"Hindi naman ako nagulat na andito ka, nagtataka pa nga ako kasi maaga kang uuwi."

I just sigh. Pagod na pagod na ako at napakasama pa ng pakiramdam ko kasi wala talaga akong tulog.

"Hindi mo ba naisip na baka hindi ka na nya talaga kailangan?"

"Maiisip ko siguro yun kung si Paeng na mismo ang magsabi sa akin. Pero hindi nya yun magagawa kasi kahit harapin, hindi nya ako kayang harapin."

"Mabait si Paeng, alam nating dalawa yun kaya hinding hindi sya gagawa ng ikakasakit ng iba."

"So ikinakatuwa kong hindi nya ako mataboy palayo?"

"Aiesa, maganda ka, mayaman, artista. Napakaraming ibang lalaki, bakit tinatyaga mo si Paeng?"

"Asawa ko sya Glydel."

"Sa papel."

"Hindi ko alam kung ano ang sinabi mo kay Paeng, hindi ko alam kung ano ang naaalala nya. Hindi ko alam kung ano ang usapan nyo. Pero sana naiisip mong sa mga panahong ito, kasal pa rin kami. Ako pa rin ang legal na Mrs. Raphael Javier."

"The fact na nawala ka sa ala-ala nya, hindi ikaw ang pinakamahalaga sa kanya."

I nod.

"Pero kapag bumalik ang ala-ala nya, paano ka?"

I turned my back on her. 

"Paano kung hindi? Paano ka?"

Lumayo na lamang ako. Kasi balibaligtarin ko man, tama sya. Wala na akong halaga kay Paeng at kung hindi man bumalik ang ala-ala nya, wala na akong lugar sa buhay nya.

But even though the reality of him not remembering me slaps, araw-araw pa din akong pumupunta para na lang siguro pasakitan ang sarili ko.

"Ayie anak."

"Happy Birthday po Tita Diana."

"Ayie, gusto kitang andito, gusto kitang kasama, mahal kita na para ko na ring anak pero hija, nasasaktan ka lang eh."

"Wag kang mag-alala Tita, konti na lang po."

"Ayie, tama na anak, please."

I smiled painfully.

"Ang birthday wish ko anak ay para sayo. Sana wag na masaktan ang puso mo, kasi hindi mo naman deserve yun."

"Tita, birthday wish mo po yun, gamitin mo po para sayo. Masaya naman po ako, masayang masaya na buhay si Paeng."

"Ayie."

"Sige na po Tita, tinatawag na po kayo ni Tito."

Kahit artista ako, hirap na hirap akong umarte na masaya. Sa harap nilang lahat, umaarte ako na okay lang ako, na kaya ko pero pag nakatalikod na naman ako at nag-iisa, paulit-ulit akong umiiyak, nagluluksa at nagpapakalunod sa sakit at lungkot. Nakakasurvive lang ako kasi alam kong buhay sya.

"Ate, kain na tayo."

I dined in the table with them. Si Gina ang katabi ko, kaharap ko ang magkatabing sila Paeng at Glydel.

"Ate?"

I smiled.

"Aiesa, bakit hindi mo tikman itong niluto ni Paeng na tinola."

I looked at Paeng while I am waiting to see any sign of his regained memory.

"Masarap sya diba Babe? Try it Aiesa."

"Should I try this Paeng?"

"You should Aiesa."

Pagsingit muli ni Glydel.

"Paeng?"

"Gusto mo bang ipagsandok pa kita?"

Paeng filled the bowl and serve some to me.

"Gusto mo bang kainin ko ito?"

My tears fell. This would be the end of me running to Paeng, this will be my last day of hope that he will remember anything about us, about me. This will be the last day of me being Paeng's Ayie. Because after this, I don't even know if I could still open my eyes.

With the pain in my heart, I eat the food Paeng served to me. After we eat I went near Paeng and kissed him forcefully. I kissed him because there would be no other chance.

I kissed him and bid goodbye so I can bring myself to the hospital. Because I am allergic to papaya and Paeng serving me a bowl just means that I am completely erased from his memories.

Sabi nga sa kanta ni Moira, Ba't 'di ko naisip na mayro'ng hanggan? Ako 'yung nauna, pero siya ang wakas.

Kaya naman mula sa araw na ito, pinapaubaya ko na sa kan'ya.

Kaya naman mula sa araw na ito, pinapaubaya ko na sa kan'ya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DesugaredWhere stories live. Discover now