"Naiinis talaga ako kay Gerald!" sabi ni Johnson habang nagagalit. Ang cute talaga niya kapag naiinis siya.

"Inaasar ka ba niya?" tanong ko

"Oo, type ko siya pero ayoko siyang maging syota dahil may gusto akong tao." sagot ni Johnson habang kumakain.

"Sinong gusto mo?" tanong ko habang inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

Nakita ko sa kanyang mga mata na gulat na gulat siya habang nagtitigan kami ngunit nabilaukan siya nang dahil sa kilig kaya uminom siya ng sago't gulaman.

"Silence means you like me." sabi ko habang nagpapa-cute sa kanya.

"Napakabolero mo!" tugon ni Johnson habang tinatawanan niya ako.

Nanpansin naming dalawa ni Johnson na naglalandian sina Sandro at Gerald. Nakita namin na masyadong mahaba ang kanilang usapan at si Rachel ay naiinis na sa kahihintay sa kanyang pinsan.

"Ang saya ko today dahil may kalandian na si Gerald at hindi ka na niya aagawin kasi magseselos ako kapag may kasama kang iba." sabi ko sabay sandal sa ulo ko sa balikat niya.

"Supposed to be, uuwi na sina Gerald at Rachel pagkatapos nilang bumili ng siomai pero sa nakikita ko ay parang ang saya ni Gerald habang kinakausap niya si Sandro." tugon ni Johnson

Biglang lumapit si Rachel sa amin habang nagdadabog. Masyadong hagard ang kanyang buhok dahil panay kamot siya sa kanyang ulo.

"Naiinis talaga ako kay Gerald dahil mas inuna pa niya ang kalandian kaysa pag-uwi ng bahay." sabi ni Rachel habang nagdadabog

"Mabuti iyan para di na niya aagawin sa akin si Johnson." tugon ko

"Anong gagawin ko ngayon?" tanong ni Rachel habang kinakamot ang kanyang ulo.

Biglang may tumawag sa kanyang cellphone at umalis siya sa harapan namin para sagutin ang tawag.

Katatapos lang namin magsipilyo nang pumunta kaming dalawa ni Johnson sa kuwarto ko at nang binuksan ko ang pinto ay nakita ko sina Ate Alice at Ate Natalia na nagtsitsismisan habang naka-upo sila sa kama ko.

"Mga ate, ano na naman ginagawa niyo sa kuwarto ko?" tanong ko habang naiinis.

"Wala lang!" sagot ni Ate Alice

Nagtataka ako dahil tinitignan nila ako at nakangiti pa sila habang pinagdududahan nila ako. Pareho kaming nagulat ni Johnson nang pareho palang magkahawak ang aming mga kamay.

"Naku, kayo talaga! Kunwari ayaw niyong hawakan ang kamay niyo pero may something na pala!" pang-aasar ni Ate Natalia

Kinuha ko ang sapatos ko sa lagayan ng mga footwear ko na nasa tabi ng pinto. Balak ko sana silang hagisan ng sapatos ngunit tumakbo ang mga ate ko dahil natatakot sila sa akin. Alam kasi nila na mabaho ang paa ko kapag nagsusuot ng sapatos.

"Pagpasenayahan mo na ang mga ate ko." sabi ko

"Okey lang, sanay naman ako na inaasar nila tayo kapag pumupunta ako sa bahay niyo." tugon ni Johnson

"Nood tayo ng movie sa netbook ko." inaya ko si Johnson at tumango siya.

Kinuha ko ang netbook ko sa maliit na sling bag na lagayan mismo ng netbook.

"May Netflix ka?" tanong ni Johnson

"Oo, kaming lahat may Netflix." sagot ko habang binuksan ko ang netbook.

"Wow! Ang suwerte niyo naman!" sabi ni Johnson

Binuksan ko ang Netflix sa netbook ko at medyo natagalan ng ilang minuto ang pagpili ng pelikulang papanoorin namin.

"May gusto ka bang panoorin?" tanong ko

"Kahit ano basta iyong di masyadong emosyonal na pelikula kasi madali lang akong umiyak habang nanonood ng mga sad scene." sagot ni Johnson

Kaya pinili ko ang Vince and Kath and James nina Julia Barretto at Joshua Garcia kasi medyo light lang ang movie and nakakakilig daw sabi ng mga ate ko. Habang nanonood kami ay biglang pumasok sa kuwarto ko sina Ate Alice at Ate Natalia na hindi nagpapaalam.

"Gosh! Nag-movie date silang dalawa!" ani Ate Alice habang hinampas niya sa balikat si Ate Natalia dahil sa kilig.

"Oo nga, baka naka-disturbo tayo." sabi ni Ate Natalia

Pinause ko muna ang pinanood namin ni Johnson na pelikula.

"Mga te, ano na naman ang sadya niyo rito?" tanong ko

"Sinabi sa amin ni mama na maaga daw sila aalis bukas." sagot ni Ate Alice habang naglalagay ng facial mask sa kanyang mukha.

"Bakit?" tanong ko

"Nasa ospital kasi si nanay [lola] ngayon at walang magbabantay dahil may trabaho si Tita Lauren bukas." sagot ni Ate Natalia habang naglalagay din ng facial mask.

"Before I forgot, may trabaho kami bukas sa call center baka hapon na kami maka-uwi." sabi ni Ate Alice

Di ko namalayan na nakasandal na pala ang ulo ni Johnson sa balikat ko dahil kanina pa siya inaantok.

"Wala na ba kayong kailangan?" tanong ko at umiling si Ate Natalia tsaka sila umalis sa kuwarto ko.

Gigisingin ko sana si Johnson kaya lang di ko siya magising dahil sa palagay ko ay napapagod siguro siya sa paglakwatsa namin kanina sa mall. Pinatay ko na lang ang netbook ko at bukas ko na lang gagamitin.

Hiniga ko siya sa kama para makatulog siya nang maayos pero bigla na lang siya lumapit sa akin at niyakap niya ako habang natutulog.

"Good night paps, sweet dreams!" pagbati ko habang kinakausap ko ang natutulog na si Johnson.

Breathe With Me (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now