Nakalabas na si amy ng banyo at naligo na din ako pagkatapos niya , paglabas ko ay nalabihis na siya at naka dress nga siya na kulay skyblue tapos may pa sumbrero pa siya yung mahaba.

Basta parang mayora yung datingan niya ako naman ay nag fitted jeans lang tapos nag t shirt tapos pinatungan ko nang maong na jacket.

A few hours later

Nakasakay na kami sa may kalesa ngayon ang astig nga eh first time kong makasakay dito at pati din si amy kasi halatang kabadong kabado siya ngayon.

Sobrang higpit kasi ng pagkakahawak niya sa may kamay ko tapos nakasubsob pa yung ulo niya sa may bandang dibdib ko.

"Mahal? Iangat mo ulo mo tapos kukuhana kita ng litrato dali , ang gand ang view oh!" Sabi ko sa kanya , napatingin naman siya sa paligid niya at manghang mangha nga siya.

Nakangiti siyang nakatingin sa tanawin kaya agad ko na siyang kinapturan ng litrato , argh why naman so ganda ng babaeng ito rold.

Hays kung hindi siya mapapa sakin please lang pwede na po siyang mapasayo lord hahah char lang po.

Hays kung hindi siya mapapa sakin please lang pwede na po siyang mapasayo lord hahah char lang po

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

S

obrang ganda dito pero nakakatakot lang yung daan niya pero overall wala akong masabi sa sobrang ganda ng place na to.

Batanes is a much recommended place to go for a vacation to chill and relax , grabe napaka refreshing din ng simoy ng hangin dito at mas nakakaenjoy dahil kasama mo yung minamahal mo.

Nakarating na kami sa place kung saan ko gustong dalhin si amy pero bago yun magpipicnic muna kami sa may gilid gilid.

Nilapag ko na yung mat and then iniayos ko na yung paglagay ng pagkain tapos naupo na while si amy naman ay umiinom ng tubig at nakatingin lang sa lighthouse ngayon.

I think she's afraid of heights pero sana naman mapapayag ko siya na pumunta kami doon sa taas dahil sobrang ganda ng view doon sa taas.

Naupo na siya and then sinubuan ko nalang siya ng pagkain , kili na kilig naman ang tyang amy niyo sa ginawa ko.

Nagkwentuhan lang kami as usual bonding namin habang kumakain and then pagkatapos kumain ay medyo inantok ako kaya pinahiga niya ako tapos nakapatong yung ulo ko sa lap niya.

Habang hinihimas himas niya yung buhok ko ay napapatingin lang ako sa mga mata niya , ang ganda naman ng view ko saad ko sa sarili ko.

"Matulog ka na muna dyan coleen" sabi niya sa akin at pininch yung nose ko pero ako nakatingin pa rin sa kanya hanggang ngayon.

"What if pag gising ko hindi naman pala kita kasama? What if this is all part of a dream?" Tanong ko sa kanya ewan pero natatakot ako sa part na baka panaginip lang ang lahat ng ito.

"Kung panaginip lang ito coleen? Ayoko nang magising kasi gusto nalang kitang makasama habang buhay" sabi niya pa sa akin bahagyang napangiti naman ako sa sagot niya pero paano si jaydee? Im bothered lang ah pero ayoko muna siya tanungin about doon.

Let's enjoy this moment nalang talaga siguro , argh napapikit na muna ako pero bago yun hinalikan ko muna siya sa may pisnge lang naman.

1 hour later

Nagising na ako at nakatingin lang si amy sa paligid maghahapon na pala kaya napabangon na ako agad,. This is the time na maganda ang view doon sa may lighthouse.

"Tara na doon sa lighthouse mahal?" Sabi ko sa kanya bakas naman sa mukha niya ang takot ngunit hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Don't worry ako ang bahala sayo okay? Walang mangyayaring masama kapag kasama mo ako kaya wag kang mag alala amy" sambit ko sa kanya napatango nalang siya at niligpit ko na ang pinagpicnican namin.

Naglalakad na kami paakyat ngayon at ilang hakbang nalang ay mararating na namin yung pinaka toktok ng lighthouse.

"Omg sobrang ganda dito ngayon! Let's take a picture together mahal ko!" Napangiti naman ako nang tawagin niya akong mahal argh my heart is melting.

"Omg sobrang ganda dito ngayon! Let's take a picture together mahal ko!" Napangiti naman ako nang tawagin niya akong mahal argh my heart is melting

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Click!! click!! click!!

Ilang picture ang kinuhanan namin at masaya naman kami dahil sobrang dami naming pictures na dalawa.

So ayun this is it para sa ibibigay ko sa kanya na promise ring, napadukot nalang ako sa may bulsa ko at nakuha ko nga iyun kaagad.

"Mahal can i have your hand?" Sabi ko sa kanya ibinigay niya naman agad iyun at ayun kinuha ko na ang singsing sa loob ng box and then nilagay iyun sa mga daliri niya.

"Wait may ibibigay din ako sayo coleen, hmp alam ko nandito lang yun sa bulsa ko din eh" sabi niya sabay kapkap ng bulsa niya at ayun mukhang nahanap niya na nga dahil napangiti siya.

"Here! Wait ibaba mo unti yung katawan mo para mailagay ko nang maayos yung kwintas sayo" sabi niya sa akin successful niya namang nailagay iyun sa may leeg ko at tinignan ko nga iyun , may heart siya sa gitna and then binuksan ko yun.

Napangiti nalang ako nang makita yung picture naming dalawa sa loob ng heart argh ang sweet naman mahal ko.

Niyakap ko naman siya and then nagsalita na ako madami pa akong sasabihin sa kanya at gusto ko na ngayon niya iyon malaman.

"Amy mahal na mahal kita , pangako ko sayo na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay no matter what happen lagi mong tandaan na nandito lang ako lagi para sayo" sabi ko sa kanya ewan ko ah i sounds something off but ayun ang nararamdaman ko ngayon eh yung feeling na parang may mangyayaring hindi maganda.

So ayun nagyakapan lang kami doon sa tuktok ng light house at inenjoy lang yung moments na magkasama kaming dalawa.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now