Chapter 20: She Left Me!

93 4 0
                                    

(Mike Angelo's POV)

        Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip kung tutuparin ba ni Anya ang pangako niya na hindi siya aalis, at hindi niya ako iiwan.

        (=.=) Sana lang talaga tuparin niya ang pangako niya. Pagod na akong umasa ng umasa. Kaya kung tama man ang iniisip ko na iniwan niya ako? Sa panahon na muli kaming magkita Revenge na malupit ang makukuha niya dahil sa pananakit niya sa akin ng lubusan. -.-

        Tumayo agad ako sa kama ko at dumiretso sa may pinto. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may kulang sa akin. Nang dahil sa pakiramdam kong iyon, agad akong nagpunta sa kwarto kung nasaan si Anya. Hinanap ko siya pero wala siya. Hanggang sa may napansin akong isang kapirasong papel na nakapatongsa ibabaw ng kama. Binuksan ko ito at tanging "SORRY" lang ang nakasulat dito. Anong ibig sabihin niyo?!

        "No!!! Hindi niya ako pwedeng iwan! Nangako siya! Nangako siya! Arrgh." sabi ko at agad na pumunta sa labas ng bahay. Magbabaka-sakali akong kaaalis lang niya. Pero walang anino ni Anya ang naabutan ko.

        May nakita akong kasambahay sa kabilang kalsada sa harap ng bahay namin. Nilapitan ko siya at tinanong.

        "Ate may nakita ka po bang babae dito?" tanong ko na nag-aalala pero si Ate hindi man lang nagsalita.

        "Ate wooohhoo." winaagayway o pa ang kamay ko. At yun nagkaulirat na si Ate/

        "Ay naku Sir, wala po. Pasensya na po." sagot ni Ate  na medyo nahihiya pa dahil sa nangyari.

        "Sige po Ate okay lang. Pasensya na po sa abala. Mauna na po ako." sabi ko at tska umalis. San ko na ngayon hahanapin si Anya. Ni hindi ko alam kung magiging  maayos ba siya dun sa pupuntahan niya. Magiging okay kaya siya? Alam kaya nila Tita Andrea at Tito Peter ito? kung alam man ni Tito Peter bakit hindi niya sinabi sa akin. At kuing hindi man alam ni Tito Peter, Sino ang may alam kung saan pupunta si Anya?

        Napag-pasyahan ko na munang pumunta sa bahay nila Anya. Titignan ko na muna siya doon dahil baka ayaw niya lang talaga munang amanatili sa bahay namin, kaya siya umalis. Sana lang talaga andun siya. Dahil kung hindi,hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

        Nang makarating na ako sa bahay nila Anya. Nakaramdam ako ng takot at lungkot. Takot na wala sa bahay na ito si Anya at Lungkot na baka iniwan niya na nga talaga ako.

        Nabuhayan ako ng may napansin akng ilaw na nakabukas sa loob ng bahay. Sa mismong kwarto ni Anya. Bigla nalang akong napangiti. Hindi ako iniwan ni Anya. Anjan siya sa loob ng bahay nila. (^u^)

        Agad akong pumasok sa gate at sa main door. Madali lang akong nakapasok dahil hindi naman naka lock ang gate at main door. Agad akong umakyat sa second floor ng bahay patungo sa kwarto ni Anya. Dahan-dahan akong nag-lakad patungo roon dahil gusto kong masorpresa siya. 

        Nang malapit na ako sa pinto. Bigla nalang akong nakarinig ng malaas na pagkalabog na nang-galing sa kwarto ni Anya kaya agad akong napatakbo papunta doon. At ang bumungad sa aiin ay mga kalat kalat na gamit ni Anya na nasa sahig. At isang lalaking ngayon ko lang nakita. Abala sa pag-kalkal ng gamit ni Anya ang lalaki kaya marahil hindi niya ako napansin.

        Biglang bumagsak ang balikat ko dahil sa nakita ko. Spbra akong nadismaya at umasa. Ang sakit pala. Iniwan na niya ako ng tuluyan. Pero nangako siya ei. Sabi niya hindi niya ako iiwan at hindi siya aalis pero ano? Umalis siya at iniwan niya lang ako ng ganun ganun lang. Hindi man lang siya nagpa-alam para naman nai-handa ko ang sarili ko sa pag-alis niya. para nang sa gayon ay hindi na masakit para sa akin kung aalis man siya. Nakit niya ako iniwan?

        Nagtungo ang mga mata ko sa lalaking kasalukuyang gumugulo sa kwarto ng babaeng mahal ko. Dahan dahan ko siyang nilapitan at ng makalapit na ako. Napahinto siya sa ginagawa niya at napalingon sa akin. Pero huli na ang lahat. Pinag-susuntok ko na siya at hidi na siya makakalaban pa ngayon dahil ibinubuhos ko na ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko ngayon sa kanya.

        Nawalan ng malay ang lalaki. Bagay na hindi ko pinagsisisihan sa lahat ng bagay na nagawa ko.

KyoTt Message from the paKyoTt author XD :

Hi KyoTtie:) Uso po ang votes and comments. And thank you sa pagbabasa. Love lots :* 

Sorry po kung matatagalan ung update. Peace po tayo ah. Wala pong samaan ng loob. Medyo nagiging busy po kasi ako lately.

ENJOY  :)

Everything for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon