Chapter 24: Missing:Diary of Feelings

46 2 0
                                    

(Princess Mendoza's POV)

        Alam mo yung feeling na gustong gusto mo nang ipagsigawan sa mukha niya na mahal na mahal mo siya pero hindi mo magawa kasi naduduwag ka? Ako yun eh! Napakaduwag ko talaga! Hindi ko nanaman nasabi sa kanya na mahal ko siya.

        Naduwag na naman ako. Dapat kasi noon palang sinabi ko na sa knaya yung nararamdaman ko eh. Para hinid na ako nasasaktan ngayon. Sa tuwing magkasama kami ni Hendrick. Ang lagi nalang si Anya ang bukang-bibig niya.

        Si Anya. Lagi nalang si Anya. Ano ba kasing nagustuhan niya kay Anya?

        Pwede namang ako nalang ang mahalin niya eh. Kasi ako mamahalin ko siya hanggang sa huli. Kahit na hindi kami ang nakatadhana para sa isa't isa. Tatanggapin ko.

        Eh ano naman kung mahal niya si Anya? Hindi naman siya kayang mahalin ni Anya. Pero ako kaya ko siyang mahalin. Nagawa ko na nga siyang mahalin ng walang kahirap-hirap.

        Kung sana nauna lang akong dumating bago si Anya. Malamang sa akin na inlove si Hendrick. Baka ngayon ako ang mahal niya.

*Flashback*

        "Arrg! Dapat hindi na ako naniwala sa kanya. Ginamit niya lang pala ako. Akala ko mahal na talaga niya ako. Nagpagamit nanaman ako sa kanya. Huhuhuhu. *sobs* *sniff*" umiiyak na sabi ni Hendrick.

        "Mukhang mas kailangan mo ata 'to." lumapit kay Hendrick ang isang magandang babae. Pinanuod ko lang muna silang dalawa mula dito sa malayo.

        "Salamat Miss. Anong pangalan mo?"

        "I'm Anya Michelle Salvador, call me Anya nalang. :)" nakangiting sabi nung babae.

        Lalapit na sana ak pero nahuli na. Dahil bago pa man ako lumapit naptawa na niya si Hendrick. :'(

        That sould be me. Ako dapat ang nagpapatawa sa kanya ngayon. Ako dapat ang nasa tabi niya ngayon pero hindi ko nagawa. Naduwag na naman ako.

 

*End of Flashback*

        Yung kaduwagan ko noon. Ginagawa ko na naman ngayon. Itinatago ko na naman ung nararamdaman ko. Nagmamanhid-manhidan na naman ako para hindi ko maipakita sa harap niya na nasasaktan na ako.

        Naging hobby ko na nga din ata ang pagpapalusot eh. Dahil sa tuwing gusto niyang magpasama sa akin para sundan si Anya. I always declined to join him.

        Kung may mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon na makita ang taong mahal ko na may mahal na iba. Sabihin niyo sa akin. Damayan niyo ako!

        Umuwi nalang muna ako pagka-alis ko nga ospital. Pagkauwi ko wala na namang tao dito sa bahay maliban sa akin. Nakakamiss na talaga sila. kelan ko kaya ulit sila makikita?

        Dumiretso nalang agad ako sa kwarto ko at ibinaling ko nalang sa pagtitig sa bintana ang mga malulungkot na pangyayari ngayon.

        Bigla kong naalala na meron pala akong nageexist na diary. Kaya naman sinimulan ko na namang muli ang paghahanap sa diary na yun. Ewan ko ba. Pero weird man pakinggan may Diary ako at lahat ng mga feelings na nararamdaman ko simula nung magkakilala kami ni Hendrick nakasulat doon. Pero a year ago. Nawawala na ito at hanggang ngayon hindi ko parin makita.

        Sana naman kung sino man ang nakakuha nun sana hindi niya ako kilala. Kung hindi!!!!LAGOT AKO! Baka Iblackmail niya ako!! huhuhuhuhu.

Ano na kayang nangyari sa diary ko na yun ? Wag sanang magaya a akin yung nakakuha nung diary ko. Wag sana siyang maging torpe. Sana ipagsigawan niya sa mundo kung ano ying nararamdaman niya para sa isang tao. Ayoko kasi na may naiimpluwensyahan ako dahil sa katangahan ko.

Tama na yung ilang beses na akong nasasaktan. Kotang kota na ako ei. Ayoko na. Matagak na akong tanga alam ko. Ang tanga ko kasi nagmahal ako ng isang tao na hindi naman akong kayang mahalin pabalik. Ang sakit kaya nun. Ang hirap. Ang hiral na kahit anong pilit ko na kalimutan siya. Siya at siya parin pala ang mamahalin ko hanggang sa huli.


a/n: Finally graduate na ang batch 2014-2015 ngayon palang namimiss ko na ung mga taong naging part ng journey ko. This highschool days/weeks/months/years are the most memorable in my whole life.

thanks din sa mga readers ko. :)

2.5K+ NA YUNG VIEWS! THANK YOU TALAGA!

Everything for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon