KABANATA 4

5.6K 277 43
                                    

Misunderstood•••

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Misunderstood
•••

“Kapitan! Kayo ho pala!” Natatarantang tumayo si Mason.

“Ako nga, tapos na kayo?” He's frowning as he spoke those words coldly.

“A-h, opo! Pasensya na po.” Dali-daling sinikop lahat ni Mason ang mga pinagkainan namin sa tray. Tinulungan ko siyang ilagay ang basong natumba sa pagmamadali niya.

Nang matapos ay kinakabahang nagpaalam siya sa amin at nagmamadaling lumabas. Nakasunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa isara na ni Halcon ang pinto nang may kalakasan.

Humalukipkip ako at tiningnan siya nang masama. What's with him? Why so grumpy?

Hindi siya nagpatalo. Nagsukatan kami ng masasamang tingin.

“What's with you? Bakit ka naman gano'n! Natakot mo tuloy si Mason!” pagalit kong sabi sa kanya.

“Maraming trabaho ang naghihintay sa labas, tapos narito lang kayo na masayang nag uusap?”

“Okay. But— hindi mo naman siya kailangang takutin!”

“Hindi ko siya tinakot. Matatakutin lang talaga siya!”

Ano? How dare him insult Mason?

“Mason is not a coward!” I shouted.

Napangiwi siya at ikiniling ang mukha, tila napanting ang kanyang tenga sa narinig.

“Pwede bang itigil mo na ang pagsasalita ng lenguahe mo na hindi ko maintindihan?”

“Well, I'm sorry! Because this is just so weird and so bobo! Like you look like a caucasian but you can't understand a single english word! At huwag mong sisihin si Mason, ako ang may kasalanan! Pinilit ko siyang samahan akong kumain dahil nayayamot na akong kumain mag-isa,” nanggigigil na sabi ko.

“Kung gayon naman pala, bakit hindi ako ang tinawag mo para samahan kang kumain?” he said accusingly.

Napamaang ako roon. W-what?

“Well, akala ko busy ka. Sabi mo pa nga, maraming trabaho sa taas kaya si Mason na lang.” And I also don't want to eat with you, baka hindi ako makakain nang maayos.

Bumuntong hininga siya.

“Sige, pero kung nais mo ulit ng kasama sa pagkain, tawagin mo lamang ako.”

Gusto kong mag protesta sa sinabi niya. But I took a deep breath and just nodded. I don't want to offend him by questioning that statement of his.

He seemed delighted with my response when I saw a glint of smile in his eyes, though, his lips were still unsmiling.

Dumiretso siya sa isang cabinet na nasa gilid. Where his other things and ‘my’ clothes were.

I headed to ‘my’ bed at hinawakan ang panyong ginagawan ko ng embroidery ng isang bulaklak na may bubuyog sa gitna nito. I learned this technique with my lola when I was a teenager.

Pirate's Stella (Pacifico Trilogy #1)Where stories live. Discover now