[11] The Me Soup

15 5 0
                                    

[11]

The me soup


"Aluna."

"Aluna, gising na buwan. Aluna!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Muntik na ding mauntog ang noo ko sa sahig ng hindi ko namamalayan.

Ano ba 'yan, talaga nama—

"Aluna, gumising kana. Huwag mong hintayin ang kuya mo pa mismo ang aakyat diyan, gumising na."

Nahilamos ko ang mukha sa inis. Paniguradong si mama na naman ang sumisigaw sa alas singko ng madaling ar—

"Aluna, mag-aalas otso na!"

Natigilan ako. Mabilis akong nagtungo sa mesa ko at muling pinatitigan ang oras.

Hindi nga nagkakamali ang nanay ko. Malapit ng tumungtong sa walo ang—

"M-ma, bakit 'di mo ako ginising ng maaga?!"

Hindi ko gaano naintindihan ang sinagot nito. Nagmadali akong nagtungo sa banyo. Dinala ko na pati uniporme ko, para all in one na.

"Anak, ba't ka naman nagbihis sa banyo?" Bungad ni mama pagkalabas ko sa banyo.

"M-ma... 'di mo man lang ako ginising," umupo ako sabay libot ng paningin. "A-asan kuya?"

"Nauna na kuya mo. Ang tagal mo kasing nagising, 'yan tuloy."

Pinagmasdan ko siyang magsalin ng kain sa plato ko. Nauna? Kakasabi niya lang na tatawagin nito ang kuya. Saan du'n ang nauna?

Minsan kasi matuto tayong makinig sa sariling nating salita, dahil may oras na ganito ang nangyayari kapag hindi nila napagana ang anak sa kahit anong bahay. Talaga naman oo....

Mabilis lang ang kain ko. Inayos ko muna saglit ang gamit bago ako magpaalam kay mama. Ngayong araw, gagamitin ko na ang bisikleta ko sapagkat napagod na ang paa ko kakalakad sa malalayong lugar.

Hindi rin nagtagal, nakarating ako sa SIHS. Halos wala na akong nahahagip ni isang estudyanteng nagtatambay sa paligid. Walang kahit ano ang naglakas loob na manatili sa labas sa oras ng klase.

"Miss Perez."

Napahinto ako sa paglalakad. Malapit na ako sa harap ng pinto ng sarili kong silid ngunit hindi ko pa naihahakbang ang paa, bumungad na sa 'kin ang salubong na kilay ng adviser namin.

"M-ma'am lee, m-magandang umaga po—"

"What's so good in the morning? Ha?" Napayuko ako. "Would you kindly tell the class why you're so late?"

Hindi ako kaagad nakasagot. Sa totoo lang, isa na ito sa pinakakinakatakutan ko. Nakakatakot na sa sobrang takot ko, hindi ko na magawang igalaw ang buong katawan.

"Miss Perez."

Wala na. Naistatwa na ako ng tuluyan. Mablablanko na naman ang utak ko niyan hanggang sa matapos ang klase niya sa amin. Huhu, bakit ba naman kasi? Kung nagising lang ako ng maaga, malamang kanina pa sana ako nasa loob, nakikinig sa leksyon ng aming guro habang tahimik na nagsusulat sa sarili at madilim na lamesa at nakaupo sa upuan kong si stool parin hanggang ngayon. Ayyy... talaga naman o—

"Ma'am lee."

Pareho kaming natigilan ng kaharap ko. Natuon ang atensyon namin sa kanan ko kung saan may paparating na tagapagligtas ko sa araw na 'to.

"May I excuse Miss Perez to your class?" Lalo akong natigilan.

"For what?"

"Mr. President needs something from her."

AlunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon