Kabanata 11

0 0 0
                                    

KABANATA 11

"Masyadong ka'ng maganda to be a punching bag." he Chuckled that confused me, wtf did he just say? Marunong siya mag english? "Mas bagay sayong maging asawa ko." he added.

Dahil sa sinabi siya para akong may katabing multo na biglang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Siya, magiging asawa ko? For pite's sake, no! That's cringe asf!

"HELL NO, ASSHOLE!" I uttered.

Biglang tumikhim si Fetisha kaya tumingin ako sa kanya at nakita kong kinakausap niya ang isa sa mga kawal. Inikot ko pa ang paningin ko at ngayon ko lang naalala na halos lahat ng tao nakatingin sa amin.

Naglakad si Fetisha palapit sa amin at masama ang tingin niya sa akin. Bumulong siya kay Stygian sa malanding paraan, wala akong narinig dahil mahina ang bosis niya pero tumango lang si Stygian.

Tumalikod na si Fetisha at naunang naglakad papalayo. Naramdaman ko nalang na  binitawan na ako ni Stygian at inayos niya ang sarili niya kaya tumayo na din ako ng tuwid at inayos ang sarili ko.

"Hindi pa tayo tapos," saad ko at inirapan ko lang siya.

Nakita kong ngumiti siya at marahan akong nilapitan. "You want more, darling?"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya, all this time marunong siyang mag english?  Tinignan ko lang siya sa likod habang naglalakad papalayo papunta sa deriksyon ni Fetisha.

"PAUMANHIN NGUNIT KAILANGAN NA NAMING UMALIS, ANG LABANAN AY DITO NA MATATAPOS WALANG TALO O PANALO." Fetisha announced. "at ikaw, Lumapit ka dito." dagdag pa siya sabay baling sa akin.

I walked towards them, tumayo ako sa harap ni Fetisha at tinignan siya ng masama gayun din sa lalaking nasa harap niya.

"Nais kong ihanda mo ang iyong sarili kung sakali man na maitutuloy pa ang laban. Huwag mong kalimutan ang sampong ligaw na hayop, babalik ako dito bukas ng hapon." saad niya at tumalikod na.

Dumaan sa harap ko si Stygian at nginitian ako ng nakakaasar. I raised my middle finger towards him at binato ko siya ng maliit na sanga ng kahoy sa likod.

Bigla akong nahilo at nakaramdam ng panghihina, I felt like I want to vomit. Pinikit ko ang mata ko para subukang pakalmahin ang sarili ko nang biglang umikot ang paningin ko at ang  parang nanghina ako bigla.

Dahil na rin sa pagod sa haba ng araw ko ay bumagsak ang katawan ko sa lupa. Pakiramdam ko walang lakas ang tuhod ko ngayon, nakita kong lumapit sa akin si Spruce at Avierry. Bago tuluyang pumikit ang mga mata ko ay may nakita akong lalaki na nasa likod nila at nakatingin sa akin. I can't help myself but to collapse due to fatigue.

"Brazinn? B-Brazi—" before I know, my surroundings went black.

__________________FF______________________

"Zinn? B-Brazinn?" I heard someone creaming my name, it's voice seem  hopeless.

"Seniorita Zinn? Nadito ba kayo?" another cream disturbed my sleep.

Bumalikwas ako dahil sa naririnig, was that Zach and Czar? I badly tried to move my hand but I can't.

"Z-zach?" saad ko pero walang bosis na lumalabas mula sa bibig ko.

Sinubukan kong gumalaw para tawagin si Zach pero hindi ko magawa, kahit ang pagmulat ng mata ko hindi ko magawa. Kahit nakapikit ay may nakikita akong ilaw na umaagaw ng atensyon ko.

Nagtaka ako dahil kakaiba ang nararamdaman ko ngayun, parang baliktad ang mundo at nahihirapan akong makahinga.

Buong lakas kong sinubukan na buksan ang kaliwa kong mata, paunti-unti ay nakita ko na ang paligid at ang ilaw ay tuluyan ko nang naaninag kung saan nanggagaling.

PARAISO de INFERNO: The Suicidal ForestWhere stories live. Discover now