Chapter 10

4.6K 261 84
                                    

South

"I said eat." Malamig na wika ni Craven Athena sa akin. Kung utosan ako nito ay para akong isang aso. Bakit ba kasi sinama sama pa ako nito sa paglabas nito kung tatratuhin lang naman din ako nito ng ganito?

Sabagay, ano nga bang aasahan ko? She loathe me. She despise me. Naniniwala itong inakit ko ang bayaw nito at ang masaklap ay natanim rito na may nangyari sa amin.

I will never do that but who am I to her para paniwalaan nito? Syempre mas paniniwalaan nito ang kapatid nito. I'm a stranger to her whos innocent but she's blinded to know about it.

Wala akong ganang hinawakan ang kutsara dahil matamlay talaga ako. Pagod at mabigat ang pakiramdam. Heto na yata ang kapalit ng mga nagdaang gabing napuyat ako at minsan pa ay sobrang aga ng rehearsal namin.

Masarap naman ang pagkain pero hindi ko talaga ito ma-enjoy dahil isang Craven Athena ang nasa harapan ko ngayon at mapanuyang nakatingin sa akin.

I told my self hindi ko ito papatulan dahil masama ang pakiramdam ko at isa pa. For the nth time for earth's sake ay hindi naman ito naniniwala sa akin.

"Why? Don't you like the food? Malinis ang pagkakaprepare niyan. Mas malansa ka nga kung tutuosin."

Nasaktan na naman ako sa sinabi nito. Para nitong dinudurog ang pagkatao ko. I shouldn't be affected dahil hindi naman totoo pero isa itong Del Prado. Ang babaeng hinangaan ko noon hanggang ngayon.

Nasasaktan ako sa kadahilanang ito si Craven Athena. I want her so bad to look at me differently. May parte sa akin na gusto kong kilalanin ako nito ng mabuti pero alam ko rin na kahit kailan ay hindi iyon mangyayari.

Napabuntong hininga ako habang nakayuko at nakatingin sa aking pagkain. Mas lalo akong nawawalan ng gana. Masama na ang pakiramdam ko idagdag pang masama rin ang loob ko sa mga naririnig ko mula rito.

Walang salitang pinalitan nito ang pagkain ko.

"Now eat that. Wala iyang mikrobyo. Mas malinis kaysa sa iyo."

Walang gana at matamlay ko itong tinignan. Sinalubong ko ang mga mata nitong malamig. Maganda talaga ito, kinulang lang sa saya at aruga.

"Salamat Miss Athena pero gusto ko lang pong kumain ng tahimik. Mamaya niyo na lang po ako insultohin please. Huwag lang po sa harapan ng pagkain."

Nakita kong may dumaang emosyon sa mga mata nito pero saglit lang iyon. Nakita kong nag-angat ang kabilang parte ng labi nito.

"You know South. I really want to believe you na nagsasabi ka nga sa akin ng totoo but I was there at that time. I heard everything-"

"But you didn't see it. You were there and you believe your sisters make believe story-"

"Shut up!" Natahimik ako ng magsalubong ang mga kilay nito. Alam ko naman na wala itong pasensya at hot tempered talaga.

"Gwyneth never lie to me and that's enough."

Napansin ko rin kasing malaki ang tiwala nito sa sariling kapatid pero paano na lang kung malaman nitong nagsinungaling ang kapatid nito sa parteng iyon? Dahil totoo namang gawa gawa lang lahat ng ibinato sa aking akusasyon limang taon na ang nakakaraan.

Kung noon, iniiwasan ko silang makasalubong. Ngayon gusto ko na lang na makausap si Gwyneth Del Prado. Gusto kong malaman ang rason nito kung bakit nagawa nito ang bagay na iyon sa akin. Gusto ko na lang na matapos ang lahat ng ito bago pa masira ni Craven Athena ang buhay ko.

"Ask her what happened Miss Del Prado."

"I don't have to. Gaya ng sinabi ko kung may sinungaling sa inyong dalawa. Ikaw iyon dahil mas kilala ko ang kapatid ko kaysa sa iyo Del Frio."

"But that thing didn't happen. Manyak ang bayaw mo at-"

Hinampas nito ang lamesa dahilan para matahimik ako. Mabuti na lang at nasa VIP room kami ngayon kung hindi ay pagtitinginan kami ng mga tao rito.

"I know bata pa si Gwyneth ng mag-asawa siya at mahal niya ang lalaking iyon kahit labag sa akin noong una but that doesn't give you the right to tell me things para sa iyo ako maniwala. My brother in-law's dead. Nagpakamatay siya siguro nakonsensya sa kapatid ko dahil sa ginawa mo."

Ako na naman? Anong kinalaman ko doon?

"Malakas lang ang loob mong magsabi ng ganyan ngayon dahil wala na si Denver na magpapatunay ng totoong ginawa mo noon aside sa kapatid kong nakakita sayo. Nakakadiri ka."

Parang sinakal ang puso ko dahil sa sinabi nito. Craven Athena will never believe me. I need to talk to Gwyneth but how? Ni hindi ko nga alam kung nasaan ito ngayon.

"Oo, maagang nag-asawa ang kapatid ko because she fell in love. E ikaw South? Maaga kang naging p*kpok dahil kinati ka ganun ba iyon? At dahil sa kakatian mo. Nasira mo ang buhay ng kapatid ko, so you must pay for everything that you did! And I have the right to punish you because of that! I couldn't believe you have the guts to tell me a different story that my brother in-law's a maniac and he harassed you?! Shame on you!"

Napakuyom ang kamao ko at hindi ko napigilang umagos ang mga luha ko. Pinunasan ko agad iyon dahil ayokong magmukhang tanga sa harapan nito.

"I wanted to hate you Craven Athena for not knowing the truth and for judging me by what you've heard. I wanted to hate your sister Gwyneth for accusing me something I didn't do that actually ruined my life but I just can't. At hindi ko alam kung bakit!"

"Wala akong pakialam sa feelings mo Del Frio. For me, you're a wh*re at hindi na iyon magbabago. Malandi ka."

Tuloyan na akong nawalan ng ganang kumain at mas lalong sumama pa ang pakiramdam ko. Nananakit na ngayon ang ulo ko at pumipintig pa ito. Inabot ko ang tubig para uminom. Ng mahimasmasan ako ay kinuha ko ang bag ko.

"Salamat sa pagkain Miss Del Prado pero uuwi na ako." Pagkatayo ko ay bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa gilid ng lamesa.

"What's wrong with you?" Tanong nito sa akin pero hindi ako sumagot. Binalewala ko ang pag-aalala sa boses nito dahil kasasabi lang nitong wala itong pakialam sa nararamdaman ko. Hindi ko rin naman kailangan ng simpatya nito. Ang gusto ko lang ay malaman nito ang totoo.

Pinilit kong humakbang dahil gusto ko ng makalayo sa lugar na ito lalong lalo na kay Craven Athena pero bigla na lang akong natumba dahil sa hilo.

"Sh*t!" Narinig kong mura nito bago ako nito dinaluhan. "Del Frio!" Tinapik tapik nito ang pisngi ko. "Ang init mo f*ck sake!"

Iba pala ito kapag natataranta. Nawawala ang composure pero masungit pa rin. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa. Nilalamon ako ng matinding antok na parang pagod na pagod ako.

You're not that bad Craven Athena dahil kung hindi. Iniwan mo na lang sana akong mag-isa and who knows what might happen to me.

Bago ako tuloyang nawalan ng malay ay natitigan ko muna ang maganda nitong mukha habang may kausap sa phone at bakas ang pag-aalala.

"Del Frio!"





____

I woke up cause of ache. Going back to sleep.

Mommy bukas wag ka magalit at lablab mo pa rin ako ha. Love na love din kita!

Beshie ingat pag-uwi sa work. Bawi na ako with this update. lab you!

Keepsafe mahal kong readers ;)

_RK❤

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon