"Hindi ko alam, hindi ko talaga alam."

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung anong ginagawa ko dito. Hindi ko alam kung bakit ako andito. Gusto ko lang ay mawala na ang lahat ng nasa utak ko. Napakabigat, napakasakit.

"So what now?"

I handed the envelope to her. Adam's wife opened the envelope.

"Oh, divorce papers. This is long overdue."

I am just looking at her. Sabi ng madami, mabait daw ang asawa ni Adam, pero bakit parang hindi naman?

"Wala ka bang sasabihin? Pirmahan mo na at ako na ang bahalang magpadala nito kay Ayie."

"I. I can't."

"Pirma lang hindi mo pa magawa? Anong gusto mo? Ipabaril na lang kita kay Daddy?"

"Baka mas mabuti pa nga dahil hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawain."

Adam's wife sighed.

"I am sorry but I really can't talk to you. Maybe Adam can because you make my blood boil. Hindi deserve ni Ayie ang umiyak dahil sayo."

Adam's wife turned her back on me kaya nagpunta nga ako kay Adam.

"Bakit mo pinuntahan si Myelle???!!!"

I just stand there and get some free punches again from my best friend. When he's done with me, I just lay down in the middle of his office.

"Anong problema mo ngayon?"

"Hindi ko na talaga alam Adam."

Adam sighed.

"Ano bang nangyari?"

"Dumating na yung divorce papers namin."

"Oh yun naman pala, pirmahan mo na. Ako na ang magpapadala at nang matapos na tayo sa lintek na gulong ito."

"Hindi ko kaya."

"Ano?"

"Hindi ko alam pero hindi ko kaya Adam, hindi ko kayang pirmahan. Parang pagpinirmahan ko yun, death certificate ko ang nakikita ko."

"Gusto mo na bang may maalala ha?"

"Possible pa ba yun?"

"Possible kapag ginusto mo."

"Pero tatlong taon na naming sinubukan. Sumasakit lang ang ulo ko."

"Hindi mo pa nagagawa ang lahat."

"Paanong hindi pa nagagawa ang lahat?"

"Hindi ka pa nagpapatingin sa ibang doctor."

"Matutulungan mo ba ako?"

Adam pulled me up from the floor then brought me to the car and drive somewhere southbound.

"Psychiatric Clinic?"

"They are really good. Trust me."

"Hindi ako baliw."

"Oo, pero gumagamot sila ng gago."

"Adam."

"Pumasok ka na doon, maganda at bata pa yang doctor na yan pero may college student na anak na."

"Adam!"

"Sinasabi ko lang. Pumasok ka na at sabihin mo ang gusto mong mangyari sa buhay mo."

I entered the doctor's clinic and saw a beautiful doctor.

"Hi! I am Dra. Yen Santiago, what can I do for you?"

"Doc, I want my memories to come back."

"We need to assess you first."

DesugaredWhere stories live. Discover now