2

731 41 2
                                    

Ayie

I got the biggest shock of my life the next morning!

"Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!"

Nagulat na lang ako na may katabi akong lalaki. Tiningnan ko ang sarili ko para macheck, sure naman akong walang nangyari sa amin pero bakit at paano ako nagkaroon ng katabi dito?!

Hindi ko alam kung hindi sya makapagsalita sa gulat o hindi sya makapagsalita dahil nasaktan sya sa pagkakasipa ko. Nahulog kasi sya sa kama.

"Anong ginagawa mo dito?!" tanong nya.

Aba! Ang kapal ng mukha nito ah! Sya pa talaga ang nagtanong???!

"Ikaw! Ikaw ang anong ginagawa mo dito???"

"Kwarto ko ito!"

"Kwarto ko ito!"

"Paanong nangyaring kwarto mo ito? Eh kwarto ko ito!"

"Kwarto ko nga ito. Sa tingin mo paano ako nakapasok dito?!"

"Malamang stalker ka! Maniac"

"Ay wow! Wala akong kabalak balak sayo ha!"

"Hindi ako naniniwala! Kahapon ka pa! Stalker ka ba?"

"Teka nga! Teka lang! Wag ka namang manakit!"

Sinasalag nya yung mga suntok at sipa ko! Nakakagigil! Paanong nasa iisang kwarto kami?!

"Sandali lang sabi! Napakamapanghusga mo! Subukan mo kayang tawagan ang pinsan mo kasi hindi ko rin alam kung bakit dito ako napadpad!"

Nangigigil akong talaga! Ito yung lalaking kasama namin kagabi sa dinner with Adam at Myelle! Itp yung pakialamero sa pagkain ko!

I panicky called Myelle! Ipapapatay ko si Adam kay Daddy Matti kapag nalaman kong sinet-up nila ako!

Myelle: Ang aga mong tumawag Ayie!

Ayie: Anong nangyari?!!

Myelle: Anong anong nangyari?!

Ayie: Bakit magkasama kami sa kwarto nitong kaibigan ni Adam sa kwarto ha?!

Myelle: Ha?? Paano nangyari yun?! Adam!!!!!

After few minutes, bumalik ng tawag si Adam.

Adam: Ayie, wala kaming kinalaman jan. Actually, nalasing nga yan si Paeng kahapon.

Myelle: Andito sya sa kwarto ko Adam!!!

Adam: Wait! Puntahan namin kayo! Calm down Ayie.

I dropped the call.

"Anong sabi nila Adam at Myelle?"

Nangigigil ako kaya wala na lang ako sinabi at napagdesisyunang itapon sya palabas.

"Lumabas ka na ng kwarto ko! Labas!!"

"Teka! Papalabasin mo ako ng nakaboxers at sando lang??"

"Anong gusto mo? Bihisan pa kita ha? Lumabas ka na! Baka may makakita pa sa'yo dito sa kwarto!"

"Teka lang ano ba?"

"Lumayas ka sabi!"

Tinulak ko sya nang buong lakas para makaalis sya dito. Things would be messy kapag may nakakita sa kanya rito!

"Hustisya naman, sandali!"

Patuloy ko pa rin syang tinutulak kasi hindi pwedeng may makaalam na magkasama kami sa kwarto. He's about to get out pero bigla na lang maraming nagpipicture na sa labas! At kinuyog na kami kaya agad din naming isinara ang pinto.

DesugaredWhere stories live. Discover now