CHAPTER 44 "The Plan"

Začať od začiatku
                                    

Hanggang sa..

Ibinaba niya ang marker at tumingin sa dalawang kasama.

"Okay na.."

"Alin? Alin ang okay na?"

"Makinig kayo.. Gan'to ang magiging plano," inayos ni Eugi ang blueprint at inikot ito pa'harap sa kanila. Lumapit naman ang dalawa at tinitigan ito ng mabuti. "Tingnan n'yong mabuti.. Anong napapansin n'yo sa blue print?"

"Puro sulat?"

"Maliban 'don.."

"Puro drawing?"

"Maliban din doon.."

"Mananagot tayo kasi gusot na 'yung Blue print?"

"Pwede rin.." kumuha si Eugi ng lapis at itinapat 'yon sa blue print. "Ang distansya ng laboratory papunta sa hall ay 600 meters.. 'Yun na ang pinaka-malayong distansya ng dalawang standpoint base dito sa blueprint.. Hindi linear and structure ng area na 'to kaya mahirap tansyahin 'yung layo ng laboratory sa hallway.."

"Makinig kayong dalawa at tandaan n'yo ang sasabihin ko.." kumuha si Eugi nang lapis at ginuhitan ang blue print kung nasaan sila naka'pwesto. "Ang over-all na sukat ng trap area dito ay 600 meters.. Ang distansya naman ng hallway sa laboratory ay 590 meters ayon sa pagkaka'sukat ni Neo.. Narinig n'yo ba kanina kung ilang meters daw ang sasakupin ng bomba 'pag sumabog?"

"Hindi ko na ma'alala e.."

"Ang pag'karinig ko 500 meters 'yun e.." si Neo.

"Tama.. Around 500 meters.. Ngayon, ibawas mo 'yun sa kabuuang sukat ng area dito.."

"Ahh.. So, parang gan'to ang mangyayari.. Kapag sumabog 'yung bomba, merong 100 meters na hindi maabutan ng pag-sabog, since 600 meters ang kabuuang area at 500 meters naman 'yung kayang sakupin 'nung bomba?" Konklusyon ni Sheiko.

"'Yun ang punto ko.. Pero may problema.. 'Yung 500 meters na sa'sakupin ng 'pag sabog, radius measure lang 'yon ng bomba.."

"Radius?? E'di I-Ibig sabihin n'yan nasa higit 1,000 meters a'abot ang sabog? Maliligtas pa ba tayo n'yan?" nag-aalalang tanong ni Sheiko at parehong tiningnan ang dalawa. Kalmado na tumango si Eugi habang si Neo naman ay hindi rin sigurado sa kaniyang ini'isip. Tama ang punto ni Sheiko, kung 500 meters ang radius ng bomba, maaring sakupin nito ang buong area kaya walang lugar ang magiging ligtas mula sa pag-sabog.

"Kung tutuusin, kaya ko naman sirain 'yung bomba para walang hassle.. Pero, ayokong ma'record ng monitor cameras 'yung gagawin ko.." paliwanag ni Eugi. Tumango naman sa pag-sang ayon ang dalawa. Para sa kaniya, mas pipiliin nalang niyang gumawa ng plano 'kesa maging miserable ang kaniyang pamumuhay kapag nalaman ng Blue Haven ang kaniyang ginawa.

At 'yon ang bagay na pinaka-ayaw niya. Atensyon.

"Pasensya na.."

"Okay lang.. Naiintindihan namin.."

"So, ano nang mangyayari? Ano nang gagawin natin?"

"We need to further the explosion.. 'Yun lang ang nai'isip kong paraan.."

"Further the explosion?"

"Sa loob ng 500 meters radius, 'kelangan ma-relocate ang bomb further beyond our reach.. Kumbaga, kailangan nating humanap ng malayong lugar na hindi a'abutan ng explosion.."

"Saan naman kaya?"

Itinuro niya ang Laboratory sa blue print. "Tingnan n'yo 'yung distansya mula lab papuntang hallway.. 520 meters.. Eto na 'yung pinaka-malayong kwarto mula sa hallway.. Posible rin na hindi umabot dito 'yung explosion dahil 520 meters ang distance nito habang 500 meters lang ang hangganan ng explosion.." nilaro-laro ni Eugi ang lapis sa kaniyang daliri at tumingin sa dalawa na masusing nakikinig sa kaniya. "Ibig sabihin, etong laboratory lang ang p'wedeng pag-lagyan ng bomba bago sumabog.."

UNRIVALED!Where stories live. Discover now