Kabanata 9

0 0 0
                                    

KABANATA 9

"Bilisan niyo, nandito si Fetisha!"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Spruce. "Seriously? Ano'ng ginagawa niya dito?" saad ko.

Bigla ako'ng may naramdamang kakaiba, feeling ko hindi maganda 'to. Akala ko nakatakas na ako kay Fetisha 'nong tinapon nila ako dito then why is she here?

"Nasa labas na lahat at kailangan daw tayong makausap ni Fetisha." saad niya.

Biglang humakbang palabas ng pinto si Cazsey. "Ma-uuna na ako sa inyo." saad niya at naglakad palabas ng Bahay na para'ng nagmamadali.

Naiwan kaming dalawa ni Spruce dito. Tinignan ko siya, may pag-aalala sa mukha niya. "Anong problema, bakit parang takot na takot kayo?" I asked.

Lumapit sa akin si Spruce at hinawakan ako sa kamay. Kumunot ang noo ko dahil naguguluhan parin ako, Fetisha is not a harmful person based on how she deal with me kaya bakit parang takot na takot sila?

"Kapag pumupunta si Fetisha dito may kinukuha siya'ng tao at hindi na nakakabalik dito." He uttered.

Pagkatapos ng sinabi ng Spruce, nagmamadali kami'ng pumunta sa labas. Hindi ko nalang namalayan na nasa harap na kami ng bahay. Lahat ng mga tao nagkukumpulan at nagtitipon-tipon. Kinaladkad ako ni Spruce papunta sa gitna. Nakipagsiksikan kami hanggang sa makarating kami sa harap. There I saw Avierry and Cazsey standing, lumapit sila sa amin.

"Magandang araw sa lahat, nawa'y lahat ay nandito na at wala'ng sino man ang hindi dumalo."

Tumingala ako kay Fetisha na naka tayo sa itaas ng malapad na bato. Nasa tabi niya sina Varun at Tycun. Hinanap ng paningin ko ang lalaki'ng dapat ay kasama din nila. Bakit wala siya dito?

Bigla'ng sumigaw si Fetisha. "MGA KAWAL!"

Lumapit sa kanya ang dalawang  lalaki na naka bahag. Marahang yumuko si Fetisha tinakpan niya ang bibig niya at may binulong sa lalaki. Nakita kong tumango ang lalaki at naglakad sila'ng dalawa paalis. Umayos ng tayo si Fetisha. Nakasuot siya ng puting bestido na hanggang paa ang haba at may scarf na kulay puti din na nakatakip sa ulo niya.

Sobrang ganda ni Fetisha na halos lahat ng nilalang ay mabibighani sa kanya. Nakita kong tumingin siya sa akin kaya tinitigan ko lang siya deritso sa mata niya.

"Zinn, huwag kang tumingin kay Fetisha, yumuko ka." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Spruce. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at nakita kong lahat ng tao dito ay naka yuko, even Avierry, Cazsey and Spruce. I realized na ako lang ang nakatingala at nakatingin kay Fetisha. "Hindi tayo pwedeng makipag eye-to-eye contact sa kanila dahil ang ibig sabihin 'nun sa kanila ay kawalang galang." Spruce whisperer.

Hindi ko pinansin si Spruce at patuloy lang sa pag titig kay Fetisha. Hindi na siya ngayon nakatingin sa akin kaya sinundan ko ang tingin niya. Nakita ko ang isang matandang lalaki'ng ginagapos ng dalawa'ng kawal. Dinala nila ito sa tabi ni Fetisha. Pilit na kumakawala ang matandang lalaki sa pagkakahawak ng dalawa'ng kawal pero hindi siya maka wala.

"Makinig kayo'ng lahat." Fetisha uttered with authority. Nakita kong umayos ng tayo ang lahat at tumingala kay Fetisha. "Tignan ninyo ang lalaki'ng ito na nasa harapan." tinuro niya ang matandang  lalaki'ng nakagapos at nakaluhod sa tabi ni Fetisha habang umiiyak.

Nanlumo ako dahil sa awa'ng nararamdaman para sa matandang lalaki na nasa harap. Hindi manlang ba naaawa si Fetisha sa kanya. He's old enough to be treated like this.

"Marahil alam ninyong lahat na ayaw kong may nagtatago o hindi dumadalo sa tuwing napaparito ako at may gaganaping pagpupulong." Pagsisimula niya at humakbang paharap. "Nandito ako ngayon upang utusan kayo na mangaso sa Gubat dahil ang aking alagang Sigbin ay wala nang makain at hindi maaaring magutom iyon."

PARAISO de INFERNO: The Suicidal ForestWhere stories live. Discover now