Pagiging isang Shi Tzu

18 1 0
                                    

SHIRO

Hanggang ngayon hindi parin ako mapakali sa inaakto ng Chi Shi Tzu samin. Nakakapanibago, kung tutuusin ay siya ang naghahanda at nagpaplano sa piging kasi siya isang Ra Tang. Isang bihasa sa pagluluto at panggagamot.

Kapag naging Ra Tang ka, isang karangalan at sumpa sa isang Shi Tzu. Lahat ng tao ay nakatignin sa inyo gagawin. Dapat malikhain at magaling ka sa paggawa ng putahe at paghahanap ng makabagong sangkap o gamot na maaring makatulong sa komunidad na iyong kinabibilangan.

Kahit sinasabi nang iba na dapat hiwalay ang mga trabahong ito. Ang mismo unang Hari ng Shiwangdagun ay tanyag na Chi Shi Tzu Ra Tang. Marami siyang nailagay at naiambag sa pagkain at gamot sa kaharian kasabay ng paggamot sa kanyang hukbo ng mag-isa lamang. Alamat man maituturing ngunit ito ang dahilan kung kaya't nakuha niya ang limang probinsya at ang dalawang siyudad na pinahahawakan ngayon. Pagbahagi niya ng nalalaman sa medisina at pagkain ay nagdala ng komerso at pera sa kaharian na hanggang ngayon dala parin ito ng tradisyon ng Cheokeodogeon at Yuo Dong.

Nakalagay sa libro niya na ' Simbolo ng isang Shi' nakalagay rito ang kataga niya na laging nakatatak sa aming isipan at puso.

"Dalawa ang ating tungkulin. Magbigay galing sa sarap at humilom sa kalinga. Kung kaya't maging ang mga putahe at gamot na ating ibinibigay at inahain ay nagbibigay buhay. Hindi lamang sa kaluluwa kundi sa sarili."

Mahirap kumuha ng tungkulin ito kung kaya't maraming mabilis sumuko dahil dalawang disiplina ang aming pinag-aaralan. Halos anim na taon ang guguhulin. Sabay ang pag-kakabisa ng mga sangkap, gamot, pamamaraan ng paggamot at pagluluto. Pagtungtong mo ng Shi Ra Tang. Maari ka nang pumili ng nais mong landas sa pagiging Shi. Maging Ra, isang mangagamot. o Maging Tang, isang kusinero. Sa panahon ng Shi Ra Tang ay pinipili ng mga Guro ng Supingu ang nakikitaan nila na maaring maging isang Ra Tang. Minsan meron at kadalasan ay wala dahil napakahirap ang landas na iyon. Minsan na akong alukin ng mga Konseho ng Supingu ngunit tinanggian ko dahil ayoko maipadala sa Shiwijang at takot na bumalik ang masalimot na aalala sa akin.

Nakapila kami sa tapat ng punong tanggapan ng Warazi, ang tahanan ng katawan ng Shiwajang. Ang nagpapanatili ng agos ng utos na nagmumula sa itaas hanggang sa ibaba. Kami ang panlasa, pangdama at pakiramdam ng palasyo. Kung ang Dotuzahi ang lugar kung saan nagaganap ang paligsahan ng kaisipan at puso. Ang Warugaso ang tahanan ng lasa at paggamot. Dala ng mga Dangyan at Chitzu ang mga kagamitan at pagkain nagbibigay sigla at buhay sa bawat tao naririto sa palasyong ito.

Minsan na rin ako napunta rito at nakapunta sa Warugaso ngunit ito'y noong bata pa ako. Ngayon lang ako muli makakapasok sa lugar na iyon makalipas ang dalawang dekada, ngunit hindi ko na kasama ang aking Mirahe. Laging ko siya pinapanood kung paano magluto ng pagkain at gumawa ng gamot sa malaking lamesa niya. At ginagalang siya ng buong palasyo sa angking talino at husay sa kusina at paggamutan. Tulad ng pakikibaka ng aking ama sa giyera.

"Sa inyo, Shi Tzu Tang Wang.Nakaatas ang mga panghimagas. Shi Tzu Tang Xi, ang pampagana. At huli ikaw Shi Tzu Tang Shiro ang mga inuumin. Ang ibang Shi Tzu Tang ay mamahala sa pagluluto ng handa sa piging. Kayong tatlo ang maasahan ko sa tatlong parte ng piging. Naiintindihan niyo."

"Opo, Mahal na Chi Shi Tzu." Napangiti kami tatlo sa blangko niyang mukha.

"Tumungo na tayo sa Warugaso upang masimula na ang pagluluto." Dala namin ang mga kagamitan sa pagluluto at paggawa ng mga putahe ay nagtungo kami sa Warugaso dala nila saya at tuwa na makapatak sa malawak na palasyo. Habang ako'y napapaisip kung paano umalis rito.

Where the Cherry Blossom Blooms (BXB)Where stories live. Discover now