Pero 'di ako nagpatinag, tinutok ko ang baril sa ulo n'ya at gan'on din s'ya.

"Haven't changed yet? You know I can defeat you." Ngumisi naman s'ya ng nakakaloko.

Nagulat ako sa ginawa n'ya, umikot lang s'ya pero hawak n'ya na ang baril ko, naparaatras ako ng bahagya.

"You can defeat me? You didn't even notice what I did." Tumawa s'ya na kinainis ko.

'H-How is that possible? It only take a second.'

"H-How? T-This is unfair!" Singhal ko, tumawa naman s'ya at tinutok ang dalawang baril sa'kin.

"You and your family will pay everything, Elias." Yun lang sinabi n'ya, at binaril ako ng tatlong beses.

Bumagsak ako nanlalabo na ang mata at tuluyan ng nawalan ng malay.

Nagising ako dahil sa masamang panaginip, kinapa ko ang katawan ko at naramdaman ko ang sakit.

'H-Hindi yun panaginip..'

Agad akong bumangon at nilinga ko ang paligid, isa itong kubo.

Agad akong lumabas at gan'on na lang ang gulat ko nang mapagtantong nasa isla ako, kung saan idinadala ng mga Morgan ang mga taong pinapatay nila.

Natigilan ako nang may dumating na isang babae at limang kalalakihan.

Pareho sila ng suot, puro armas sila.

Nilingon ko ang dagat may mga volt wire ito hanggang sa ilalim ng tubig, kaya malabong makatakas dito.

"Ikaw ba si Elias Franco Reva?" Tanong noong babae, hindi ako umimik bagkos ay tumalikod ako at bumalik sa kubo.

Naramdaman kong sumunod sila, nang lumapat ang kamay nung lalaki ay agad ko itong binali at kinuha ang baril.

Hindi ko namalayan ang babae sa likod kaya nahampas n'ya ako ng baril sa batok na unti-unting ikinabagsak ko.

Iminulat ko ang mata ko, nakahiga ako sa kama.

Gumalaw ako naramdaman kong may mabigat sa paa at leeg ko.

Naka-kadena ang paa at leeg ko, agad akong tumayo at pilit na inaalis ito.

"Malabong matanggal mo iyan Elias." Napatigil ako nang marinig ko ang boses na iyon.

Agad ko s'yang nilingon at masamang tumingin sa kan'ya.

"Clare! Get me out of here!" Singhal ko sa kan'ya na ikinatawa n'ya.

"What? Sorry I didn't hear you. Come again?" Natatawang ani n'ya na lalong kinainis ko.

"Magbabayad ka!" Sigaw ko sa kan'ya, pailing-iling naman s'yang tumawa.

"Magkano ba? Limang suitcase ba ng pera ang makakapagbayad ng sinisingil mo?" Nakangising ani n'ya.

"Pag nalaman ni Daddy ang ginawa mo sisiguraduhin niyang mamamatay kayong lahat Clare!" Bigla s'yang sumeryoso at lumapit sa'kin.

"Bago n'ya mataniman ng bala ang katawan namin ay uunahan ko s'ya. I've been waiting for that moment Elias, uubusin ko kayo tandaan mo yan." Madiin na ani n'ya, tila nakaramdam ako ng takot sa pananalita n'ya.

'Hindi ka pa din nagbabago, makatinding balahibo ka pa din magsalita.

My Girlfriend Is A Mafia BossWhere stories live. Discover now