Chapter 30 (EPILOGUE)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Siya iyong kaibigan kong sumabunot sa iyo dati sa condo ko." Nakangiwing wika nito habang binabalikan ang ala-alang iyon.

Oh that ballistic woman.

"Then Ma'am Gwyneth came that day. Humingi siya ulit ng tawad sa akin and said she wanted to teach you a lesson as well for being so heartless to me for no reason. Nandoon si Paige that time, they made peace at nagsabwatan silang dalawa."

Kalma lang ako kahit ang totoo ay nanggagalaiti na akong sabunotan ang gaga kong kapatid. Nagawa nito ang bagay na iyon sa akin? How dare she sold me to the devil?

"What about Daven? Anong rule niya sa palabas niyo?" Alam kong hindi ngayon maipinta ang mukha ko. Sino bang matutuwa kapag ganung pinagkaisahan ka? Wala!

"Si Sir Daven, go with the flow lang siya kahit ayaw niya pati ang kapatid ni Paige na si Freggie para magpanggap na manliligaw ko. He's actually just my little brother figure."

Remind me next time not to trust my evil and liar sister. I was wrong, she's not honest at all.

"Nagpunta dito si Sir Daven kanina para iabot sa akin ang sulat mo." Ipinakita nito sa akin iyon. "I was so sad and hurt na akala ko nakaalis ka na kasi kakabigay lang sa akin at kahit pupunta sana ako sa parkeng iyon. Hindi na kita maaabutan."

"Hindi mo nga ako naabutan pero dinala naman ako ng puso kong nakatadhana sa iyo."

Napangiti ito habang namumula ang mukha. D*mn, it's so good to ravish her pero hindi pwede.

"I actually asked na kung ikaw na talaga ang para sa akin. Kahit imposible, gusto kong puntahan mo ang lugar na ito kung saan tayo unang nagkita. I was just here waiting for you to realize o maramdaman man lang ng puso mo kung nasaan ako. I can't believe you actually came. Akala ko namamalikmata lang ako kanina."

Niyakap ko ito. I can't help it. I still missed her. Dinampian ko ng halik na punong puno ng pag-iingat ang noo nito.

"Maybe then hindi ka na mawawala pa sa akin dahil ang puso ko lang pala ang makakahanap sa iyo. I love you South and I'm sorry. Babawi ako sa iyo."

"I love you too Athena. Kahit noon pa man sinusungitan mo ako. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi ko magawa o makuhang magalit sa iyo kasi mas nakakalamang ang pagmamahal ko sa iyo."

Tumayo ako't tinulungan ko rin itong makatayo pero agad rin akong lumuhod sa isang paa ko habang nakatingala ngayon dito.

"Craven tumayo ka diyan. Nakakahiya."

Pero kagaya ng sinabi ko. Makapal ang mukha ko.

Umiling ako rito bago tinanggal ang isang singsing ko. It was the other half. Isang engagement ring na binili ko pa noon para sa taong pag-aalayan ko nito at si South iyon. Glad I always wear it para laging handa kagaya ngayon.

"I wont promise you anything South. Hindi rin ako romantikong tao." Inabot ko ang kamay nito saka iyon hinalikan. Nakita ko ang dahan dahang pag-agos ng luha nito but she's not sad. It was a tear of joy.

"Masama man ang ugali ko. Masungit man ako at kahit ano pa. Ang mahalaga ay hindi nagsisinungaling ang puso ko. I will give you everything at babawi ako araw araw sa paraang alam ko. Marry me South Del Frio kasi ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito at mamahalin pa ng lubos. Please?"

Natawa ito bago pinunasan ang mukhang hilam sa luha gamit ang isang kamay nito.

*****

South

Sobrang saya ko ngayon. Iyong pinapangarap ko lang dati ay natupad na. Napaka-imposible pero heto nga at nasa harapan ko na ngayon. The ever sophisticated woman in business industry ay nakaluhod ngayon sa harapan ko asking me to marry her.

"How can I say no when I feel the same way? I love you Craven Athena and I will always do. Walang nagbago kahit ang dami kong pinagdaanan sa iyo. Hindi rin ako perpekto at hindi ako naghahanap ng taong perpekto. Ikaw lang sapat na. You don't need to beg because I do. And yes I will marry you."

Bakit pa ako magpapakipot? There are so many sleepless nights at hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak noong ginawa nila ang plano na pati ako ay sinakyan ko. I don't want to hurt Craven Athena kasi alam ko. I saw in her eyes how much I meant to her. How much she love me. And hurting her means hurting myself too.

"I-"

"No!" Sigaw ni Paige sa isang tabi habang papalapit ito kasama si Ma'am Gwyneth, si Freggie, at si Sir Daven. May mga ilang tao ring nanonood sa amin ngayon at noon lang ako tinamaan ng hiya kaya namula ang mukha ko.

"Oh no. You wont ruin my life anymore dahil kapag natapos ako rito. Buhay niyo naman ang sisirain ko!" Asik ni Craven Athena sa mga ito.

Kahit kailan talaga ay napaka-palaban ng babaeng ito. Isa nga itong Del Prado.

"Love sige na. Marry me." Baling nito sa akin habang nakatingala. Napangiti ako sa ka-cute'an nito dahil para itong may hinahabol.

I bend and capture her soft lips na ikinatulala na naman nito hanggang sa kusa na itong pumikit at tumugon sa halik ko. Nakarinig ako ng pagtutol mula sa kaibigan kong si Paige at si Ma'am Gwyneth. Ang pagchi-cheer ni Sir Daven kasama ng ilang mga tao at ni Freggie.

"I do." Wika ko ng maghiwalay ang mga labi namin.

"Yes! She's finally mine!" Sigaw nito bago mabilis na isinuot ang singsing sa aking daliri. It fits perfectly na parang ginawa talaga ang bagay na ito para sa akin.

"I object!" Sigaw ni Ma'am Gwyneth kaya natawa kaming lahat.

Tumayo si Craven Athena saka ako nito niyakap. Not minding all the audiences we have.

"You were once that Femme Fatale I knew and I was wrong to judge you. I learned my lesson. Thank you South for accepting me even if I'm the worst part of your life's story-"

"Shh." I stop her from talking ng ilapat ko ang isang daliri ko sa bibig nito.

"You are not the worst and I also love arts at kung magpipinta man ulit ako. Ikaw iyon because you're my best story to tell. Ang nangyari ay isang daan para maging tayo."

Napangiti ito. "Just us."

She extended her pinky para lagdaan ito pero kinabig ko ito para halikan. Wala akong pakialam kung magalit man ang mga taong nasa paligid namin. Basta ang sa akin ay matuldokan na ang kahit anong hindi magandang nakaraan at magsasama naming harapin ang mga problema sa hinaharap.

And the only thing I know is masaya ako kay Craven Athena at akin lang ito hanggang sa matapos ang buhay na ito.










The END.

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon