6

669 40 1
                                    

Ayie

Napagdesisyunan ko na hindi na muna ipaalam ang totoo tungkol sa amin ni Paeng. Kahit sa parents ko kasi for sure, si Mama, di yun uupo lang doon kapag nalaman nya ang totoo. Malamang umuwi yun dito at aawayin nya lahat at masasaktan ang sino mang mahuhuli nyang naninira sa akin. Kaya mas okay sigurong akala nila eh kami talaga. Mas lesser nangyayari ngayon gaya ng ayaw ako kausapin ng Papa ko. Mama's okay with the idea, gusto nya lang makilala kaya pinag facetime ko sila.

Mama ended up liking him. Si Keion masama lang ang tingin sa kanya 'twing kakausapin sya ni Mama. Nana talked to him too, mukhang okay lang din kay Nana si Paeng so wala akong masyadong issue except for Lola Sally. Kahit kasi sila Daddy Matti, Uncle Akim at Ninang Annika, mukhang okay naman pwera sa di talaga ako kinakausap ni Papa. Sabi lang ni Uncle Akim, I need to bring him to them so they could meet him. Pumayag na lang ako so I must bring him to the family dinner sometime soon.

I need to make them settle with the idea that everyone's okay with him. Sa totoo lang, mabait naman talaga itong si Paeng, maloko lang. He's not that bad to be a boyfriend. Kaya heto kami ngayon, papunta sa bahay ni Lola Sally. Tinawagan nya ako kahapon at sinigaw sigawan dahil ayaw nya raw kay Paeng. Whatever it may be, Lola ko pa rin sya, higit sa lahat, kadugo ko pa rin.

"Bakit sobrang dami mo namang pinamili Ayie?"

"Wag ka na masyado maraming tanong Paeng."

"Eh bakit dun sa isa mong Lola wala ka namang madaming regalo noon ah? Sya pa nga madami bigay sa'yo."

"Hindi mahilig si Nana sa regalo."

"Eh etong Lola mo na 'to?"

"Wag ka kasing magulo, tsaka wag kang madaming tanong."

Kapag kasi bumibisita ako dito, kailangan may dala ako. Hindi ko din alam kung bakit pero feeling ko kailangan ko itong laging ginagawa.

"Lola Sally."

"Bakit kasama mo yang pobre na yan?"

"Lola, marami po kaming dala."

"Pumasok kayo."

"Malalate po ata yung order ko na pagkain."

"Bakit hindi mo inagahan. Magugutom tayo nyan."

Hinayaan ko na lang si Lola Sally.

"Halika nga dito, kakausapin kita!"

Hinila ako ni Lola Sally palayo kay Paeng.

"Lola Sally."

"Anong ginagawa nyan dito? Diba't sinabi ko na sa iyo na hindi ka dapat nag boboyfriend ng taong di kasing yaman ng mga Seigfreid??!"

"Lola, sorry po, boyfriend ko na po si Raphael."

"Hindi! Hindi ako sang ayon na yan ang boyfriend mo! Ano ka ba naman! Sayang at napakayaman ng Mama at Papa mo! Hindi bagay sayo yang pipitsuging doktor. Ni wala man lang magandang sasakyan! Mag-isip isip ka naman Aiesa! Tutulad ka na lang, sa nanay mo pa. Ang gayahin mo, yung Mama mo, tingnan mo ang Mama mo, reyna sya ngayon. Ang nanay mo? Ayun! Inuuod na sa ilalim ng lupa."

"Lola, hindi naman importante ang status nya, nagsisikap naman po si Raphael."

"Ay nako Aiesa! Mag-isip ka! Wag kang tanga. Sayang ang ganda mo."

"Lola naman, please. Importante po sa akin na maging okay kayo ni Raphael."

"Hindi! Hindi kailanman! "

"Lola Sally."

"Aiesa, hangga't di sya kasing yaman ng mga Seigfreid, hindi ko sya matatanggap para sa'yo. Mag-isip ka! Hindi na lang kasi dapat nag artista, sana nag abogada ka na lamang o doctor! Para makakuha ka ng mas maayos na boyfriend."

DesugaredWhere stories live. Discover now