"Huwag mong babastusin ang kamatayan ng anak ko," banta niya habang nanatiling natutok sa direksyon ko ang baril na hawak.

Napatiim-bagang ako at pilit na kinontrol ang namumuong galit sa dibdib ko. Sa halip na pagtuunan siya ng pansin ay hinarap ko na lang ulit si Chaos.

"Nasa'n ang anak ko?" malamig na tanong ko.

He licked his lower lip and started to walk forward. Ilang dipa na lang ang distansya naming dalawa nang tumigil siya.

"Do you really think I will follow the agreement?" he mocked.

Pilit akong ngumiti habang nakatitig sa kanya. "Alam kong hindi ka susunod sa kasunduan, pero... nagtiwala ako. Nagtiwala ako na kahit para kay Erom... hindi mo siya idadamay rito."

Chaos jaw clenched. "Why would I?" he faked a laugh. "He's not my child," he stated.

Hindi ako nakakilos pagkatapos niyang bitiwan ang mga katagang 'yon. Totoo man na hindi siya ang tunay na ama ng anak ko, masakit pa rin sa akin na tanggapin ang sinabi niya. He was there when Erom's growing, he was there all the time—being a father figure to my child.

"P-Papa..."

Mabilis akong tumingin sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Parang nilamukos ang puso ko habang nakatanaw sa anak kong nakatitig kay Chaos. Malayo man ang distansya sa akin ay nakikita ko ang pamumuo ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.

"Papa," he repeated, there was an evident hope in his voice. "Papa... u-uwi na po tayo, papa."

His lips were quivering. At this moment, my heart broke for my child.

Marahan siyang binalingan ng tingin ni Chaos. Walang emosyon niyang tiningnan ng anak ko saka bumaling sa mga tauhan na nasa gilid ni Erom.

"Tie him," he ordered.

Kitang-kita ko kung paano bumagsak ang balikat ni Erom kasabay nang pagyuko ng kanyang ulo. Hindi nakatakas sa paningin ko ang tahimik na paglandas ng kanyang mga luha.

"Chaos, please... have mercy on my child," nanghihina kong pagmamakaawa.

His eyes went back to me. "Itali niyo rin ang isang 'yan," aniya.

"Chaos, please!" I begged again as his men went through my side.

Kinalikad nila ako palapit sa anak ko at saka kami pinaupo sa tig-isang silya bago itinali roon.

"Erom, baby. Are you okay? Don't worry everything will be fine. I-It's just... a joke. Oo, anak. Biro lang ang lahat ng ito," pang-aalo ko sa anak ko na nanatiling nakayuko.

A lone tear escape my eyes when he didn't even bother to lift his head for me.

"Ikabit niyo ang bomba sa bata."

Natigilan ako sa paghinga nang narinig ko ang utos ng matandang Hevion. Nangangatal kong ibinaling ang aking ulo sa kanilang direksyon.

He directly looked at me. Kitang-kita ko ang galit at pagkamuhi sa kanyang mga mata.

"Please..." namamaos kong bulong habang lumalaglag ang mga luha ko sa 'king pisngi. "Please... not my child. Sa akin na lang, ako na lang. Pakiusap."

"Pakiusap?" Chaos' father laughed sarcastically and stood up from his seat.

Naglakad siya palapit sa 'kin at saka marahas na hinawakan ang aking panga. Gusto ko man na dumaing ay iniwasan kong makagawa ng anumang ingay upang hindi matakot ang anak ko.

"Nakinig ba ang p*tang asawa mo noong nakiusap ang anak ko sa kakarampot na atensyon niya?" puno ng gigil na sambit ng matanda. "Ano bang mayroon sa 'yo, ha? Bakit ba baliw na baliw sa 'yo ang bugok na Mafia boss na 'yon? Katawan ba?" He then scanned me from head to toe.

"Dahil sa h*yop na 'yon, nawalan ako ng anak. Kunwari pa siyang tapat na lalaki, eh, katulad lang din naman siya ng ama niya. Mga inutil na babaero!" the old man shouted with full of anger.

Isang malakas na sampal pa ang kanyang ibinigay sa 'kin saka muling hinigit ang panga ko para itingala sa kanya ang aking mukha.

"Mamamatay kayong lahat ng mahalaga sa kanya. Papatayin ko kayong lahat. I will make his life miserable," he declared.

Napapikit na lang ako at napaiyak nang marahas niyang pakawalan ang aking panga. Muli siyang naglakad palayo at nagtungo sa tabi ng asawa. Hindi ko alam kung ipapagpasalamat ko ba na nanatiling nakayuko ang anak ko o matatakot dahil hindi man lang siya gumagawa ng anumang kilos.

"Chaos! Chaos, please!" I chanted when their men started to attach the bomb on my innocent child. "Chaos! Maawa ka, pakiusap!" humahagulhol kong pagmamakaawa habang nagpupumiglas sa 'king inuupuan.

Hindi niya naman ako binigyang pansin. Sa halip ay naglabas lang siya ng telepono at saka iyon inilagay sa isang cellphone holder.

"Give us a good show, Jazzie. Ito na lang ang huling pagkakataon na makikita niya kayo ng anak mo," he said coldly.

No... no... Val, save our child, please.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now