"Punyeta! Kailangan na nating tumakas ngayon jaydee! Hayaan niyo na yang amy na yan! Tara na buhatin niya na si jaydee" sabi nung babaeng medyo payat at dahil doon napababa ako nang mabilis dahil baka makita nila ako ngayon.

Nagtago na ako sa isang bahay nung makalabas na ako , madaming mga pulis ang naghahabol kila jaydee ngayon na tumatakas kasama ang mga armadong tauhan niya.

Pagkatapos nun ay pinaakyat ko na yung medic at mga pulis din upang kunin na si amy doon sa taas pagkadating namin ay wala nang malay si amy pero amy pulso pa naman siya.

Kaya ayun isinugod na siya agad sa pinakamalapit na hospital dito ngayon sa batanes , naluluha kong tinignan si amy ngayon.

Pinaghahanap na ng mga rescuer at diver yung katawan ni coleen na nahulog sa may dagat , duguan at may ilang tama siya pero hopeful pa din ako na mahanap nila siya nang humihinga pa.

Nakarating na kami sa pinakamalapit na hospital at diniretso na si amy sa emergency room at nang maoperahan na siya at makuha na yung bala sa katawan niya ngayon.

Ilang oras na ang lumipas at natapos na din ang operasyon niya naging stable na din naman yung kondisyon niya pero hanggang ngayon ay wala pa din akong balita sa mga rescuer about kay coleen.

Malapit na daw makarating sila ate sheki , brei at laney dito sa batanes pinapunta ko na sila kanina pang umaga at sinabi ko na sa kanila yung planong gawin ni jaydee.

"Nasaan na si amy? Anong balita kay coleen nakita na daw ba siya?" Tanong ni ate sheki nang makita niya ako napayakap nalang ako ay napahagulgol ng iyak ngayon.

"Ate shekiii! Hindi pa din nahahanap si coleen at sabi nga ng mga rescuer ay malabo na daw siyang mahanap ngayon dahil gabi na at tsaka baka malamig na bangkay na daw siya pag nahanap nila" lumakas ang paghikbi ko kasabay nun ay ang pag iyak din nila ate sheki at ate brei.

"Fudge! Kasalanan ko ito eh , kung hindi ko lang sana kinontak si coleen para pumalit sa akin sa trip na yun ay hindi ito mangyayaring lahat" paninisi ni laney sa sarili niya niyakap nalang siya ni ate brei , I dont think na may kasalanan siya about dito.

"Kamusta na si amy? Damn it! Napaka walang hiya ni jaydee! Paano niya nakayang pumatay ng tao ah?" Tanong naman ni ate brei sa akin napaturo nalang ako sa may icu ngayon.

Madaming nakakabit kay amy na paraphernalia stable na ang lagay niya ngunit hindi responsive yung katawan niya which means parang may natamaan na ugat na may kakayahang maigalaw yung katawan niya.

Nakaupo lang kami ngayon at nananalangin na sana ay magising na si amy at tsaka sana matagpuan na si coleeen ngayon.

































Amy's Pov

Halos puti lahat nang nasa paligid ko , nakikita ko ngayon si coleen na papalapit sa akin na may dala dalang bulaklak at napaka ganda ng mga ngiti niya.

Masaya niya akong niyakap at binigyan ng halik sa noo , pisnge , ilong at lastly sa may labi.

Masaya kaming naglalakad ngayon na magkahawak kamay pa , nakatingin lang ako sa kanya at hindi maialis yung tingin ko sa kanya.

Sana hindi matapos itong araw na ito sana lagi lang kaming magkasama at masaya lang ganun , I don't think kakayanin ko kapag nawalay muli ako sa kanya.

"Mahal ko? Masaya ako na pinili mo akong mahalin , sana ay panatilihin mo ang ngiti sa mga labi mo kahit hindi mo man ako nakakasama ngayon" kinakabahan ako ngayon sa awra niya bakit parang ang ipinaparating niya ay iiwan niya na ako dito ngayon.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now