9

726 37 5
                                    

Ayie

So far, sa ilang buwan, tumahimik naman ang buhay ko. Pero kasama dun yung ilang beses lumalabas kami at nagpapapampam sa mga tao. Sinasadya talaga namin na lumabas twing maraming tao para kumalat twing may nagpapapicture sa amin.

Ang masasabi ko lang ay talagang natural na papansin si Paeng. Kasi gaya na lamang ngayon, hindi ko alam bakit sumama pa dito sa location namin eh hindi naman pala maganda ang pakiramdam nya. Nakakainis. Alagain pa tuloy sya.

Buti na lang malapit lang ang location sa resthouse ni Nana kaya pwede ko muna syang iwan doon. Ang hirap kasi sa hotel, makikita ng lahat na labas-pasok ako sa room nya, hindi ko naman matitiis na hindi sya pupuntahan.

"Ayie! May party later."

"May sakit po si Raphael, kailangan kong puntahan muna."

"Ah ganoon ba? Mukhang wala na kaming laban jan."

"Pasensya na po, babawi po ako."

"Walang problema. Thank you! Ingat!"

"Salamat po, uuna na po ako."

I was about to ride my car when Mimi called me. Mimi is one of my very few friends in showbiz.

"Ayie!"

"Mimi?"

"Hindi ka sasama sa party?"

"Nako. Hindi! Bwiset si Paeng eh, may sakit."

"Nasa hotel ba sya?"

"Hindi kami pwede doon! Matsitsismis. Andun kami sa bahay ni Nana, gusto mo ba dun ka na din tumuloy?"

"Hindi na! Me time nyo yan eh."

"Baliw."

"Sige na, it's your time to shine na para maalagaan ang pogi mong jowa."

"Baliw."

"Babye!!!"

Pagdating ko sa bahay ni Nana, sobrang tahimik, kasi naman pala, sobrang init na ni Paeng. Taas na ng lagnat nya.

"Hui, dadalahin na kaya kita sa ospital? Ang taas na ng lagnat mo eh!"

"Hindi na. Just let me sleep."

"May dala ka bang gamot?"

He shook his head.

"Wala?!"

I sighed.

"Paeng naman! Nakakstress ka. Sandali nga lang."

I ask the caretaker para bumili ng gamot at thermometer. Haii nako talaga.

So dahil wala ang house help at care taker, ako na ang nagluto para makakain muna tong bakulaw na 'to. Aii nako talaga.

"Ayie."

"Manang."

"Heto na yung mga gamot."

"Salamat po."

Pagtingin ko sa plastic jusmiyo, may condom.

"Manang, hindi ako nagpabili nito."

"Aba eh ineng, hindi ko alam sa binilhan ko, basta kinuha ko na lamang yan na nakasupot na."

Busy si Manang kaya di ko na lang kinulit. I went back to the room and check on him.

"Paeng."

"Hui. Paeng. Uminom ka muna ng gamot."

I helped him seat and gave him meds.

He get back to bed after that. Mejo late night na pero mataas pa rin ang lagnat nya kaya pinunasan ko ng wet towel. Binalot ko na lang ng kumot.

DesugaredWhere stories live. Discover now