"Oh madie iha! Himala at napadalaw ka dito? Kay tagal mong hindi nagpakita dito ah? Grabe mas lalo kang gumanda ngayon ah , kamusta sila mommy mo?" Masayang sabi ni mommy at binigyan ng yakap si madie nakita ko naman na napabusangot si amy ngayon.

Fudge bakit ba siya nagpunta sa bahay ngayon? May balak pa ata siyang umeksena na naman ngayon ah gaya nung ginawa niya nung monthsarry namin ni amy, argh ano na naman kayang balak niya at bakit napadpad siya dito sa bahay namin.

"Pasensya na tita kakalipat lang din po kasi namin ng bahay na malapit lang dito sa manila kaya ayun , okay lang po sila mommy tita at namimiss ka na nga din po niya im here to invite all of you po pala sa birthday ni daddy bukas" hala oo nga pala birthday din pala ni tito bukas pero birthday din ng daddy ni amy kaya syempre doon ako aattend sa pamilya ng girlfriend ko eh no.

Matik na yun at hindi na kailangang pag isipan pa , napatingin naman si mommy kay amy ngayon , wag niyang sabihin na gusto niyang umattend sa birthday ng daddy ni madie?

"Im sorry madie we have to go din sa birthday ng daddy ng girlfriend ko bukas kaya hindi kami makakapunta sa birthday ni tito bukas" medyo attitude ako sa tunog kong iyun pero dapat prangkahan na.

"Bakit jaydee? Naging girlfriend mo din naman ako ah! Bakit hindi ka pumupunta sa bawat birthday ng family ko dati?" Nanlaki naman ang mata ni amy nang marinig niya iyun , ganun na din ang gulat ko nang mabanggit iyun ni madie I can't believe na nag open up siya ng ganung story sa harap pa ni amy.

Argh hindi ko pa naman nasasabi sa kanya or nakukuwento yung naging past relationships ko na pasikreto lang , lagot ako nito mukhang ramdam ko na na nagagalit na si amy.

Namumula na yung tenga niya at tila bay parang naloko siya dahil ayun ang tingin na binibigay niya sa akin ngayon.

Nakakatakot hay nako sabi ko na nga ba may gagawing hindi maganda tong babaeng to eh.

"Linawin ko lang sayo madie break na tayo and please lang wag mo nang balikan pa yung nangyari sa nakaraan---- babe let me explain!" Sigaw ko kay amy nang bigla siyang mag paalam na aalis na siya akmang hahabulin ko na siya ng biglang hinawakan ni madie yung isang kamay ko.

"Ano jaydee? Masaya ba tong palabas ko? Di ba ang sabi ko hiwalayan mo na siya? Kasi kung hindi ahm baka maspill ko sa kanya yung mga tinatago mo or yung tunay mong anyo" pabulong na sabi niya sa akin sinamaan ko siya ng tingin and then tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin at muling hinabol si amy.

Buti nalang at nahabol ko pa siya bago siya pumasok sa may kotse niya argh! nalaman na niya na nagsinungaling ako sa kanya at kay laney din ang sabi ko sa kanila kasi na never akong nagkajowa.

Well hindi ko naman talaga dapat jinowa si madie eh kaso kailangan kasi ayun ang sabi ni daddy upang mapasama sila at maging ka sosyo sa pagbebenta ng mga illegal ganun.

"So nagsinungaling ka pala jaydee? Akala ko ba wala kang ex ah! Tapos pumupunta pa dyan sa bahay niyo, so ano kung hindi nag spill yung babaeng yun wala ka talagang balak sabihin sa akin no? Girlfriend mo ako jaydee! Pati ba naman yun itatago mo pa sa akin? Damn it! Akala ko ba walang taguan ng sikreto ah?" Naluluha niyang sambit sa akin ngayon , napakuyom nalang ako ng kamao hindi lang naman ako yung may tinatago ah siya din naman.

"May balak akong sabihin yun amy pero natatakot ako na maging ganito yung reaksyon mo , i know nagsinungaling ako pero I don't mean to hurt you okay? Im sorry babe" sabi ko sabay lumapit sa kanya upang yakapin siya pero hinawi niya yung kamay ko.

Dumiretso na siya sa may sasakyan niya at pinaharurot na iyun , damn it! Pumasok na ako ng bahay at pinuntahan si madie tsk kasalanan mo to.

"Umalis kana dito habang nagpipigil pa ako ng galit ko ngayon! Hindi ako papayag sa gusto mo okay? Mahal ko si amy at siya lang ang mamahalin ko hanggang sa kahuli hulihan ng buhay ko! Wag kana umasa na magiging tayo pa or kung ano man! Wala akong paki sa transaction niyo nila daddy dahil hindi naman ako dapat belong doon!" Galit na galit na sabi ko sa kanya , hindi na dapat ako damay kung ano mang meron sa kanila nila daddy dahil hindi naman ako pumayag sa kagustuhan ni daddy about doon sa organisasyon.

"Tignan lang natin kung saan aabot yang pagmamatigas mo jaydee! Hmp see you soon baby! Sa akin din ang bagsak mo" kampanteng ani niya si mommy naman ang nakatingin lang sa amin ngayon , wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari at sa mga pinanggagagawa ni daddy.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ