Pero mas advance ako mag isip. Mas kakaiba ako.

Nagtagpo ang tingin naming dalawa ng Propesor ko. Tila mayroong ibang klaseng spark doon na mahirap paniwalaan. Iba and dating ng pagtagpo ng mga matang iyon kahit saglit lamang.

Ano iyon?

Pang apat. Bilang ko sa isipan ko.

Pang apat na itong bumuntong hininga. Tatlo. Tatlong beses kumunot ang noo nitong pilit iniiwas ang tingin sa akin.

Kakaiba talaga.

Hindi rin kapani-kapaniwalang nandito lamang ang babaeng para sa akin. Matalino, gaya ko. Maganda at maganda at maganda na kagaya ko.

Nakakatuwa.

Pero bakit pag titingin ako sa paligid ko ay parang walang naiibang itsura? O masyado lang mataas ang standard ko pagdating sa ganda ng isang tao.

Mabuti na lang at may mga kaibigan akong nagmana sa katangian at kagandahan kong tinataglay.

"Miss? Are you listening?" Nagitla ako ng makitang nasa harapan ko na ang aking irog. "Looks like your mind is in somewhere else."

Nagsusungit, nakataas ang kilay, at nakakunot pa ang noo. Mariing nakadikit ang mala rosas nitong labi. Nakakapang akit talaga.

Sadyang barumbado lamang ako mag isip pero natural na iyon sa akin.

"Nakikinig ako, Miss." Tumaas na naman ang kilay nito sa akin sa pangalawang pagkakataon. "Nakikinig sa pintig ng puso mo."

Malakas ang tawanan sa paligid na nagmula sa mga kaklase ko ang narinig ko na tila ba nagbibiro ako dahil hindi. Isang ngiti at iling ang binigay ko sa kaniya para naman matuwa siya at hindi laging masungit sa akin.

"I am not playing around here, Miss!"

"Kalma, Ma'am. I'm Banana Crescencio, Miss Dela Merced." Pagpapakilala ko rito. Mukha naman kasing hindi niya alam ang babanggiting pangalan ko. "Pero p'wede mo akong tawaging Mahal, irog, baby, babe, o kahit na anong gustuhin mo. P'wede rin namang wife kung mas gusto mo."

"Banana!" Sita ng SSC President sa tabi ng upuan ko.

May nasabi ba akong masama?

"Let her, Shannon. And I don't care whatever she's saying. But please, listen attentively and I'll give activity for the next meeting. This is your first warning, Miss Crescencio." Mariin nitong sabi.

May warning na ako. Unang araw ko sa klase, nagkaroon na ng bad record sa magandang binibini na ito.

Tumango na lamang ako sa kaniya dahil hindi ko naman gustong ma-distract ito sa akin. Ngayon pa nga lang ay distracted na siya. Paano pa kaya sa susunod na klase namin sa kaniya?

Apektado siya at nagkukunwari lamang.

"Sure, Miss." Napakagat ako sa sariling labi.

Mapipilitan pa akong makinig sa klase niya.

Matalim ang tingin nitong tumalikod na sa akin at muling nagsimulang magturo sa harapan. Hindi ba siya nahihirapan maging isang Propesor?

Mabilis lang natapos ang klase namin sa kaniya at mainit ang ulong nag martsa palabas. Hindi ko alam kung bakit. O baka naman ay alam ko dahil sa isang kindat na binigay ko sa kaniya bilang isang compliment dahil sa galing nitong pagtuturo?

Kindat lang naman 'yon e.

Konti na lang ay baka maisipan ko na siyang ibahay.

Lumabas ako ng silid na iyon at walang pakialam na nagpunta sa likuran ng building at aakyat nga sana ako ng puno nang makita ang isang batang umiiyak.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat