Chapter 17: Pag-alok

Bắt đầu từ đầu
                                    

Nasira ang dignidad ni Ate Alana dahil sa mapanghusgang mata ng mga tao at sa karahasan ng kaniyang nobyo't Ama. Walang ibang rason kung hindi ang iwan ang masaklap na pangyayaring iyon sa kaniya. Katulad ko rin siya, magka-iba nga lang kami ng sitwasyon.

"H-Hindi niyo na po ba nais makasama ang iyong... Tatay?" natigilan siya sa aking katanungan.

"Hindi ko na nanaisin pang bumalik sa atin, Laxxus. At sa susunod na linggo, aalis na rin ako rito upang hindi mo na rin maalala ang mga nangyari sa gabing iyon." puno ng hinanakit nitong sambit sa akin.

Natigilan ako, napakamot sa aking batok. "H-Hindi sa gan-"

"Para maghilom at kalimutan na lahat ng pangyayari, Laxxus. Aalis ako hindi dahil sa iyo pero aalis ako para maghilom ang mga sugat na dulot ng masamang nakaraan."

Flashback ends...

BUMALIK na ako sa trabaho at nagbuhat na lamang ng mga gulay na ipupunta sa palengke. Sasama ako roon mamaya upang humanap ulit ng isa pang sideline para makadagdag sa ipon ko.

Kahit pagod ang aking katawan, hindi na iyon alintana sa akin dahil nasanay na rin ako mula noong dumating ako rito. Unti-unti na rin akong nasasanay sa takbo ng kalakaran rito sa Maynila.

Tinawag ako ni Kuya Kunoy at mukhang aalis na rin kami papuntang palengke.

"Hoy, Laxxus! Tara na sa palengke," sigaw nito.

"Nariyan na!" sigaw ko pabalik.

Madalian akong nagbuhat ng isang sakong gulay bago sumakay sa truck. Ilang minuto lang ang layo nito sa paradahan kaya mabilis lang kaming nakarating. Nang makababa ako ay bigla akong naasiwa sa tingin ng mga tindera.

Naririnig ko rin ang bawat bulungan nila tungkol sa akin. Hindi naman nila ako hinuhusgahan ngunit naaasiwa lang ako sa pagsasabi nila na "gwapo" kuno ako.

"Oo na, Laxxus gwapo kang bata kaya masanay ka na sa kanila," sabi ni Kuya Berting at tinapik ang aking balikat.

Napakamot na lang ako sa ulo bago buhatin ang sako ng gulay at i-diniliver sa pwesto nila Aling Rosana. Ibinigay nito ang bayad sa akin at nagpasalamat na lang akong umalis roon.

Nagtungo ako sa bilihan ng isda, sakto at malapit lang ito sa piyer kaya tumungo na lang ako roon para tumulong sa pagbaba ng tone-toneladang isda. Naroon rin sila Kuya Berting at Kunoy kaya nginitian na lang namin ang isa't-isa.

Pagkatapos niyon ay lumapit sa akin ang isa sa mga kaibigan ni Kuya Berting. Inakbayan pa ako nito kaya mabilis kong inalis iyon sa aking balikat dahil nahihiya ako sa aking amoy.

"Pasensya na, bata." paumanhin niya.

Peke lang akong ngumiti sa kaniya, "Ayos lang po."

Pinalapit niya ako sa kaniya kaya agad naman akong tumalima kahit na nahihiya akong tumabi sa kaniya.

"Gusto mo ba ng mas malaking mapagkakakitaan?" kapagkuwan ay usal niya.

Tumango ako sa kaniya bilang sagot.

"May i-re-rekomenda ako sa iyo na pinagtratrabahuan ko, isa akong waiter doon." imporma niya sa akin.

Dahil sa aking kuryusidad, tumingin ako sa kaniya. "Saan po ba banda, 'yan?"

Ngumiti siya sa akin.

"Malapit lang ito rito, pagkatapos ng trabaho mo ay sasamahan kita roon mamaya!" natutuwang sambit niya sa akin.

Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin na bagong trabaho. Baka ito na ang simula para kumita ako ng maraming pera at mabili ang mga bagay na gustuhin ko. Ito na naman ako, naisip ko na naman ang pera at padalos-dalos na naman ako sa mga nagiging desisyon ko pero kahit ano pang trabaho iyon ay papasukin ko.

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ