Namumula na yung pisnge niya na tila bay lasing na siya pero mukhang kaya pa naman niya dahil nga nakakapaglakad pa naman siya ng maayos.

Naupo na kaming dalawa sa pinagpupuwestuhan nila at nakipagkamay na ako sa mga tropa niya at nakipagwentuhan lang ganun.

"Oh amy! Uminom ka naman kahit isang baso lang! For sure magugustuhan mo to , hindi naman siya mapait eh" sabi nung isang tropa ni laney , ngayon ko nga lang siya nakita at hindi ko nagugustuhan yung ugali niya.

"Ah hindi jacob! bawal yang uminom si amy dahil malilintikan ako kay jaydee pag nagkataon at tsaka bawal uminom ng alak yang main vocalist namin baka magkaproblema pa yung boses niyan babatuhin ka talaga ng Amynamics" sabi ni laney at inakbayan pa ako , napangiti nalang ako sa lalaking nag aya na uminom ako.

"Ah ganun ba , sayang kahit isa lang sana oh pero anyway kelan concert niyo sa ney jersey? Punta kami don pag may ticket na para sa concert niyo doon" sabi pa niya medyo naiilang ako na tumingin sa kanya , yung titig niya kasi parang may halong pagnanasa.

Hindi naman sa pagiging judgemental ah pero kinakabahan ako sa taong to ngayon , nakaramdam naman ako na parang naiihi ako kaya nagpaalam na muna ako kay laney.

Tumango lang siya , gusto niya sanang samahan pa ako ngunit tumanggi na ako hindi naman kasi ako lasing eh at kaya ko na ang sarili ko.

Nakapunta na ako ng banyo at umihi lang ako tapos naghilamos medyo naiinitan ako ngayon , tinignan ko lang ang sarili ko ngayon sa may salamin mukhang maling desisyon na umalis pa ako ng bahay ah.

Paglabas ko ng banyo ay nagulat ako nang may biglang humila sa akin at sabay na hinalikan ako sa may leeg , gustuhin ko man na sumigaw ay hindi ko magawa sapagkat tinakpan niya yung bibig ko.

Nagulat nalang ako nang biglang natumba siya , may humampas ng bote kasi sa ulo niya at ngayon ay nakahandusay na siya sa may sahig.

"O-okay k-ka lang ba miss? T-tama ba yung n-nasaksihan at naisip ko? Na m-minamanyak ka ng lalaking yan?" Utal utal niyang sabi halos maluha naman ako ng makita siyang ganito ang kalagayan ngayon.

Sobrang pulang pula ng mukha niya at pagiwang giwang na siya na sa paglalakad pero natulungan niya parin ako.

"T-thank you!"

"Wala anuman m-miss mag iingat ka sa sunod ah? W-wait bakit mukhang may kamukha ka? Don't get me wrong ah pero kamukhang kamukha mo yung t-taong mahal ko pero mas maganda siya sayo miss! Amy ang pangalan niya ang ganda din no? Anyway a-alis na ako" halos maiyak naman ako nang sabihin niya yun, pinapahirapan mo ako coleen.

Masyado mo na akong kino confused sa nararamdaman ko , confused nga ba ako? O sadyang siya naman talaga yung mahal ko simula't sapul ngunit itinatanggi ko lang dahil hindi ko pwedeng magustuhan siya.

Sa paglalakad niya ay biglaan nalang siyang natumba , mukhang hindi niya na kayang umuwi sa lagay na ito.

Iniakbay ko na siya sa akin at nakapikit na siya ngayon, medyo may kabigatan siya kahit sobrang payat niya lang.

Kasalukuyang nasa kotse na kami ngayon , inihiga ko na siya sa may backseat , kinuha ko nalang yung bag niya at hinalungkay ko yung gamit niya upang hanapin yung Card niya sa condo at kung saan yun.

Nalaman ko na kung saan yung condo unit niya at mabilis na akong nagdrive papunta doon , tinext ko na muna si bebang na may emergency at kailangan kong umuwi na.

Nakarating na kami ng condo unit niya at tumambad naman sa akin yung mga nagkalatan na bote ng alak dito at sobrang daming basura sa may lamesa.

Inihiga ko na siya sa may kama niya at mabilis na nagtungo muna sa may lababo upang basain yung towel na ipampupunas ko sa kanya.

Inilagay ko na muna yung towel sa may palanggana na maliit upang maglinis na muna ng mabilisan nang matapos ako ay agad na akong nagtunga sa may kwarto niya.

Pinunasan ko na siya at napamulat naman ng kunti yung mata niya at nakatingin lang ng diretso sa akin.

"A-amy? I-ikaw ba yan? Amy bakit hindi nalang ako yung mahalin mo at piliin mo? Nasasaktan ako na makita ka kasama ni jaydee , sa sobrang sakit ay halos hindi na ako makahinga ni hindi ko na alam kung may dahilan pa ba para mabuhay ako , mahal na mahal kita at ikaw lang ang nagsilbing ilaw sa madilim kong mundo , gusto kong akin ka lang amy" sabi niya pa sa akin habang naluluha , sobrang higpit ng hawak niya sa mga kamay ko at nasasaktan din ako na makita siyang ganito.

Napapikit na siya at naririnig ko na yung mahinang hilik niya , kaya siguro naglalasing siya ay dahil din sa akin.

"Mahal na mahal din kita coleen pero hindi pwede maging tayo kasi mas mahalaga sa akin si jaydee at ayaw ko din na mawalan ng bestfriend na ngayon ay girlfriend ko na" sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng luha gustuhin ko man na ikaw ang piliin ko coleen pero hindi maari at ayaw ko din namang saktan si jaydee ngayon na napasabak na ako sa ganitong sitwasyon.

Binihisan ko nalang siya at pagkatapos ay hinalikan ko na siya sa may labi saka tuluyang umalis na sa condo unit niya.

"Mahal kita coleen kaso hindi pwede at mas may deserve pa ng pagmamahal mo at hindi ata ako yun" mahinang sabi ko bago tuluyang pumasok ng kotse ko at umuwi na ng bahay.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now