I heard Valjerome laughed on the opposite side. Nanigas pa ako sa 'king pagkakahiga nang alisin niya sa ilalim ng kamay ko ang kanya at pagpalitin niya ang p'westo namin. Kamay na niya ngayon ang nakapatong sa akin.

"Sleep now, baby. Don't worry, I won't let go of your Mom's hand. Bukas, paggising mo, yakap ka pa rin namin," ani Valjerome.

Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya at pinagbuhol pa ang mga daliri namin. Napatiim-bagang ako at pilit na kinalma ang dibdib kong nagwawala.

"Goodnight, Daddy," Erom uttered.

"Goodnight, anak," Valjerome replied.

"Goodnight, Mommy," sunod na wika ng anak ko.

I bit my inside cheek and cleared my throat. Umakto pa akong naalimpungatan.

"Goodnight, my prince," I said with a groggy voice.

Next time, mag-aartista na ako.

Sinubukan ko pang alisin nang pasimple ang kamay ko sa pagkakahawak ni Valjerome pero hindi niya hinayaang mangyari iyon. Hindi ko tuloy maiwasan na dumilat at palihim siyang siringan.

He didn't even bother to move his hand, instead he smiled at me and tightened our entangled fingers.

Damn, this freaking jerk! Bakit ba pinatabi ko pa siya sa amin?

Nagpanggap pa siyang inaantok at lalong sumiksik sa anak ko.

"Mahal na mahal ko kayo," dinig kong bulong niya.

I couldn't move nor react to his words. Hindi ko alam kung sinadya niya bang iparinig iyon o ano, nabalik lang ang atensyon ko nang naramdaman ko ang banayad na paghaplos ng hinlalaki niya sa 'king kamay.

Tumagal iyon ng ilang minuto. Nakakatawang isipin na hindi ako gumawa ng anumang pagtutol habang ginagawa niya iyon. I don't know why, but somehow, it calmed my thoughts.

Slowly, I felt dazed. Hindi ko na alam kung ano pang mga ginawa niya dahil unti-unti na akong nilamon ng antok.

"I love you..."

Ang huli ko lang naramdaman ay ang paglapat ng labi niya sa noo ko bago ako tuluyang nakatulog.

KINABUKASAN ay nagising ako sa mahinang hagikhik. Pikit mata akong napangiti at niyakap ang anak ko.

"You woke up early, my prince," namamaos na wika ko.

"Hindi na po early, Mommy. May sun na po," dinig kong sagot niya.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang narinig ko ang kanyang boses sa ibang direksyon. Bago pa man ako makamulat ay pumulupot ang isang kamay sa bewang ko. Mabilis pa sa alas kwatro akong napamulagat dahil may kabigatan iyon. My jaw literally dropped when I saw Valjerome on my side.

Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata na agad sumalubong sa 'king paningin. "Goodmorning," he greeted with his bedroom voice.

Ilang beses akong napakurap habang nakatitig sa mukha niyang ilang pulgada lamang ang layo sa akin. Asta niyang hahalikan ang noo ko nang mabilis ko siyang itulak.

"Fvck!" pagmumura niya sandaling nahulog siya sa sahig.

"Daddy!" Erom quickly attended to his side and help him to stand up. "Bad ka, Mommy," aniya kapagkuwan habang nakanguso sa 'kin.

My mouth parted with disbelief.

"What? Ako pa ang bad, 'yang Daddy mo nga nagsabi ng badwords," giit ko at inayos ang aking sabog na buhok.

Erom raised his eyebrow then looked at his father. "Fvck is a bad word, Daddy?" he asked innocently.

I glared at Valjerome when he glanced at me. Sa halip na matakot ay munting tawa pa ang pinakawalan niya saka yumuko para lumebel sa anak ko.

"No, baby. It means masarap," aniya.

For the nth time, my jaw dropped. Mabilis kong kinuha ang unan sa tabi ko at ibinato iyon kay Valjerome.

"Damn," I heard him murmuring as he held his face.

"Kung anu-anong itinuturo mo sa anak ko!" singhal ko rito.

He just licked his lower lip and smirked at me, then stood up from his place. Lumapit siya sa kama at mabagal na iniyuko ang kanyang katawan.

"Why? Do you want me to tell our child what..." He scanned me from head to toe. "Fvck is?" hamon niya.

Mariin akong napapikit at kinontrol ang namumuo kong inis.

"I am referring to the curse word, Valjerome." I gritted my teeth.

His mouth formed an O. "Sorry, I thought it's about what we did six years ago." He shrugged and distanced himself.

Ako naman ay hindi nakakilos sa p'westo ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi nang biglang maalala ang bagay na ginawa namin dati.

"Let's go, baby. Ano'ng gusto mong almusal?" nakangiting pagkausap ni Valjerome kay Erom.

"Kung ano po'ng masarap, Daddy," tugon ni Erom.

Valjerome smiled mischievously and glanced at me. "Nasa kama pa, eh," mahinang sambit niya.

"VALJEROME!" I threw him the remaining pillows.

Tumatawa niya naman iyong iniwasan. Maski ang anak ko na halatang walang ideya sa nangyayari ay humahalakhak dahil sa ginagawa naming dalawa.

Nang naubos ang mga unan ay umalis ako sa kama at saka kinuha si Erom para kargahin. Saglit ko pang tiningnan nang matalim si Valjerome na halatang nagpipigil ng ngiti.

"Ako na ang magluluto! Isa ka talagang bonakels!" I yelled and stormed out of the room.

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (COMPLETED)Where stories live. Discover now