Kabanta 12

0 0 0
                                    

KABANATA 12

Tumango lang silang tatlo at nagkwentuhan na kami. Kahit may part sa akin na malungkot parin dahil sa panaginip ko, I still feel the love from them. Kahit wala sila Zach at Mom, I felt like I'm still complete.

Hindi na namin napansin ang oras at hindi kalaunan ay tinawag kami ni Tiya Brenda na kumain. Nagulat kami dahil ngayon lang nila kami niyaya dahil kadalasan ay kami-kami lang din ang magkasamang kumakain.

Si Tiya Brenda ang kanang kamay ni Donya Allura ayun sa sinabi sa akin ni Spruce. Sinamahan niya kami para sumabay na kami sa kanila na kumain dahil magkakaron daw ng pagpupulong pagkatapos.

Habang naglalakad kami papunta sa loob ay napansin ko ang mga matang nakatingin sa amin. I was confuse kaya kumunot ang noo ko, pagpasok palang namin sa pinto sinalubong na agad kami ng dalawang magagandang babae na malapad ang ngiti na nakatingin sa amin.

"Magandang tanghali sa inyo, hinihintay na kayo ni Donya Allura sa hapag." saad ng isa at napansin ko na nakatingin siya kay Spruce.

"Dito po," saad naman ng isa pang babae.

Bahagyang huminto si Tiya Brenda kaya napahinto din kami. Ma-autoridad  siyang lumingon at nakita ko ang nakakatakot niyang tingin sa dalawang babae kaya bigla namang yumuko ang dalawa. Nanlilisik ang mata nito na parang may mali sa sinabi ng babae.

"Iniinsulto nyo ba ako, Ija?", madiin niyang saad niya at binalingan ang dalawang babae.

Hindi ko naman naintindhan kung bakit niya yun sinabi e bumati lang naman ang dalawa.

Yumuko lang ang isa samantalang ang isang babae naman ay umangat ng tingin, tumingin ulit siya kay Spruce bago binalingan si Tiya Brenda.

"Paumanhin ngunit hindi ko alam ang inyong ibig na sabihin sa pagkat sa aking palagay wala naman kaming ginawang masama bukod sa pagbati sa inyo na parti ng aming trabaho." matapang niyang saad at nakita ko ang gulat na reaksyon ni Tiya Brenda.

Mabilis na siniko siya ng kasama niya dahil sa ginawa niya pero hindi niya nito pinansin.

Umismid si Tiya Brenda at halata ng frustration sa mukha niya. "Hindi niyo ba nakitang kasama nila ako? Bakit kinakailangan niyo pang ituro ang daan, anong silbi ko dito kung ganun?"

"Paumanhin, Tiya" saad nilang dalawa.

Hindi nagsalita si Tiya Brenda at marahas na hinigit ang scarf mula sa leeg ng babae bago padabog na tinapon sa mukha nito.

"STUPIDA!" saad ni Tiya Brenda bago tinaas ang hawak na pamaypay at pinaypayan ang sarili sabay chin up na halatang inis.
I saw Tiya Brenda rolled her eyes towards them bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

Nilingon ko ang dalawa at ngumiti sila sabay yuko. Dahil mabait ako, I smiled back to them and I pat their shoulders. Nakikita ko ang hiya sa mga mata nila dahil sa nangyari.

Spruce also do what I did, ngumiti din siya sa dalawa at tinapik sila sa balikat. Yumuko din si Spruce para kunin ang nalaglag na scraf at binigay sa babae bago naunang naglakad.

Nakita kong ang pagpigil ng isang babae sa sarili na ngumiti. Kanina ko pa nahahalatang nakatitig siya Kay Spruce.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang hapag at bawat tao na nadadaanan namin binabati ako.

"Magandang umaga binibini."

"Hi po ate Brazinn, napakatapang mo po."

"Magandang umaga Brazinn, isa kang bayani."

Habang naglalakad ako, hindi maalis-alis sa bibig ko ang ngiti dahil sa mga papuri na nakukuha ko mula sa mga tao. Hindi ko talaga inaasahan na makikilala nila akong lahat bilang matapang na bayani na nagligtas ng isang tao mula sa kamatayan.

PARAISO de INFERNO: The Suicidal ForestWhere stories live. Discover now