Ang Tsaa sa Handaan

9 1 0
                                    

SHIRO

" Ang lahat ng naghahanda sa piging ay kinakailangan tikman ang mga putahe't inumin na ginawa ng ating kapiro. Upang makasiguro tayo na ligtas ito kainin at malaman ang lasa." Napatango kami lahat sa sinabi ng Chi Shi Tzu.

"Inaasahan ko ba ito sa inyo."

"Opo, Mahal na Chi." Nakahanda na pagkain at dumating na ang mga ChiTzu at Dangyan upang dalhin ito sa Karuwago.

"Mabuti, maari na kayong bumalik sa Warazi upang maghanda sa nalalapit na piging. Isang engrandeng piging na hindi natin malilimutan." Bumaling ang tignin niya sakin. Napatango ako tsaka tumingin sa lahat.

Yumuko kami at umalis sa Warugaso. Habang nakapila pauwi sa aming tirahan ay napalingon sa aking kapiro.

"Huwag mong gawin ito, Shishi." Nag-aalang turan ng aking kaibigan na si Wang.

"Kailangan natin mailabas ang baho niya.Shi Tzu Xi nailagay mo ba sa inumin natin ang gawa mong imbensyon." Napatango ito sakin. Nanatili kaming tahimik habang natitignan samin ang Ki Shi Tzu.

"Protektahan niyo sila, Hindi dapat sila madamay sa sigalot na ito. Tayo dapat ang tatapos sa gulong ito." Utos ko sa kanila.

"Kung iyong ang nais mo..Sige." Napatignin sa aming Warazi. Sisiguraduhin kong tapos ang misteryong ito sa araw ng Piging.

...

Nakapila ang lahat sa bulwagan ng Hari dala ang kani-kanilang alay at paggalang. Pagkatapos ang entrada ng hari ay siyang dumating ang mga prinsipe na mula sa Supingu at Basiseng.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay wala pa ang tatlong prinsipe na galing sa Basiseng.

"Maligayang pagbait sa inyo aking mga Anak." Panimula ng salita ng Wang sa kanyang gintuang trono.

Yumuko ang apat na prinsipe sa harapan ng Bulwagan at pinakita ang kani-kanilang paggalang sa harapan ng lahat.

"Narito ang pergamino ng Supingu, tanda ng aking pagtatapos bilang isang Kur Kang Si at isang Mira Mirumizene. Dala ko ang karangalan ng ating angkan at kaharian sa aking paglalakbay sa pag-aaral tungo sa paglalawak ng aking karunungan at kaisipan." Pumapalakpak ang lahat sa sinabi ng Prinsipe.

"Ako ang iyong hinirang na Prinsipe. Prinsipe Hideo ng Kabuyushi." Tumayo siya at tinuro siya ng kanyang Ina na si Reyna Chung Soo sa kanyang Tabi.

"Magaling, aking War Wang." Napangiti siya sa dalawang pang prinsipe.

Sumunod na tumaas ang ulo ng isang prinsipe sa kanyang kanan.

Suot ang Asul na Weryo na may berdeng mata na kumikinang sabay ang borlas ng makulay na palaka. na sumasayaw sa kanyang weryo. Suot din niya ang Marka ng isang Shi Tzu Rang. Isang Dahon ng Shikuraza. Suot ko rin ang Bulaklak ng Shikuraso tanda na isa akong Shi Tzu Tang.

"Narito ang aking mga ginawang mga gamot na mula pa sa Hwagyubong at Cheokdeogeon. Nagbibigay lunas sa pagkabulag at pagkakaroon ng misama sa katawan upang matagal ang anumang lason sa katawan." Tinaas niya ang kanyang noo at itaas ang lalagyan na may laman ng gamot sa harapan ng lahat.

"Ako ang Ikatlong Prinsipe ng Shiwangdagun. Si Prinsipe Hikori ng Hwagyubong mahal na Wang." Kinuha ito ng Ti Chi Tzu ng Hari at dinala sa harapan upang ilagay sa Handog.

Tumayo ang isang Prinsipe at binuksan ang isang lalagyan sa kanyang tagiliran. Lumuwa ang isang ulo ng isang tao. Halos mapalikwas ang lahat sa kanilang nakita.

Where the Cherry Blossom Blooms (BXB)Where stories live. Discover now