School Camping Murder Case - File 3: Degrees

7 0 0
                                    

"Observing the case in detail makes a detective, effective."

---

Malalim na ang gabi nang may isang hindi kilalang tao na naglakad malapit sa mga puno. Linapitan niya ang isang banda roon at maydinukot na baril mula sa madamong bahagi ng punong kahoy. Ngumiti siya at nagmadaling umalis. Biglang umilaw ang buong paligid na ipinagtaka niya. Maraming mga pulis ang nakapalibot sa kaniya at ang mga estudyante ng camping na iyon.

"Dahil sa pag-aakalang ikukumpirma ng mga pulis na isa itong wandering bullet case, itinago mo ang baril na pumatay kay Estelle Dela Vega. Mula diyan sa kinatatayuan mo ay pinatay mo siya gamit ang baril na iyan." paliwanag ni Kaeden. Kasama niya sina Josephine, Basil at ang kasama nitong pulis.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ng criminal.

Ipinikit ni Kaeden ang kaniyang mga mata at unti-unti ay tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Ayokong gawin ang imbestigasyong ito, pero, dahil sa kagustuhan kong malaman ang katotohanan, ito pa ang dahilan para pagdudahan kita...Professor Hero...ang bumaril kay Estelle ay walang iba kundi ikaw!"

Tila hindi makapaniwala ang lahat. Maging sina Aifa at Rolando ay nagulat din. Hindi nila inaasahang ang napakabait na guro ng paaralan ay siya pang criminal.

"N-nandito lang ako para kumpirmahin ang isang bagay...paanong ako ang criminal eh nasa tent ako? Nakita ko nga na pumupunta ang ilaw mula kanan hanggang kaliwa."

"Sinabi mo ulit." sagot ni Kaeden.

"A-ano?"

"Pumunta ang ilaw mula kanan hanggang sa kaliwa? Paano mo alam ang bagay na iyon? Lahat ng estudyanteng narito at ibang mga guro ay nakita lamang ang ilaw mula sa kaliwa. Hindi nila alam na nagmula ito sa kanan...bakit nga kaya alam mo...? Alam mo ito dahil ikaw din mismo ang gumawa ng ilaw..."

"I-imposible ang sinasabi mo!" giit ni Professor Hero.

Pinakita ni Basil ang isang plastic cellophane kung saan naroon ang isang flashlight at lubid.

"Ito ang paraang ginamit mo, Prof. Magtanggol. Tinali mo ang lubid mula kanan hanggang sa kaliwa sa magkabilang punong kahoy. Gamit ang key chain ng flashlight, doon mo ipinasok ang unang dulo ng lubid at pinailaw ito. Hinayaan mo ang flashlight na lumihis at sundin ang ikalawang dulo ng lubid. Sa ganitong paraan, pupunta ang flashlight sa kanan mula sa kaliwa." paliwanag niya.

"H-hindi ko magagawa iyan. Tsaka paano ko iyon gagawin, kung mula sa kaliwa ang pinaggalingan ng pagputok ng baril?"

"Madali lang iyon. Ginamit mo ang flashlight trick na ito para akalain ng mga naka-witness ng pagputok na mula sa kaliwa ang baril. Dahil sa kaliwa sila titingin ay hindi nila mapapansin ang firing spark ng baril mula sa kanan dahil nakatingin sila sa ilaw ng flashlight sa kabila. Mula doon ay mabilis mong tinago ang murder weapon at humalo sa amin at kunwaring hindi alam ang nangyari..." sagot ni Kaeden.

Hindi makapagsalita si Professor Hero sa narinig. Tahimik lamang itong nakinig sa sinasabi ni Kaeden.

"Pinaimbestigahan ko kay Inspector Basil ang peak ng magkabilang bundok sa kanan at kaliwa. Ang kaliwang bundok ay mas mababa kesa dito sa kanan. I-konsidera natin ang taas ng isang bundok at ang trajectory ng isang bala. Mula sa mga ito ay ang formula ng Angle of Depression o Elevation. Ang distansya ng tent ni Estelle mula sa kanang bundok ay 60 meters, may taas na 50 meters naman ang bundok. Kung ang observer ay nasa 60 meters peak of height at ang layo niya mula sa tent ay 50 meters, gamit ang formula of Angle of Elevation, Tangent of X degrees is equal to 50 divided by 60 (Tan X deg = 50 / 60), kung saan ang sagot ay 0.8333 meters. Ang trajectory ng bala mula sa kanan ay 0.8333...kung sa kaliwa iyon...hindi aabot sa ganoon ang angle of elevation niya, ibig sabihin mas mabilis ang paglakbay ng bala mula sa kaliwa. Ang nag-iisang banda kung saan maaaring makuha ang ganitong bilang ay sa kinatatayuan mo, Professor..." paliwanag ni Kaeden.

Ngumiti si Professor Hero at tinignan siyang mabuti. "Ikaw nga ang anak ni Red Boa Vista...ang angle of elevation pala ang nagbigay daan sa aking pagkabisto, isa sa mga math lessons na natutunan mo sa akin..."

"Pero bakit, Professor? Bakit mo pinatay si Estelle?" tanong ni Josephine na nasa likuran ni Kaeden.

"Dalawang taon na ang nakakaraan nang mangyari ang insidenteng iyon. Isang magaling na writer ang aking anak na si Lea, nag-aaral siya noon sa isang prominenteng unibersidad. Ngunit hindi mo maiiwasan ang ibang mainggit sa iyo at hanapan ka ng paraan para pabagsakin. Dahil sa ginawang pamba-blackmail ni Estelle na ibubunyag ang relasyon nila sa isang guro noon, minabuti ni Lea na magbayad ng salapi sa kaniya. Ngunit dahil sa kasakiman ni Estelle ay lalo niyang piniga ang aking anak hanggang sa magpakamatay ito. Akala ko ay lilipas ang aking galit at paghihiganti sa kaniya, ngunit nung makita kong bibiktimahin niya na naman ang isang inosenteng bata at si Aifa...nagliyab na muli ang aking paghihiganti."

"Bakit hindi niyo sinuplong sa mga pulis?" tanong naman ni Basil.

"Hindi na kailangan, dahil ako na ang naging katarungan para sa anak ko. Alam kong tahimik na ang kaluluwa niya ngayo't wala na si Estelle"

"Anong katangahan ang sinasabi mo Professor!? Hindi isang katarungan ang kunin ang buhay ng isang tao para sa isang paghihiganti! Hindi ba't paghihiganti ang pinaka-nakakasuklam na emosyon ng tao!? Isa itong apy na mainit at nakakapaso sa may konsensya ngunit sa taong katulad mo na nilamon ng pagdurusa at katarungan ng iyong sariling isipan, naging isa kang taong gutom sa kasamaan!" pag-iyak na saway ni Kaeden.

"Ano ang alam mo!? Alam kong ngumingiti si Lea sa kaniyang kinaroroonan ngayon. Kung alam mo lang ang mukha niyang walang buhay."

"Tama na! Tama na! Hindi ba't ang paraang iyong ginamit sa pagpatay kay Estelle ay mula sa nobelang sinulat niya!? Kung gayon, ginamit mo si Lea para patayin ang isang taong nagkamali sa kanyang Gawain! wala kang pinagkaiba sa isang taong hindi alam magpahalaga!" patuloy ni Kaeden.

Mula sa sinabi niya ay tila nabuksan ang isipan ni Professor Hero sa ginawa. Ginamit niya ang mga sinulat ng kanyang anak sa pagpatay. Mga sinulat niyang pinangagalingan ng kanyang malinis na emosyon at pagsinta sa mundo. Lumuhod siya hawak parin ang baril sa kanyang kamay.

"Professor Hero Magtanggol, you are under arrest for the murder of Estelle Dela Vega." wika ni Basil at lalapitan sana si Professor Hero.

"Malaya na ang aking puso, malaya na!" mahinang wika ni Hero at sinubo ang bunganga ng baril. Akma itong magpapakamatay.

"Huwag!!!!" sigaw ni Kaeden at tinakbo ang guro mula sa kinatatayuan. Kinalabit agad ni Hero ang gatilyo. Maging si Basil ay huli na para sawayin ito. Mula sa maliwanag na ilaw ay tumambad ang walang buhay na guro. Lumuhod si Kaeden at hinarap ang bangkay ng guro habang humalughog ng iyak.

"Professor, bakit sa ganito pang paraan kita nakilala, bakit!?" sigaw niya. Bumuntong hininga nalamang si Basil habang tinignan ang kaawa-awang si Kaeden.

"Tapos na ang lahat. Napakasakit mang tanggapin pero ito ang dapat..." bulong ni Basil sa sarili. Sinenyasan niya ang ibang forensic examiner at medical team para kunin ang bangkay ni Hero mula sa lugar. Sa mga mata ng guro at estudyante ay bakas ang kalungkutang babaon sa kanilang puso sa pagkakataong iyon. Maging si Josephine ay hindi makapaniwalang ito ang magaganap at magiging sagot sa lahat ng katanungang kanina lamang ay binalot ang kanyang puso at isipan.

Case Book of Detective Kaeden: VOLUME 1Where stories live. Discover now