Dapat umasa siyang makikita niya ako dahil kung hindi ko rin siya makikita dito ay si Ate Toni ang magiging paraan ko.

"May respeto naman ako, Binibini. Alam ko ring magkikita tayo." Tumingin ito sa akin at inismidan na lamang ako. "Paano ba 'yan. Nagkita ulit tayo? Alam mo ba ang ibig sabihin no'n?" Ngumiti ako ng tumigil na naman ito at humarap sa akin.

Parang hinihintay ang susunod na sasabihin ko. Ang mga mata kasi niya'y halata sa pagtatanong at pagtataka.

Mukha siyang interesado sa aking sasabihin.

"What?"

"'Di ba sabi ko, pag nagkita ulit tayo dadalhin mo ang apelyido ko?" Ngumiti ako ng nakakaloko dito.

Isang singhap mula sa kaniya ang narinig ko. Isang cute at nakakatuwang singhap. Mas maganda sana kung ang singhap na iyon ay maririnig ko pag nasa ibabaw niya ako. Ano sa tingin mo?

Ha!

Dumudumi bigla ang utak ko.

"Stop fooling around." Natatawa ako ng pumasok ito sa loob ng isang k'warto. Hula ko ay ito ang klase niya, napatingin ako sa bilang na nasa itaas at napataas ako ng kilay.

Aw irog.

Ikaw talaga ang nakatadhana para sa akin.

Siya pa ang naging Professor ko ngayon.

Pilyang ngiti ang pinakawalan ko habang pumapasok sa loob ng klaseng pinasukan nito. Hindi naman makapaniwala ang tingin nito sa akin ng mapansin niya ako. Kunot ang noo at tila hindi natutuwa.

Kung hindi siya natutuwa, ako naman ay sobrang natutuwa.

Isang pagkakataon para sa isang magandang gaya ko.

"Good morning, Miss Dela Merced." Pilit na tango lamang ang binigay niya ng pilya ko itong batiin bago ako naupo sa tabi ng babaeng may suot na naiiba sa uniporme na suot ko.

Isa atang President ng SSC.

Halata naman ito sa name tag nito.

"Hi. You are Banana, right?" Itinaas ko ang kilay ko dahil sa narinig. Hindi ko naman siya kilala pero kilala at alam niya ang pangalan ko. Tinanguan ko na lamang siya at hindi na sinagot pa.

Kung sila Alexandria sana iyan ay baka daldalin at mapagtripan ko pa. Hindi ako nakikipag usap sa hindi ko kilala.

Tumitig na lamang ako sa nag iisang binibini na nasa harapan namin ngayon. Todo iwas itong hindi mapatingin sa p'westo ko na ikinangingiti ko na lang.

Distracted?

Mukha kasi siyang hindi komportable sa presensya ko. Hm, mayroon bang epekto ang kagandahan ko sa kaniya?

Matangkad nga talaga ito at gusto ko talaga ang mga tingin nitong nagsusungit sa akin. Hindi ko alam kung kilala ba niya ako bilang bagong estudyante.

Transferee lang ako rito kaya maganda na rin iyon.

May maganda naman pa lang maidudulot ang paglilipat ko ng eskwelahan. Hindi na kailangan ngumiwi at magreklamo sa mga kaibigan kong may tuktok sa ulo.

Kung alam ko lang ay sana mas pinaaga ko ang paglilipat ko dito.

Nakakatuwa na rin talagang naging kaibigan ko si Alexandria the great pati na rin ang mga kaibigan niya. Natutuwa na nga rin ako kay Cathrice dahil siya ang unang nakaalam kung sino ako maliban kay Alex na siya namang may unang may alam. Siguro noong nasa tiyan pa lang siya ng Nanay niya ay gumagamit na siya ng teknolohiya. Sobrang advance ng mga gamit niya.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Where stories live. Discover now