"Why the fuck did you lose so much weight?" Hinawakan niya yung pisngi ko pero agad ko itong inilayo sa kamay niya kaso hindi siya natinag. Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinawakan niya ako sa baywang. Nakatingin siya sa mukha ko at sinusuri niya ito.

He's too close. Too close. 

"Dyla-" Sinubukan kong humiwalay sa mga bisig niya pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila papalabas. Di tulad kanina, ingat na ingat siya sa pagkakahawak niya sa akin na tila anumang oras ay pwede akong mabasag. 

Dinala niya ako rito sa unang palapag at pinaupo sa couch. "Dylan, what are you doing?" naguguluhang tanong ko.

Iniwan niya ako saglit at kinuha niya yung niluto niya at inilapag ito sa lamesa sa harapan ko. Nakatitig lang ako at naalala ko ulit yung unang beses na ipinagluto niya ako. Napatingin ako sa kanya. Nakaupo siya ngayon sa couch na kaharap ko.

"Eat," he ordered. 

Sinamaan ko siya nang tingin. I don't like his tone. "Stop ordering me, Dylan." Matapang kong sabi sa kanya. "You maybe a prince from a certain country but you don't have the rights to order me around." Ipinagtiklop ko yung braso ko sa dibdib ko at tiningnan siya deretso sa kanyang mga mata. I can't show him that I'm weak.

Akala ko makikipagbangayan siya sa akin ngunit nagulat ako dahil bigla siyang tumayo at umupo sa tabi ko. Awtomatiko akong napausog sa dulo ng couch dahil sa gulat. What is he doing?!

"Okay, sorry." 

Mas lalo pang nanlaki yung mga mata ko dahil pangalawang beses na siyang nag-sorry ngayong araw na 'to. Dylan, ang pinaka ma-pride na taong nakilala ko, nagso-sorry? Anong nakain niya sa loob ng anim na buwan? Bakit para siyang nag-iba? 

Nakatulala lang ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na medyo pumayat din siya at kung titingnan nang maigi ay medyo nangingitim yung ibaba ng kanyang mga mata. Pero kahit gano'n ay gwapo pa rin niya. Napansin niya siguro na nakatingin lang ako sa kanya kaya iniwas ko ulit yung tingin ko.

"Please eat?" he said in a gentle voice. 

His voice is much calmer and soothing compared to his voice a while ago.  Si Dylan ba talaga 'to? Nasaan na yung Dylan kanina sa shop? I swear, I feel like I'm looking at two different version of him. Napalunok ako at iniwas ko ang mga tingin ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa mga tingin at boses niya.

"Bakit mo ako dinala rito? Anong gusto mong pag-usapan?" pag-iiba ko ng topic. "What do you want, Dylan?" 

"I'll answer your question after you eat. So please eat, Callisia." 

I look at him and his gaze never left my protruding belly. Kanina pa siya nakatingin sa tiyan ko kaya nag-init bigla yung mukha ko. This is making me conscious. Huling kita namin hindi pa ganito kalaki yung tiyan ko kaya siguro naninibago siya ngayon sa hitsura ko. I must look fat and ugly. Bigla tuloy akong nawalan ng gana kumain.

"You look skinny. What happened to you?" Kinuha niya bigla yung braso ko kaya nagulat ako at mabilis na lumayo sa kanya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Bakit ba kasi bigla-bigla niya akong hinahawakan? Ako lang ba sa aming dalawa yung nakakaalala yung nangyari sa fountain? Siguro para sa kanya wala lang 'yon lalo na't lasing siya, wala siguro siyang ideya kung anong nangyari.

Hindi ko siya pinansin at kinuha ko yung kutsara. Napatingin ako sa plato ko. It's full of vegetables and protein. May prutas din sa isang mangkok. This is a lot. When did he prepare all of this? 

"Do you not like it?" tanong niya habang binabasa niya yung ekspresyon sa mukha ko. "What do you want? I can cook—"

Sumabad agad ako, "No. This is fine." 

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now