7

632 44 2
                                    

Ayie

Mula nung interview namin ni Paeng, I had been too bombarded with a lot of offers. Positive problem nga ang nangyari sabi ni Tita Aria.

At sa ngayon, mayroon akong bagong series, sa series na ito, isa akong aspiring cardiologist na maiinlove sa nagtetrain sa akin. Sa kasamaang palad, kasama ko ang pinsan kong si Jessica.

"Hi Cuz!"

Napakaplastic talaga! Kundi lang talaga dahil kay Lola Sally wala akong ka amor-amor sa kanya. Nagtyatyaga lamang ako kasi nga, kahit papaano ay kadugo ko sya. But people around us don't really know. Kasunduan nila yun ni Tita Aria. Once she slipped that I am adopted, she will automatically be out of contract.

"Jessica, tigilan mo ako. Wala si Lola dito."

"Bakit? Nahihiya ka ba na malaman ng lahat?"

I walked out! Nakakairita talaga. Pero nagulat ako ng makita ko si Raphael at Adam na andito sa ospital.

"Adam! Raphael!"

"Ui, dito shooting nyo?"

I nodded.

"Astig! Ui Ayie, napuntahan mo na ba si Tita Annika?"

"Wala pa sya kanina, pupunta ako ulit mamaya. Bakit nga pala kayo andito?"

"Wow! Di mo alam kung bakit andito ang boyfriend mo?" singit ni Jessica

"Di mo alam, di maganda makisali sa usapan ng may usapan?" tanong ko

"Nagtataka lang naman kami, bakit parang nagulat kayo na nagkita kayo dito?"

Nakakairita talaga tong si Jessica! Gusto ko na syang sunugin! Yung dapat na kami lang ang mag-uusap pero dahil sa lakas ng boses ni Jessica halos lahat ng staff and crew nakabantay na sa paguusapan namin.

I sighed.

Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Paeng at inabutan ako ng cake.

"Tsaran! Isusurprise ko sana sya kaya lang nakita nya kami agad. Hindi na tuloy ako nakabili ng bulaklak."

"Wow! Ang sweet naman ni Doc!"

Comment nung mga nakakita. Habang halatang halata ko ang inggit at inis sa mga mata ni Jessica.

"Syempre, para sa pinakamamahal ko."

I hugged Paeng. People around started to take pictures.

"Salamat."

"Let's talk on your break."

I nodded.

The staff and crew who witnessed us shrieked with joy and kilig.

"Wow, andito pala ang boyfriend mo Ayie!"

"Opo Direk, hindi ko po alam na dito sila ngayon. Si Raphael po boyfriend ko, tsaka si Adam asawa po ng pinsan ko."

"Raphael Javier po Direk."

"Ikaw pala ang boyfriend nitong si Ayie kilalang kilala ka ngayon, napakainit mo sa media. Magandang lalaki ka rin, bagay na bagay nga kayo ni Ayie. Baka pwedeng magkaroon ka ng cameo sa series na to?"

"Okay lang naman po, basta okay lang sa pinakamamahal ko."

Hindi ako nakapigil at kinurot ko itong Rapahel na ito.

"Oh pano Ayie?"

"Basta po okay sa schedule nya."

"Osige, aasahan ko yan ha."

"Yes Direk. Lakad na kayo Love."

"Sige po uuna na kami."

Sabi ko para makaalis na yung dalawa.

DesugaredWhere stories live. Discover now