Mommy, I'm hurting... please, help me. Papa's going to kill me, Mommy.

Mabilis akong umiling. "N-no... hindi... Hindi ka niya masasaktan, anak. I-ililigtas kita... ililigtas ka namin ni Dadd—"

My knees weakened when I heard my son groaned along with the loud gunshot. Pakiramdam ko ay natigil ang paghinga ko habang lalong tumindi ang panginginig ng aking katawan.

"H-Hindi... Erom... Anak! Hindi!" Nagsimula akong gumapang, nagbabakasakali na makakapa ko ang anak ko. "A-anak... magsalita ka pakiusap."

Bye, Mommy...

"Hindi. Hindi! Anak! Erom!" I cried harder. "Anak! Huwag mong iwan si Mommy, please!" I begged.

I love you, mom. Good bye...

"HINDI! Erom!" Napabalikwas ako ng bangon habang walang humpay ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko. "Erom?! Anak?" I called, roaming my eyes around the room.

Nanghihina man ay pinilit kong bumangon upang magtungo sa banyo. "Erom? Masamang biro ito, anak," nanginginig na sambit ko habang hinahanap siya sa paligid.

Slowly, reality dawned on me.

A dream. It was just a dream.

Walang lakas akong bumalik sa kama at pabagsak na umupo. Nagsimula akong humikbi habang paulit-ulit na inalala ang mga linya ng anak ko.

"Erom," I called desperately, as if it would bring my son back in front of me. "Anak ko..." I uttered along with my loud cries.

Nanatili ako sa gano'ng sitwasyon sa loob ng ilang minuto hanggang sa narinig ko ang pag-iingay ng aking telepono. Gamit ang nanlalabo kong paningin ay nilibot ko ang aking mga mata para hanapin iyon. I found it on the bedside table. Thinking that it was Chaos, I quickly stood up and answered it when I saw his name on the screen.

"Give me back my son," I said sharply.

"Then be in his place, Jazzie. You, in exchange for your son," Chaos spoke.

"Why are you doing this Chaos? I've been good to you. Lalo na ang anak ko," I reminded.

I heard him scoff. "Pasensya ka na, Jazzie. Damay-damay lang din ito. Kung hindi dahil sa dati mong asawa, buhay pa sana ang kapatid ko."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Chaos. But, please, 'wag mong idamay si Erom dito. My poor child..." I started crying. "Mato-trauma siya sa ginagawa mo."

"Wala akong pakialam, Jazzie. Hindi mo rin nakita kung paano nagpakamatay ang kapatid ko dahil diyan sa kasama mo!" gigil niyang sigaw.

Mariin akong napapikit at pilit na kinontrol ang paghikbi ko para makapagsalita. "Please... 'Wag mong idamay si Erom, Chaos. N-nagmamakaawa ko. H-huwag ang anak ko. Pag-usapan natin ito nang maayos. Besides... k-kapatid mo rin si Valjerome, Chaos. Pamangkin mo si Erom, please, have mercy on him," pagmamakaawa ko.

He laughed sarcastically on the line. "Pag-usapan? Walang pag-uusap na magaganap, Jazzie. At hinding-hindi ko tatanggapin na kapatid ko 'yang hay*p na 'yan! Isa lang ang kapatid ko, iyon ay walang iba kundi ang pinatay niya! Kaya damay-damay na ito, Jazzie. Pamilya sa pamilya."

I cried harder.

"Kung may pakialam ako sa pagiging magkadugo naming dalawa ng dati mong asawa . Sana ay hindi ko na pinatay ang ama naming dalawa. But as you could see, Jazzie. I don't care. I loathed them, I loathed your ex-husband's father, I loathed your ruthless ex. Dahil sa kanya, nagpakamatay ang kapatid ko. Ang totoong kapatid na itinuturing ko."

I stiffened. "Y-you killed... Tito?" I repeated.

"Yes, Jazzie. You heard it right. Ako ang dahilan kung bakit muling sumiklab ang bloodfeud sa pagitan ng Mafia ng asawa mo at ng grupong kinalaban niya noon. Ako ang mismong pumatay sa ama naming dalawa at nagpadala ng litrato sa bahay niyo. Ako ang nagbanta sa buhay mo. Ako lahat, Jazzie," he said coldly.

"D-Did you... approach me on purpose? Those... years... were planned all along?" My heart clenched with the thought of him, betraying me.

"Yes," he answered.

Doon na ako napapikit nang mariin. "I-I . . . trusted you, Chaos," I said, almost whispering.

"Kung gusto mong iligtas ang anak mo, lumabas ka ng mansyon at sumakay sa dadaan na van. Ikaw, kapalit ng anak mo, Jazzie," aniya sa malamig na tono.

Nanghihina akong napayuko kasabay nang tahimik na paglandas ng aking mga luha. Muli kong naalala ang bangungot na nangyari sa akin kanina.

Hindi maaari. Kailangan kong iligtas ang anak ko.

"Lalabas ako. Siguraduhin mong ibabalik mo ang anak ko. Ako na lang, Chaos. Walang kinalaman si Erom sa lahat ng ito. Kung gusto mong maghiganti, ako na lang ang patayin mo. Nagmamakaawa ako sa 'yo," pumipiyok kong sambit.

"Gawin mo na lang, Jazzie. Naghihintay na ang mga tauhan ko." Then the line ended.

Nanghihina kong nabitiwan ang telepono at takip-bibig na humikbi. Pinanghihinaan man ay pinilit kong kumilos. Maingat akong lumabas ng silid ko, sandali ko pang inilibot ang aking paningin sa paligid para hanapin si Valjerome ngunit hindi ko nakita ang presensya niya. May mga tauhan din na nakakalat sa mansyon pero hindi iyon kasing dami tulad ng dati. Doon ko naisip na maaaring kasama sila ni Valjerome at naghahanda para sa isang pagsugod.

I took a deep breath. Pilit kong inayos ang itsura ko at hindi nagpahalata sa aking pagkilos. Nagkunwari akong lumalakad lang at kampante sa mga nangyayari kaya naman hindi rin naging alerto ang mga natirang tauhan sa akin.

"Magpapahangin lang ako," pagkausap ko sa kanila.

May pagdadalawang isip man sa kanilang mga mata ay wala na silang nagawa pa kundi ang tumango.

I started walking outside the mansion. Tulad nang ginawa ko sa loob ay umakto akong kampante sa lahat. Konti na lang ang distansya ko sa gate nang tawagin ako ng isa sa mga tauhan ni Valjerome.

"Hindi po kayo maaaring lumabas, Ma'am. Delikado pa po sa ngayon," aniya.

I forced a smile. "Saglit lang ako, gusto ko lang bantayan ang pagbabalik ng mag-ama ko," pagkausap ko rito.

Naroon man ang pagtutol sa kanyang mga mata ay hindi na siya nagsalita pa.

Once again, I stared at the mansion. Ang lugar kung saan nagsama kami sa hirap at ginhawa. Kung saan kami nagsimula, natapos at nagsimulang muli.

I'm sorry, Val...

Alam kong delikado ang desisyong ginawa ko, pero palagi akong hahabulin ng kunsensya ko sakaling matapos ang lahat ng wala akong ginawa na kahit ano.

Habang pinagpapatuloy ko ang paglalakad ko palabas, napansin ko ang pag-andar ng itim na van na palapit sa direksyon ko.

I smiled weakly.

Take care of our child, Valjerome.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang