1

1.6K 48 2
                                    

Aiesa

"Pa!!"

"Hindi ko talaga alam bakit pinapayagan ka ng Mama mo sa mga ganito."

"Pa, 8 years na po akong artista. Hindi pa rin po ba kayo sanay?"

Papa just sighed. Nilambing lambing ko na lang sya at niyakap yakap. Nakatingin lang si Mama sa amin.

"Nakatapos naman po ako ng college diba Pa? Gaya ng promise ko sa inyo ni Mama?"

"Pero hindi ka namin kasama! Hindi ka umuuwi sa amin."

"Pa, umuuwi naman po ako ah, hindi lang madalas kasi napakalayo naman po kasi ng Germany. Andito po sa Pilipinas ang career ko, ang trabaho ko."

"Hindi ko alam Aiesa. You're still my baby."

"Papa naman eh."

"Paano mo maalis sa akin ang mag-alala, you are my most precious!"

"Pa alam ko naman po yun."

"Anak you don't need to work."

"Papa, this makes me happy."

"Oi Lukas, tigilan mo na yang anak mo ha. Kanina ka pa. Nakakairita na. Malalate na tayo sa flight natin ha!"

"Babe, bakit mo kasi pinayagan."

"Ako ba? Hindi ba't ikaw ang kasa-asama nitong anak mo magaudition? Hindi ba't tumatakas pa nga kayo sa akin? Tapos ngayon rereklareklamo ka ng ganyan?? Tsk. Manigas ka ngayon jan."

"Babe!"

"Lukas, si Matti, magaapat na yung apo. Tatlo na rin ang manugang tapos ikaw kung makabawal ka akala mo naman menor itong si Aiesa."

"Syempre Babe, may usapan kami ni Ayie."

"Tigilan nyo ako sa usapan nyo. Di ako kasali sa kasunduan na yan."

Mama rolled her eyes at Papa and Papa just sigh. He will never win over my mother. Sa laki ng pagmamahal ng Papa ko sa Mama ko, he'd never win an argument over. Isa pa, sobrang galing na lawyer ng Mama ko. Just that she went to Germany with Papa and helped Nana run the SGC Foundation.

"Ay, anak, hindi ko ata nasabi but I bought you bags and shoes. Si Nana binilihan ka ng ilang accessories."

"Mama thank you so much. Pasabi na din po kay Nana."

"Wala ka bang ibang damit? Bakit ba napaka revealing ng suot mo? Babe, dapat damit ang binibili mo dito kay Ayie hindi bag."

"Pa! May shoot na po kasi ako in an hour."

"Ay nako, itong matandang ito talaga. Babe, wag mo masyado ipahalata na malapit ka na maging senior citizen ha? Keion diba ganda ganda ni Ate?"

"No! No!"

"Keion! Manang mana ka sa Papa mo!"

"I can buy you a new set. Just don't wear that."

Hinampas na ni Mama si Papa.

"Napakayabang nitong Papa mo, wag mo pansinin. Alam mo Babe, nasa beach kasi tayo, itong suot ni Ayie, ito ang proper attire. Ay nako, bilisan mo na magimpake jan para makaalis na tayo."

"Mama pulled me on the mirror and made me seat while she combs my hair."

"Ma, galit po ba si Papa?"

"Naku anak, wag mo pinapansin ang Papa mo. Matanda na kasi yun. Ang ganda ganda mo talaga anak."

"Ma, okay lang po ba talaga itong pag-aartista ko?"

DesugaredWhere stories live. Discover now