Kabanata 4

4 1 0
                                    

KABANATA 4

“Kung hindi ka magiging matapang ganyan din ang patutunguhan mo!” when I heard that voice from behind I immediately twirl around.

Bumungad sa akin ang isang lalaking nakapamulsa na naka tayo nakatingin lang sa amin. Parang walang bahid ng gulat o takot sa mukha niya.

Hindi manlang ba siya nagulat sa ginawa ng lalaki kanina? Nagtataka lang ako habang nakatingin sa kanya.

He slowly walk towards us at tumayo sa harap ko. Tumingala ako para harapin siya. He offered his hands to me, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalalayan niya kami na tumayo.

“Sandali!” saad niya at mas lalong lumapit sa akin.

Hinubad niya ang tali sa kamay ko na nakagapos. Hindi na siya nagsalita at binalingan ng tingin ang bata na naka yakap padin sa akin. He glared at her, parang binabantaan niya ang bata. Naramdaman kong biglang humigpit ang hawak sa akin ng bata kaya napatingin ako sa kanya.

“UMALIS KA DITO! HINDI SIYA NARARAPAT SA HANAY NIYO!” sigaw ng lalaki sa bata na ikinagulat ko.

What the hell is he doing? Bakit niya sinisigawan ang bata at anong sinasabi niya? Is he insane? Biglang kumawala sa pagkakayakap ko ang bata at mabilis na tumakbo na parang takot na takot.

“Sandali!” I shouted but she continued running away.

“Hayaan mo siya, she's just a little mess trying to trick you.”

Bigla akong nakaramdam ng inis kaya nilingon ko ang lalaki na dahilan kung bakit tumakbo ang bata. Nakapamulsa lang siya na nakatingin sa akin.

“Anong hayaan? Nag-iisip ka ba ha? Bata lang yun and she's not even aware of what's going on here tapos nasasaksihan niya ang mga nakakatakot na lugar na 'to? She may lose her mind because of this, bakit mo siya sinigawan?" inis ko'ng sabi sa harapan niya at tinulak siya.

Bigla siyang ngumiti kaya mas lalo akong nainis. “Ako na ang tumutulong, ako pa ang masama? Where's the magic word?”

Dahil sa tanong niya, halos lahat ng dugo sa katawan ko pakiramdam ko umakyat lahat sa ulo ko. Gago ba siya?

“Oo dahil bata lang yun, bata na walang kamuwang-muwang.” pagsisimula ko. “Oo alam kong tinulungan mo ako and I would like to thankyou for that but what you did to that girl was not right and it doesn't change a thing.”

Yumuko siya at umiling. “Hindi siya basta bata lang,” saad niya at tumingin sa likod ko sa derikayon ng bata.

“Ano?”

Tumalikod ako para tignan kung ano ang tinutukoy niya and I was shocked of what I saw. Ang batang babae na takot na takot kanina, nakakatakot na naka tayo sa ilalim ng puno at nakatingin sa amin habang naka-ngisi na parang sinaniban ng masamang ispiritu.

Narinig kong naglakad ang lalaki palapit sa akin mula sa likod ko.

“This place is full of lies, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo kaya huwag kang mapadala sa kung ano ang nakikita ng mga mata mo… ” pagpapaliwanag niya kaya tinignan ko siya.

“What do you mean?” nagtataka kong tanong.

"She's Flimflam, utusan siya ni Amulette na Reyna ng kadiliman. Inuutusan siya na linlangin ang mga bihag na bagong pasok dito sa Paraiso de Inferno at hikayatin na sumama sa hanay nila,” pagpapaliwanag niya.

“Ano'ng hanay?”tanong ko ulit.

“Ang kadiliman kung saan ang mga kaluluwa ay naghihirap at sinasanay na maging masama at maging salungat sa kabutihan. Maraming hindi kinakaya ang pagpapahirap at sumusuko kaya nagpapakamatay dahil kapag naging isa kana sa kanila hindi kana pwedeng umatras. But if you succeed you will have eternity, if you fail you'll die,” mahabang saad niya.

PARAISO de INFERNO: The Suicidal ForestWhere stories live. Discover now