Chapter 42

344 1 0
                                    

Totoo yung sinabi nila. Hinding hindi mo magiging kaibigan ang kaibigan ng partner mo.













Wala akong choice kundi lumapit kay Kuya Kleo.












Umiiyak akong lumapit sa kaniya at napatawad naman niya ko.












"Tawagan mo yung tropa. Sabihin mo magbantay dito sa bahay. Huwag palalapitin sila Z dito." sabi ni Kuya sa kausap niya sa telepono, pagkatapos kong ikuwento sa kaniya lahat lahat, pinagalitan niya ko pero kinukupkop niya pa din ako.











Biglang nag ring yung phone ko at si Z yun.











" Nasaan ka? " tanong niya sa akin












"Para saan?" tanong ko.












"Pinsan namin yung sinabunutan mo kanina. Please naman Kia, umuwi ka na" sabi niya.











"Pinsan? Baby tawag sayo? Pinsan!" nang iinis kong tono.











"Inaasar ka lang niya. Hindi naman niya alam na nag aaway tayo kaya siya nagsalita ng ganun e" sabi niya.












"Totoo ate, pinsan namin to. Huwag mo nalang isipin. Balik na kayo ni Kurt dito" sabi ni V.











"Oo pinsan nila ako. Sorry sa nasabi ko" sabi pa ng isang babae.











"Hindi pa rin magbabago ang katotohanan, Z. Niloko mo ko."sabi ko.












"Kia. Mas kailangan mo ko, mas kailangan niyo ko ng mga bata" sabi niya.











"Hindi ko kailangan ng manloloko sa buhay ko. Parang sinabi niyo na din na kailangan kong gaguhin yung sarili ko at makisama sayo" sabi ko.











"Hindi mo pwedeng ilayo sa akin ang mga anak ko" sabi niya











"Pwede kong gawin ang gusto kong gawin, Z. Anak ko sila. Ako ang nagluwal at magluluwal sa anak ko. Pwede kitang tanggalan ng karapatan sa kanila" sabi ko.











"Hindi mo kailangan gawin yun" sabi ni Z











"Z, let's deal." inagaw ni Kuya yung phone ko.













"Ano yung Kleo?" tanong ni Z












"15 million. Kapalit ng mag iina mo" sabi ni Kuya.











"KUYA?" Sigaw ko sa kaniya.











"Sorry, Kia. Hindi kita kailangan sa organization ko" sabi ni Kuya na nagbigay sa akin ng kaba. "Ano, Z? Papayag ka ba? O papatayin ko na tong mga to?" para akong nabingi sa sinabi ng sarili kong kuya. Nakakapanghina ng loob.












"Gag* ka ba?" kinuha ko yung maleta ko at lumabas ng bahay dala dala si Kurt. Hinabol ako ni Kuya, hinihila niya ko pabalik sa bahay. Buti nalang may pulis na dumaan kaya tumakbo siya papasok sa loob. Sinakay naman ako nung pulis sa sasakyan nila at dinala sa pulisya.











"Pwede po bang mag intay muna po ako dito?" tanong ko. Naalala kong iniwan ko kay Kuya yyng cellphone ko kaya yung pulis nalang ang tumawag kay Z. Oo, kay Z. Akalain niyo, nung sinabi kong asawa ko si Z, kilala nila.











Buset na buhay naman to, may manlolokong asawa, may mukhang perang kapatid. Saan ako pupulutin nito kasama ko pa yung anak ko.











Ilang sandali lang nakita ko yung kotse nila Z. Lumabas si Z at kinuha si Kurt sa akin. Tas niyakap ako. Kinausap niya lang yung mga pulis at inabutan ata niya, tas umalis na kami. Hindi ko siya kinakausap. Nasa loob din ng kotse si Y. At siya ang may hawak kay Kurt sa likod.

My Mafia Bo(y)ss: Boss in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon