Ang Kapangyarihan ng Lumenazar

8 1 0
                                    

HIDEO

Nababaliw na ba siya?

"Hindi ko gusto ang iyo pinaparating sa akin. Alam niyo kung gaano kalalim ang tubig ng lawa iyan!"

"Alam ko, Hinirang na Prinsipe! ngunit may hindi ka alam sa aming angkan at ano ang gamit namin sa Lumenazar."

"Ano iyon?"

"Itapon mo siya sa Lumenazar! At ipapakita ko sayo." Tumingin ako malinaw na tubig ng lawa na kung makikita sa ilalim ng tubig ang pitong estatwa ng mga Reyna na ilalim ng angkan Shimingku. Nakapalibot ito sa bilog na pabilyon. Sinasabi rin sa amin ng Kangsi na sagradong lugar ito at inaabot ng dekada bago gamitin ulit ito. Kadalasan kapag nakapili na ito ng nararapat na Reyna para sa kaharian. Kapag namatay ang hari ay nagiging lugar ito ng huling sermonya bago ito ilibing sa Dagudun.

Pero ang pinakasilbi nito ay ang pagpili na nararapat na Reyna ng kaharian. Kahit hindi siya kabilang sa angkan Shimingku.

Kasama na rin rito ang aking Inang Reyna.

"Bilisan niyo na Mahal na Prinsipe."Sa sandaling iyon ay lumusong ako sa tubig kasama siya.

"Anong ginagawa niyo! Hinirang na Prinsipe?" Nagulatang ang Chi Shi Tzu Tazar sa aking ginawa.

Nag-aalala ang halos na Shi-Tzu nakakita sa akin at bumalikwas ang aking Chi-Tzu at Dangyan sa aking harapan. Nasa aking likuran parin ang Shi Tzu.

"Mahal na Prinsipe! Malamig riyan! Umalis ka riyan!"

"Mahal na Prinsipe!" Sigaw nilang lahat sa akin ngunit ako't nakangisi sa harapan nila.

"Ayoko! Gusto makita ang mahika ng angkang Shimingku." Napatignin sa akin ang Chi Tazar. Tago ang ngiti sa kanya mata.

"Kung ang iyong nais sige. Tumalikod kayong lahat!" Naririnig ang yapak papunta sa amin.

"Mahal na Prinsipe! Ano ang ginagawa mo riyan!" Sigaw ng aking Ina habang hinahawakan ang braso ng kanyang Asawa.

"Mahal na Ina, Nais ko lamang makita ang sinasabing palabas ng Mahal na Chi Tazar."

"Mahal na Zang at Wang, At ang lahat ng taong nakapaligid sa Lumenazar kayo'y lumibot pabilog sa Lumenazar at huwag kayong lilingon hangga't hindi nakakalabas ang dalawa sa tubig. Naiintindihan niyo po ba?" Napatango ang lahat sa sinabi nito.

Lumibot ang lahat ng tao naroroon sa paligid ng Lumenazar at tumalikod sa sagradong lugar.

"Walang liligon kung ayaw niyong maging bato o maging kahindik-hindik ang inyong anyo o makita ang malagim na hinaharap!" Nanamihimik ang lahat sa kanyang sinabi.

"Ngunit bakit hindi niyo ako inaahon sa lawa." nagtataka kong sabi sa Chi Tazar.

"Pumunta kayo malapit sa Altar at tumapat kayo sa estatwa ng unang reyna ng Shimingku." Lumangoy ako kahit mabigat ang Shi Tzu.

Gamit ang aking kamay at paa ay lumangoy ako patungo sa estatwa ng unang Reyna Shimingku. Si Reyna Shiwagara. Doon nagsimula ang pangalan ng Shinogara ang Silangan Pintuan ng Kaharian. Doon kasi nakita ng Hari ang Mahal na Reyna. At nabighani sa kanyang kagandahan.

Where the Cherry Blossom Blooms (BXB)Where stories live. Discover now