27

801 42 8
                                    

Malapit na po itong matapos. Konting konti na lamang :)

Aiesa

Andito ako ngayon sa harapan ng bahay nila Paeng, nagtatalo ang isip at puso ko kung tama ba itong ginagawa ko. Magiisang linggo na nung huli kaming magkita ni Paeng mula nung gabing yun, hindi na sya ulit nagpakita pa ni hindi na nagparamdam.

Hinayaan ko naman na, nasunog ko na ngang lahat ng mga pictures namin. Pikit mata ko na ring binura lahat ng nakasave sa mga gadget ko. Tanggap ko naman na pero naalala kong dahil nga sa pagkabura ng memories nya, wala syang trabaho. Iniisip ko sila ng girls, nagaalala ako kung maayos ba sila. Kung may kinakain ba sila at pang gastos.

Kaya ayaw man ng isip ko, andito ako ngayon kasi mahal ko sila at nakokonsensya akong baka nahihirapan sila.

I sighed.

I called Rayna, nasa school daw kasi si Gina. Andito ako sa may hagdan, hinhintay si Rayna para maiabot ko yung groceries tsaka yung allowance nila.

"AAAAAtttttttttttttteeeeeeeeeeeeeeee"

I smiled. Ang laki na ni Rayna agad, parang kelan lang baby baby ko pa sya. Ngayon dalaga na din.

"Baby."

"Ate, miss na miss na po kita!"

"I miss you too baby, wala na akong pinagbabake ng butter cookies."

"Ate, bakit hindi na ikaw ang kasama ni Kuya?"

I smiled.

"Hiwalay na kami ni Kuya mo eh."

"Dahil ba pinagpalit ka nya kay Ate Glydel?"

"Hindi Rayna, hindi, dadating ang panahon maiintindihan mo din."

"Pero Ate."

"Haii Rayna dear."

I hugged her tight so she can't see my eyes. Hindi ko na kayang iarte na okay lang ako.

"Anyway, sige na, iakyat mo na itong groceries. Lahat ng Red na ecobag sa inyo sa taas. Itong mga blue kay Tita Diana. Tapos ibigay mo ito kay Ate Gina, atm ito. Dito ko na lang ipapadala ang allowance nyo."

"Bibigyan mo pa din po kami ng allowance kahit hiwalay na kayo ni Kuya?"

I smiled.

"Oo naman. Pero secret lang ito ha? Bawal nyo sabihin ni Ate Gina kahit kanino, kahit kay Kuya o Kay Tita."

Rayna's stares are breaking me.

"Osige na, aalis na si Ate."

"Aalis ka na agad Ate?"

"Oo, ibibigay ko lang naman talaga ito sa inyo. Tsaka baka makita pa ako ni Kuya mo."

"Pero wala naman sila lahat, wala nga ako kasama Ate eh."

"Kumain ka na ba?"

Rayna shooked her head. I smiled. A chance for a meal with this girl.

"Anong gusto mo?"

Rayna happily choose what she wants to eat. At dahil nga hindi naman ako pwedeng basta kumain sa labas nagorder na lang kami . Sa totoo lang kabang kaba ako na baka dumating sila Paeng tapos madatnan nila ako. Ayaw ko na kasing magkita kami. Ayaw kong magkita kami ng hindi ako handa. Madudurog na naman ako.

Pero hindi na nga siguro ako ganoon kalakas sa langit dahil nasa CR ako nung dumating sila Paeng at Glydel.

"Rayna,.."

"Bakit kayo mabilis? Akala ko ba mamaya pa kayo babalik Kuya?"

"Hindi kasi ako pwedeng mapagod Rayna."

DesugaredWhere stories live. Discover now