Chapter 5: Unexpected

6 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit hindi ako umiwas sa sasakyan na palapit sa akin habang hinahabol ko si Kevin at naramdaman kong lipad ang buong katawan ko kaya napatingin ako sa gilid ko. Ayun pala nabangga na pala ako ng hindi ko inaaasahan. Hindi ko naramdaman na lumapag ang katawan ko sa kalsada pero pinagtataka ko kung bakit ganun ang nangyari sa akin. Dapat wala akong malay ngayon dahil naaksidente ako sa kalyeng ito pero bakit nagkukumpulan ang mga tao sa paligid ko?

Sa pagtataka ko, napalingon ako at sa gulat ko ay nakita ko ang aking katawan na nakahandusay sa kalsada. Totoo ngang naaksidente ako pero bakit nahiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan? Maraming katanungan ang nasa isipan ko ngunit nakita kong tumatakbo sina Sam at Felix sa akin dahil siguro nakita nila ang buong aksidente. Nararamdaman ko ang takot, lungkot, pangamba, at taranta na pinapakita nila habang tumatawag sila ng ambulansya para maidala agad ako sa ospital.

Tumawag si Felix sa aking ina pati na rin kay Louis at halata sa mga boses nila ang pangamba at takot kaya alam kong magmamadali silang pupunta dito sa ospital kung saan ako sinugod nina Sam at Felix. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon. Kung panaginip lang ito, sana magising na ako.

Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na sina Louis at si Mommy pero ramdam ko sa mga kilos niyo na may halong pangamba, takot, at taranta. Nagtatanong siya kung ano ang nangyari ngunit si Felix ang sumasagot kasi natatakot si Sam sa kanya at ramdam ko na sinisisi niya ang dalawang kabigan ko kasi sila ang kasama ko.

Mommy, huwag niyo po silang sisihin dahil ginusto kong habulin si Kevin. Kahit hindi niyo po ako naririnig ay sana magbago po ang pananaw niyo sa kanila.

Nang makaalis sina Sam, Felix, at Louis, mag-isa na lang naghihintay si Mommy sa labas ng operating room at hindi niya mapigilan ang kanyang pag-iyak.

Sana hindi niyo po sinisisi ang sarili niyo na nagkakaganito ang buhay ko ngayon. Nandito po ako sa tabi niyo pero hindi lang po pisikal kung sakali na hindi po ako mabuhay sa operasyon, huwag niyo pong sisihin sina Sam at Felix. Ginusto ko pong maghabol pero nabigo ako na maling tao pala ang hinahabol ko. Nagpakatanga po ako pero huli ko na pong napagtanto. Mommy, I'm sorry ang tanga-tanga ng anak niyo po.

Sumabay ako sa pag-iyak ni Mommy dahil sising-sisi ako sa ginawa ko. Sana hindi ko na lang hinabol si Kevin. Sana hinayaan ko na lang siya. Lord, sana panaginip lang itong lahat.

Pagkalipas ng ilang oras ay nasa operating room pa rin ang katawan ko at nakita kong dumating ang mga pinsan at Tita ko. Buti naman at may kasama na si Mommy. Ganun ba kalakas ang pagkakatama ng ulo ko sa kalsada kaya umabot ng 6 hours ang operasyon ko? Kinakabahan ako if ano ang magiging resulta.

Napatingin ako kay Mommy at mas nalungkot ako dahil nakita kong inaalok ni Tita si Mommy ng pagkain ngunit hindi niya ito pinapansin.

Mommy, kumain ka po please.

Napaiyak nanaman ako dahil hindi niya inaalagaan ang kanyang sarili. Baka kapag maganda ang resulta at nagising ako pagkatapos ng operasyon ko ay ikaw naman po magkasakit.

Napabalikwas sila Mommy sa kanilang kinauupuan dahil tinawag sila ng doktor na nag-opera sa akin. Ano kaya magiging resulta?

"Sino po ang pamilya na naaksidente? Kayo po ba Misis?" tanong ng doktor sa labas ng operating room.

"Kami po, dok. Musta po ang anak ko po?" nangangambang tanong ni Mommy sa kanya.

Hindi nakasagot ang doktor kay Mommy at napaatras ako dahil hindi ko inaasahan ang balitang ito. Nakaramdam naman si Mommy kaya biglang buhos ang kanyang luha sa kanyang mga mata at nahihirapang magtanong ulit sa doktor kaya si Tita na lang ulit ang nagtanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

God's Perfect TimingWhere stories live. Discover now