[6] What's her rights

36 5 0
                                    

[6]

What's her Rights


"Bilis Aluna ang tagal mo."

"Sandali!"

Hindi ko maayos ang P.E uniform ko dahil sa patuloy na paghatak sa akin ng braso ko ni serra.

"C'mon," hinila niya ako.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

"Gymnasium."

Napakunot ang noo ko at tinignan siya ng may pagtataka sa muka. Gymnasium? Anong meron du'n?

"We have an important meeting with the president."

Nanlaki ang dalawa kong mata. 'Yon presidente ng campus? Makakasama namin?

Mas binilisan ni serra ang paglalakad na siyang ginawa ko rin. Hindi pa kami nakakarating ngunit ramdam kona kaagad ang kaba ng buong sistema ng katawan ko. Kinakabahan ako. Natatakot na tila hindi kona magawang ihakbang pa ang parehong paa.

Napansin kong pinagtitinginan kami ng ibang estudyante. Malamang naiinis sila dahil sa ingay ng kasama ko. Nagsasalita mag-isa si serra habang ang gamit nitong lingg'wahe ay mandarin.

Kanina kopa hindi naaayos ang gamit ko. Hawak parin kasi ni serra ang braso ko habang ang isa ay nakahawak sa bag ko. Wala pa kasi sa ayos ang mga gamit ko kaninang pagdating ko dito sa SIHS. Oo, nakabalik na ako sa SIHS. Para sa akin sobrang bilis ng oras. Sa sobrang bilis nito hindi kona gaanong nakasama ang pamilya ko sa araw ng Sabado at Linggo.

"Dito," hinila ako ng kasama ko.

Nakarating kami sa harap ng aming gymnasium. Ang lawak. Sa unang bungad palang nito halatang mas malawak kesa sa building namin, ata.

Pagkapasok, hinagip kaagad ng paningin ko ang president sa paligid. Naningkit pa ang dalawa kong mata sa tagal ng paghahanap dito. Wala? Wala akong mahagip na Mr. President sa loob ng gym.

"Let's sit here." Sambit ni serra.

Iginaya ako ni serra kung saan napansin kong nandu'n din ang mga kaklase namin. Nasa pangalawang row kami ng upuan. Ibig sabihin, ang pinakauna sa amin ay ang section A1. Malamang nandito din sina queen bee at mga anak nitong bubuyog.

Nagsimula ang pagtitipon naming lahat nang hindi ko parin mahagip ang presidente ng SIHS.

"Ok ok ok, quite down please,"

Naagaw ng atensyon ko sa anunsiyo ni sir L na nakatayo ngayon sa harap naming lahat.

"So for now, pag-uusapan natin ang mga pwedeng mangyari sa up coming sports fest," napahinto siya dahil sa biglaang paghiyaw ng mga kasama ko sa loob. "Yeah yeah, I know it does kinda exciting. But for now, we'll have to talk about the things we need to prepare here at SIHS. Is everybody excited?! Yes? Yes!"

Agad akong napatakip sa tenga dahil sa lakas ng hiyawan, halakhakan at sigawan ng mga estudyante sa bawat grade. Ang lakas! Nakakabingi sa sobrang lakas.

"Silence!!"

Lalo akong napatakip sa tenga na siyang ginawa din ni serra na katabi ko lang. Nabitawan pa nito ang hawak na libro at bumagsak ito sa sahig. Mic na ngayon ang gamit ni sir na lalong nagbigay ng dahilan para mas lalo 'kong takpan ang tenga.

"Gàn má?!" Iritang bulong ni serra.
(What the heck?!)

Hindi ko siya naintindihan. Tanging pagtakip lang din sa tenga ang nagagawa ko. Wala na, hindi kona naririnig pa ang anunsyo ni sir L dahil sa ingay ng paligid ko.

"Ok sa mga gustong sumali ng laro, I'd like to announce na sa president ng mga bawat classroom sila ang unang aassist sa mga student na sasali sa anumang game na pasok sa panlasa nila." Pagpapatuloy ni sir. "Everyone should participate. As in allllllllll the student in SIHS will join the sports fest, yes? Yes."

AlunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon