Chapter 43

76 7 0
                                    

Patricia's pov

Malungkot akong humiga sa kama ko pag kauwi ko galing OJT. Napapikit ako ng maramdaman ko na naman ang mga luha ko. Bumalik na naman yung pag naiisip ko siya ay iiyak nalang ako ng di ko namamalayan.

Pagod na pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na akong masaktan.

Nagising ako sa hospital ng araw na yun. Nalaman ng magulang ko ang nangyari dahil no choice si suzze kundi sabihin sakanila. Non stop silang tumatawag at pag hindi ko yun sinagot ay mas malaking problema.

Mas nasasaktan ako dahil hindi man lang ako pinagalitan ng magulang ko sa nangyari. Wala ni isa sakanila ang nag open up ng nangyari. Alam nilang masasaktan lang ako pag pinag usapan pa siya kaya alam kong pinili nilang huwag magalit.

Lalo akong nasasaktan dahil kita ko naman sa mga mata nila na pareho silang galing sa pag iyak. Hindi ako makatingin ng deretso sakanila dahil sa ginawa ko. Nasasaktan ko na naman sila. Alam ko namang tanging gusto lang nila ay ang mas humaba pa ang buhay ko, alagaan ko ang sarili ko. Pero sa ginagawa ko, pinapaikli ko lang ang maikli ko ng buhay.

Pag katapos kong magmukmok ay nagpalit na ako ng damit at bumaba ng bahay. Wala pa din sila. Si mama ay lumalago na kasi ang negosyo niya. Si papa naman ay may project pa sa makati. Si nanay madel ay nasa hospital dahil nahospital ang anak ni kuya shernan at ate matet. At si ate Shirley ay mag team building sila sa rizal.

Tinignan ko kung may pagkain pero walang naluto. Naalala ko na nagtext nga pala si mama na mag order nalang daw ako ngayong gabi. Tinignan ko ang fresh flowers na nakalagay sa vase na nasa sala. At napangiti ako ng may maisip akong gawin.

Tinignan ko ang laman ng ref at mabuti nalang  kumpleto naman ang stocks namin. Tinignan ko ang orasan at may tatlong oras nalang ako. Tinawag ko si garrett, venice, france, danna at suzze ng group video call at sinabi sakanila ang plano ko na sinang ayunan nilang lima.

After kong makausap si mama ay sinabi ko sa mga kasama ko na magmadali na at isasara na ni mama ang shop niya at hinihintay nalang niya si papa na sunduin siya.

Pinunta na namin lahat sa taas ang mga pagkain at kakailanganin. Iniwan ko sila at tinulungan ko si suzze na mag hugas ng mga ginamit at ayusin ang mga kinalat namin. Nag madali akong mag palit ng damit at nang masigurado kong lahat ay tapos na naghintay ako sa labas ng bahay.

Nakangiti akong nakatingin sa magulang ko ng makababa sila ng sasakyan. Nag katinginan pa silang dalawa at nagtatakang tinignan ako.

"Magandang gabi sa mahal kong magulang." Pagkasabi ko nun ay doon palang nakita ko ng maiiyak na ang papa at mama ko.

Lumingkis ako sa mga braso nila at pinapasok sila sa bahay. Deretso kaming umakyat sa rooftop at tanong sila ng tanong sa akin kung bakit madilim sa 2nd floor hanggang 3rd floor. Natahimik lang sila ng makita nilang maliwanag sa rooftop.

Narinig ko ang gulat na expression ng magulang ko lalo na ni mama. Nakaakbay sakanya si papa na nakangiting nakatingin sa sinet up naming magkakaibigan.

 Nakaakbay sakanya si papa na nakangiting nakatingin sa sinet up naming magkakaibigan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Everything About HerWhere stories live. Discover now