Chapter 46

364 2 0
                                    


"Please?" pagmamakaawa ni Z sa akin. Nasa lapag kasi siya ngayon. Sabi ko sa kaniya, huwag siyang tatabi sa akin hangga't ayaw niyang pumunta ng hospital. "Fine. Y IHANDA MO YUNG SASAKYAN" Sigaw niya. Tumayo ako at inalalayan siyang tumayo. Ayaw kasi tumigil sa pagdurugo ng sugat niya tumulong pa siya sa pag dala sa hospital kay Cev kanina.











Nakarating kami ng hospital at ginamot naman agad siya. Wala naman daw malala. Nagkikikilos pa kasi kanina.










"Baril daw ni Boss Z yung tumama sa tagiliran ni Cev. Specifically, yung baril na hawak ni Kia kanina" sabi ni X na kakagaling lang sa kwarto ni Cev.










"Wow, Kia. May future ka sa Mafia world" sabi ni W.











"Gusto mong mawalan?" tanong ni Z sa kaniya. "Hindi ko ipapasok si Kia sa mafia world. Hindi ko nga alam kung saan natutong humawak ng baril yan e" sabi ni Z sabay irap sa akin.











"Nakita ko kaya kung paano mo tutukan ng baril sila Y noon." sabi ko sa kaniya.











"At ako pa pala ang may kasalanan?" tanong ni Z sa akin












"Bat ba mukhang galit ka sa akin huh? Dahil ba hindi kita pinatabi sa akin!?" tinignan niya ko ng parang 'tumahimik ka' look. Sila Y naman ready na tumawa at mang inis.











"Di ko na check e. Pigilan mo nalang" biglang sabi ni X.











"Anong sinasabi mo!?" tanong ni Z sa kaniya.











"Hindi ko na check kung may dala kang baril. Kaya pipigilan nalang namin yung tawa namin pu--" biglang tumawa si X nung humalakhak si Y.











"Tangena mo, Y." sabi ni W.












"Huwag kayong tumawa. Baka ako yung mabaril mamaya" sabi ko.











"Ilang bala pa ba natitira sa bahay?" tanong ni Z. Sabay sabay kaming natahimik. "Need ko na bang umorder?" tanong niya ulit.











"Babarilin mo ko?" tanong ko kay Z sa pinaka malanding boses ko. Sabay upo sa kama niya.











"Are you trying Mrs. Collins?" tanong niya. Bigla niyang hinila yung ulo ko at hinalikan ako. Nakita ko namang sinenyasan niya sila X para tumalikod. "Don't challenge me. Ibang bala tatama sayo" bulong niya. Hinampas ko naman siya.











"Pwede ba, huwag mo ng gawing panakot yung baril sa amin" sabi ko.












"Sinong nagsabing panakot ni Boss yun!?" tanong ni X sa akin. "Nag away kami ni Y dati about sa safe room. Binaril niya kaming dalawa sa braso" sabi ni X dahilan para manlaki yung mata ko











"Buti inampon na kami ni Boss Z pagkatapos mangyari yun. Baka pati ako may tatak na ng bala ni Zarvin Collins" sabi ni Win.












"TOTOO BA?" Tanong ko kay Z. Tumango naman siya.












"Parang mga tanga kasi. Nag aaway kung sinong papasok sa Safe room. Eh hindi naman para sa kanila yun. Mga duwag pa kasi dati yang dalawang yan. Kaya nung minsang sugurin kami sa bahay, nag unahan sa safe room" sabi ni Z. "Kasabay silang ginagamot pati yung mga nasugatan nung araw na yun. Ilang araw nila akong di pinansin after nun. Kasi nagtatampo daw sila. Pero binilhan lang ng sapatos, okay na" sabi niya pa

My Mafia Bo(y)ss: Boss in loveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ