"What do you want? Coffee?" tanong ni Chaos nang narating namin ang lugar.

I slowly shook my head. "Tubig na lang ako. May shoot pa ako mamaya," saad ko.

Tumango lang si Chaos at saka nagbanaw ng kanyang kape. Kumuha rin siya ng isang mineral water bago kami pum'westo sa isang lamesa.

We sat silently and started to drink our drinks. Hindi ko alam kung paano magsasalita. Kung saan ba ako magsisimula nang pagsasabi sa kanya. Gusto kong maging maingat. Kaibigan ko si Chaos at ayaw kong mawala iyon dahil lang sa gagawin ko.

The silence between us was broken by his sudden laugh. Napaangat ako ng tingin sa kanya. He slowly shook his head with an amazement on his face.

"Basted na ba ako?" mapaglarong tanong niya.

Napatuwid naman ako sa pagkakaupo at namamawis na ipinatong ang hawak kong tubig sa ibabaw ng lamesa.

"C-Chaos..." utal na sambit ko, hindi pa rin nakakahanap ng tamang salita.

"Hmmm?" he responded and sipped his coffee.

I gulped and took a deep breath to calm myself. "I'm sorry," I said sincerely.

"For?" he asked.

Hindi naman ako agad nakaimik.

"Valjerome and I..., we're together again," mahinang usal ko at napayuko sa matinding hiya.

"Congratulations," I heard him spoke.

Mabilis akong napaangat ng tingin. "H-hindi ka galit? I mean... hindi ba dapat kang magalit? I... made you believe that we can be together," I stated, eyes widened slightly.

Mabagal na ibinaba ni Chaos ang hawak niyang kape at saka inabot ang kamay ko. He smiled at me as he stroked it gently.

"Alam ko naman na simula pa lang talo na ako. I just tried my luck," aniya. "Kaya don't be sorry, Jazzie. I understand you, and know that I am happy for you."

Malamlam naman akong napatitig sa kanya. "Still, I'm sorry. I am aware of my mistake. Kahit ano pang sabihin mo, mali pa rin ako nang ginawa," giit ko.

He let out a sigh and nodded. "Kung iyan ang makakapagpagaan ng loob mo, okay. Tinatanggap ko ang paghingi mo ng pasensya," wika niya.

Nakagat ko ang ibaba kong labi at napatitig sa kamay kong hawak niya. "We're still friends, right?" I asked, hoping that nothing will change between us.

"Of course. Hindi ako gano'n kasama para magtanim ng sama ng loob sa 'yo," saad niya."Besides, I am still Erom's father," he reminded.

Father...

Somehow, it made me thought why he loved my son so dearly. Siguro dahil sa pagiging anak sa labas, kaya hindi niya rin hinayaan na mawalan nang tatayong ama ang anak ko.

"Balak mo bang papalitan ang apelyido niya?" pukaw ni Chaos sa atensyon ko.

I shifted on my seat and slowy pulled off my hand. Pakiramdam ko ay bigla akong naipit sa isang sitwasyon.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now