I smiled bago ulit nagsulat ng love letter para sa kanya. Biyernes ulit ngayon at oras na naman ng pagbisita ko sa kanya sa school nila.

Grade 7 ako nung una ko syang nakita sa audition room ng agency namin. Lamang sya ng isang taon sa akin kaya mas masasabi kong mature na sya mag-isip. Isa iyon sa nagustohan ko sa kanya.

Grade 9 na ako ngayon at halos magdadalawang taon ko na rin syang sinusulatan ng love letter. Hindi ko alam kung binabasa nya ba 'yung mga sulat ko pero ang alam ko ay dapat nya ngang basahin iyon. Lahat ng confession ko sa kanya ay nakasulat doon. Grade 10 na sya at huling taon na nya sa high school bago mag-senior high school kaya hindi ko rin alam kung saan sya mag-aaral kung mag-senior high na sya.


"Marya, sulat ko ulit. Ano? Binabasa nya ba mga sulat ko?" kinakabahan kong tanong kay Marya.

Nakita kong natigilan sya.

"Ah... h-hindi eh." sagot nya na tila kinakabahan.

Hinawakan ko ang kamay nya, "Marya... 'wag kang magsinungaling, please. Gusto kong malaman kung binabasa nya ba o hindi..." ani ko.

Tumango-tango sya at hinila ako papasok ng isang mahabang room.

"Uy! Saan mo ako dadalhin? Let me go  baka makita ako ni JKL dito!" kinakabahan kong ani.

Nagpumiglas ako sa hawak nya pero hindi sya nagpatinag hanggang sa tumigil kami sa harap ng mga lockers.

"Ikaw ang maghulog baka sakaling swerte ang mga kamay mo. Five minutes from now ay sigurado akong dadating sya dito para kunin 'yung mga libro nya." dire-diretso nyang sabi.

"Eh... baka bigla syang dumating at makita ako dito."


Tumingin-tingin ako sa paligid para siguraduhin na wala pa nga sya.

Umiling-iling si Marya saka tinignan ang relong pambisig.



"You only have four minutes left, Lancy Sapphire Cordova." ani nya.


Hindi ko alam ang gagawin kaya dali-dali kong hinanap ang pangalan nya sa mga locker. Nang sa wakas ay makita ko na ang pangalan nya ay kaagad kong hinulog doon ang sulat ko. Nanginginig pa.


"Oh, ano? Tara na at magtago sa likod ng girl's locker!"


Nagugulohan pa man ay hinila na nya ako papunta sa likuran ng girl's locker. Sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko habang nagtatago doon kasama si Marya.



"May recording ka ba ulit bukas?"


Nanginig ang tuhod ko nang maaninag ang mukha ng lalaking gustong-gusto ko.

Nakasuot ito ng white t-shirt na pinatungan ng leather jacket at dark faded jeans at sapatos na may malaking tsek sa gilid.

Hinarap nya ang kasama nyang lakaki na nagtanong sa kanya kanina bago ngumiti dito.



"Kailangan eh. May kontrata akong pinirmahan na dapat ay mag-record ako once a week kaya hindi pwedeng umatras." ani nya at binuksan ang locker nya.


Nahulog kaagad mula roon ang maraming sobre. Iba-iba ang kulay nun at kahit na marami iyon ay kitang-kita ng dalawang mata ko na pinulot nya ang akin. Alam kong akin 'yun, pink lagi ang kulay ng sobreng pinaglalagyan ko nun. May design pang maliit na microphone doon sa gilid na bahagi nun.

Humigpit ang hawak ko kay Marya nang binuksan nya iyon at maya-maya'y binasa rin.

Pero wala pa yatang isang segundo ay ibinalik nya ulit iyon sa sobre.

Tame That Beast (Serie De Amor #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin