Nagkatinginan kami ni Valjerome. Tulad ng mga mata ng anak ko ay nakikita ko rin ang kalungkutan sa paglapat ng paningin niya sa akin.

"Mahal din kita, anak, kayo ng Mommy mo. How I hope too, baby," he said softly, still staring at me.

Napaiwas ako ng tingin at palihim na kinurot ang mga daliri ko. Marahan akong tumayo at tumikhim para maalis ang nagbabarang hangin sa lalamunan ko. Suddenly, I felt sad also. Biglang bumigat ng husto ang dibdib ko na para bang anumang oras ay mapapaluha na lang ako.

Why am I like this?

Bakit nagagawa niya akong maapektuhan ng ganito?

Do I... still love him?

I stiffened thinking of that thought. Slowly, I tried to glance at him. Nakagat ko ang ibaba kong labi nang magtamang muli ang mga paningin namin.

Gone with the cold and ruthless mafia boss I'd known, Valjerome was now showing emotions and care.

Like the old him whom I used to love before.

"U-Umuwi na tayo," ayon na lang ang nasabi ko sa kawalan ng salita.

He stared at me for a while then licked his lower lip. "Yeah, let's go... home," he said hoarsely.

TAHIMIK kaming sumakay sa kotse nang nakalabas kami ng gusali. Tulad nang ginagawa ko mula kanina ay pilit kong iniwasan na matingnan o makausap si Valjerome.

"Daddy? Bakit ka po bumili ng doll?" inosenteng usisa ni Erom.

In my peripheral vision, I saw Valjerome give out a soft smile. "This is for your—"

"Nasa bahay ba si Manang?" I cut him off.

He looked at me, confused. "Is she going somewhere?" balik na tanong niya.

I bit my lower lip and stared at him.

'Don't tell him.' I tried to say by just looking at him. Mabilis niya naman iyong naintindihan kahit pa naroon ang pagtataka sa kanyang mukha.

He cleared his throat and put the paperbag on his opposite side. "It's for your Mom," he said.

My mouth parted. Ilang beses akong napakurap saka siya masamang tiningnan. He just shrugged, as if he's telling me that it's my fault for not telling him beforehand.

Umirap na lang ako at sumandal sa upuan. Nagsimulang umandar ang sasakyan. Paminsan-minsan kaming dinadaldal ni Erom hanggang sa mapansin ko ang pagbigat ng ekspresyon ni Valjerome.

"Jaime, pass me the headphone," utos niya sa nagmamanehong tauhan.

Mabilis naman siyang sinunod nito. Mula sa compartment ng sasakyan ay inilabas niya ang isang headphone at inabot kay Valjerome. Pinanuod ko lang sila ng may pagtataka.

"Erom," he called my son's attention.

"Yes po, Daddy?" tugon ni Erom.

Tipid pang ngumiti si Valjerome saka marahan na isinuot ang headphone sa ulo ng anak ko. "Can you wear this and shut your eyes until I remove it by myself?"

Puno man ng katanungan ay masunuring tumango si Erom. He wore the headphone and shut his eyes. Nagsimulang pumindot si Valjerome sa kanyang cellphone marahil ay pumipili siya nang patutugtuging kanta, pagkatapos niyon ay tumingin siya sa 'kin ng seryoso.

"What's going on?" I asked, a little bit nervous this time.

"May nakasunod sa atin," sagot niya saka sumilip sa rear mirror.

Sinundan ko naman iyon ng tingin, tulad nang sinabi niya ay napansin ko ang isang itim na sasakyan na nakabuntot sa amin.

Agad akong kinain ng kaba, hindi para sa akin kundi para sa anak ko.

"V-Val," garalgal na tawag ko.

Mula sa maliit na distansya ay hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay dahilan para mapatitig ako sa kanya.

"Calm down. I won't let them hurt you, especially our child," he said softly while staring at me. "Trust me."

Trust me.

Those two words echoed repeatedly in my ears. Mula sa paninitig sa kanya ay marahan akong tumango.

"I trust you."

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now