uri ng hayop kung saan hawig ng aso, ang pagkain nito ay hilaw na karne ng tao o hayop..." pagsisimula nito. Hindi na ako kumain ulit at nakinig ng mabuti kay Donya Allura.

Binalingan ko ng tingin si Spruce na halatang alam na ang sinasabi ni Donya Allura. Si Avierry naman ay halatang nakikinig at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Donya Allura. Habang si Cazsey naman ay nakayuko lang habang abala sa pag ayos ng pagkain niya na nasa plato nito.

“Ang ibang pamilya, lalo na ang mga taong nasa mataas na antas ng lipunan kagaya ng mga Hari at Reyna ay nag-aalalaga ng Sigbin bilang alagang hayop. Nagsisilbi nila itong tagaprotekta at sila lamang ang nakakakita dito... Ngunit, pagdating ng araw na nakaramdam ng gutom ang mga sigbin ay walang awa nitong uubosin ang pamilya ng nagmamay-ari sa kaniya. Isang rason yan kung bakit ang paghahanap ng ipapakain dito ay mahalaga.” Ang paraan ng pagsasalita ni Donya Allura ay nakakatakot.

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya dahil nabasa ko na lahat ng iyon sa librong binigay sa akin ni Spruce. Nakita kong nakatingin sa akin si Tatay Alberto kaya ngumiti ako dito.

PARAISO de INFERNO: The Suicidal ForestWhere stories live. Discover now