I sighed. Maybe, I'll just text her sometimes.


Kaya sa mga dumating na araw ay lagi akong dumidiretso sa kompanya namin. Gusto ko talaga syang makita. I want to see his beast feature.

Jared is indeed cold, suplado, masungit at sobrang misteryoso din. Hindi ko sya mabasa kahit ano ang gawin kong paraan. Lahat ng ginagawa nya ay hindi ko malaman-laman kung bakit nya iyon ginagawa. Hindi ko lang talaga sya mabasa.

Ngayong araw ay pupunta ulit ako sa agency namin.

Nagsuot lang ako ng white bouncy dress at pinaresan ko iyon ng silver stilletos tapos ay ready to go na ako.

"Si Jun po!"

Kaagad kong nabitawan ang purse ko dahil sa gulat sa biglaang pagdating ni yaya Irma sa kwarto ko.


"Bakit?!" inis kong tanong.

"S-Si Jun po... isinugod sa ospital." aniya.


Ibinato ko ang purse sa gilid ng kama ko at dali-daling lumabas ng kwarto ko dahil sa kaba.

Namutla ako dahil sa nalaman. Hindi ko alam kung may lakas pa ba ako. Hindi ko na alam kung paano pa ako nakarating sa ospital. Kinakabahan ako.

Panay ang nginig ng labi ko dahil sa sobrang kaba. No... no... no... wait for me, Tatay Jun.

Lumabas kaagad ako ng taxi na sinasakyan pagkatapos kong magbayad saka ako patakbong dumiretso sa lounge area kung saan nakita ang mga nurse na nag-aasikaso doon.

"Where's the room of Jun Lastimosa?" inis kong tanong.

Nagkukumahog ang nurse sa pagta-type sa monitor na kaharap dahil marahil sa takot sa akin.

"Damn! Bilis!" inis ko paring sabi.

Tumingin sya sa akin at sumagot, "Ward 104 po sa third floor." sagot nya.


Tumango ako at dali-daling tumakbo papunta sa elevator.

Papunta palang ako sa ward 104 ay sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

Binuksan ko ang door knob nang makita ang room number nya saka dali-dali akong pumasok sa loob at halos hindi ako makagalaw nang makita si tatay Jun na maraming apparatus na katabi.

Bumilis ang paghinga ko nang makita si daddy na kausap ang doctor.

Hindi nila ako napansin dahil busy sila sa pag-uusap tungkol sa kalagayan ni tatay Jun.


"Malala na ang tuberculosis nya, Mr. Cordova. Lalo na ngayong bigla syang inatake dahil sa sobrang emosyon. Hindi na pwedeng operahan sya dahil mas delikado na... I'm sorry, Mr. Cordova pero hanggang dito nalang talaga ang kaya ng katawan nya."


Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matumba nang biglang mangatog ang tuhod ko. Nanlabo ang mga mata ko habang hinahawakan ang hospital bed ni tatay Jun.

"'Tay Jun..." umiiyak kong sabi.

Nakita kong aalalayan na sana ako ni daddy nang hindi ako nagpatinag.

Yumuko ako at tinakpan ng mga palad ko ang mukha ko. I look so pathetic right now for crying out loud but if the reason is tatay Jun, then I don't care! I want him safe! Gusto ko iyong inaalo nya ako dito habang umiiyak ako. Gusto kong... ligtas sya.

"Baby... stand up." mahinang sabi ni daddy.

Umiling-iling ako bago pinunasan ang mga luha.

Tame That Beast (Serie De Amor #1)Where stories live. Discover now