Kabanat 3

5 1 0
                                    

KABANATA 3

“Who‘s that?”

“Sundin mo nalang ang aking sinasabi binibini at sinisigurado kong hindi ka magsisisi sa huli,” narinig kong mula sa gilid ko ang bosis kaya lumingon ako. I was like, Wtf? That line was said exactly by the guy I saw earlier at the forest. Perfectly said and detailed.

Napaatras ako bigla dahil don at nabunggo ang pwet ko sa mesa. My gracious, minumulto ba ako? Sinulyapan ko ang mesa kung anong pwede kong gamitin and the fork caught my attention. Kinapa ko ang tinidor na nasa gilid ko at tinaas, tinutok ko ‘to sa hangin.

“Kung sino ka man, magpakita ka!” Matapang na sigaw ko kahit sa loob-loob ay nanginginig na ako. “I‘m not afraid of whoever you are, just tell me who the hell are you.”, dagdag ko pa. Biglang may kumalabog mula sa likod ko kaya nanlaki ang mata ko. I feel like my heart skipped a beat. My gracious!

“May nalaglag na kutsara, nagpapahiwatig na mayroong bisita” may nagsalita ulit mula sa likod ko, familiar ang bosis niya. Dahan-dahan akong lumingon pero hindi ko parin binababa ang hawak kong tinidor para kung sakali may pang laban ako. I was surprised when I saw the guy I saw earlier in the forest sitting on one of the chair in front of me with his devil smile.

“Anong ginagawa mo dito mister whoever you are? Sinusundan mo ba ako?” nagtataka kong tanong sa kanya. Siya mismo ang lalaking nakasalubong ko sa paanan ng gubat pero iba na ang suot.

“Binalaan kita na huwag tumuloy sa gubat ngunit sinuway mo ako” saad niya at tumayo, naglakad siya papunta sa kinakakatayuan ko. “Ito pala ang aking tirahan binibini,” dagdag pa niya na halos ibulong nalang sa akin dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa muka ko. I immediately slapped him hard kaya napahawak siya sa mukha niya at napangiwi. Bastos ba siya o sadyang manyak lang? Why the hell he would do that? Hindi ko nga siya kilala tapos halos halikan na niya ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin?

“Don't you dare come near me, not after you left me there at the forest like a clueless awful creature, I didn‘t forgot that cringe moment yet so back off” I said while pointing my finger to him. “Kung hindi mo naiintindihan tatagalogin at paiikliin ko para sayo. Huwag mong tangkaing lapitan o hawakan ako, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pambabastos sa akin” dagdag ko pa.

Umayos siya ng tayo, sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay niya. I can sense the frustration on his face right now but who cares? He don‘t have the right to be mad because it was all his fault at the first place.

“Pakiusap huwag mo nalang kainin ang kahit na ano man dito. Sana sa pagkakataon na ito sundin mo na ako,” he said but this time in a more serious way. “Ikinagagalak kong masilayan kang muli aking Binibini.” Tinitigan niya ako na parang nang-aakit. I just glared and rolled my eyes to him. Sino ba siya para utus-utusan at bastusin ako? Hari ba siya dito? If yes then fuck him, kahit anak pa siya ng presidente I don‘t give a fuck.

“Kamahalan nandito pala kayo” sambit ni Varun at yumuko, ganun din ang ginawa ni Tycun. Biglang dumating sina Varun at Tycun na parang mga kabuti na bigla-biglang sumusulpot.

Wait, what? Kamahalan?

“Tapos kana bang kumain binibini?” baling ni Tycun sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil natulala ako.

“Tapos na siya,” nagulat ako nang ang lalaki ng sumagot. “Dalhin niyo na siya sa bahay tambakan” dagdag pa nito. Ano daw? Saan daw ako dadalhin? Tama ba narinig ko?

“Wait, what? Bahay tambakan? Mukha ba akong sirang gamit o basura na ilalagay niyo sa tambakan, sa ganda kong ‘to?” pag-aalma ko at hinarap siya. Bigla namang lumapit sa akin si Varun at Tycun tsaka ako hinawakan sa magkabila kong kamay ng mahigpit.

PARAISO de INFERNO: The Suicidal ForestWhere stories live. Discover now