Chapter 18

4.1K 232 29
                                    

South

Tapos na ang fashion show at naging successful naman ito. It became the talk show of the town at nabigyan din ako ng award bilang Model of the Year. Sa pangyayaring ito ay mas lalong lumawak ang mundo ko. Ng mundo namin kasama ng mga kaibigan kong mga modelo. Dumami rin ang nag-offer sa akin para sa modelling career pero buo na ang desisyon kong hindi ko iiwan si Miss Viktoria.

At ngayon nga ay pabalik na kami sa Pilipinas. Tatlong araw kami sa London at sa mga panahon na iyon. Kahit kailan ay hindi nagtangkang lumapit si Craven Athena sa akin. Kitang kita ko ang poot at pagkamuhing nananalamin sa mga mata nito. After the incident in the room. Nag-iba ang pakikitungo nito dahil ramdam kong parang hangin lang akong dumaraan sa harapan nito.

And now, I am looking at her as we are all inside the plane. Halos lahat ay tulog na habang ako ay nakatitig lang rito. Nasa pinakadulong single seater ito nakapwesto at busy sa pagtipa sa laptop nito.

I have a strong feeling that this woman is loyal at binibigay nito ang dedikasyon sa mga bagay o taong nasa buhay nito.

Her work. Her company. Her employees and to her younger sister kaya hindi ko alam kung anong mangyayari sa relasyon ng mga ito kapag nalantad na ang totoo. At hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa amin.

That kissed. I can't forget about it. How could I kung first kiss ko iyon galing sa taong nagnakaw noon ng musmos kong pagtingin. And the fact that I couldn't hate her puzzles me but I know it's because I admire her from the very beginning. Who wouldn't? She's a Del Prado and she's Craven Athena.

Kinapa ko ang aking puso ng maramdaman ang lakas ng tibok nito. Whenever Craven Athena's near. Nararamdaman ko ito. Whenever I hear her name. Kinakabahan akong nae-excite. At ito lang ang may kakayahang saktan ako kahit mali ang mga paratang nito. I shouldn't feel pain because I'm not guilty. I didn't do anything pero kapag ito na mismo ang nagsasalita ng masasakit sa akin. Talagang masakit.

Dahil dito ay nagkaroon ako ng pagkakataong mag-isip kung ano itong nararamdaman ko. Iba't ibang emosyon ang isinisikdo ng puso ko. Nag-umpisa ako sa paghanga sa kanya, pag-asam sa kanyang atensyon, at pagtingin sa akin bilang ako, paghahangad, at ang mga inakto ko nitong mga nakaraang araw ay dahilan para magrigodon ang puso ko ng mapagtantong iisa lang ang pinupunto nito.

Pag-ibig.

Nasasaktan ako dahil mahal ko na siya. Humanga na ako rito noong una ko itong makita limang taon na ang nakakalipas pero ngayon. Ang paghangang iyon ay naging pag-ibig.

Umagos ang luha ko ng mapagtantong wala ng natira sa akin. Ang alas kong dapat kong inilayo at prinotektahan ay nakuha nito ng walang kahirap hirap at kaalam alam. Nagsimula akong matakot para sa aking sarili. With everything that I have na hawak na nito ngayon. Alam kong magiging alipin ako nito.

If only Craven Athena will look at me differently. Hindi sana magiging ganito kakomplikado ang lahat. Pero alam ko ring isang malaking ilusyon kung papatulan ako nito. I don't even know her to begin with. What if she's straight at pinaibig lang talaga ako nito para paghigantihan? She will never look at me the same way I do to her. Malaking kagagahan at ilusyon.

How can she love me back kung ang namamahay sa dibdib nito ay pagkasuklam, galit, at poot?

Masasaktan lang ako at alam kong mas lalalim ang kalbaryo ko dito. Baka sa bandang huli ay hindi na ako makaahon. Ayokong maiwang mag-isa, malungkot, nasasaktan, at wala sa sarili. Sinisisi ko ang aking sarili. Sa kabila ng lahat ng nagawa nitong hindi maganda sa akin, sa mga nasabi nitong masasama sa akin. Umibig pa rin ako dito na hindi naman dapat. Pero tapos na at wala na akong magagawa. And I can't avoid Craven Athena dahil hawak kami nito ngayon at tatlong taon ang kontrata.

I close my eyes as I wipe my tears in my cheeks. Sana bukas, kahit bukas man lang ay maging ok ang lahat. Napapagod na ako sa mga nangyayari. Napapagod na akong mapagbintangan. Napapagod na akong paulit ulit na masaktan.

Kung sana naging iba na lang ang sitwasyon noon. Hindi sana ako ganito ngayon. Ang kasalanan ko lang sa nangyari limang taon na ang nakakaraan ay nagtiwala ako sa mga maling tao. I've been good to Ma'am Gwyneth and Sir Denver before pero iyon pala ang magbibigay ng mitsa sa buhay ko. I gave them respect at inalagaan ko ang kapakanan nila sa mga panahong nasa resort ang mga ito and I didn't know na ganito ang ibabalik ng mga ito sa akin.

Ang tiwala ko sa ibang tao ang nagdala sa akin ng peligro sa buhay ko. Kung makakalaya man ako kay Craven Athena. Sana hindi na muling mangyari pa ang bagay na ganito.

Bumigat ang pakiramdam ko't nakaramdam na ako ng antok pero kinailangan kong tumayo para mag-cr dahil naiihi ako. Kakapasok ko pa lang ng sumunod si Craven Athena sa akin kaya nagulat talaga ako. Ni-locked nito ang pintuan saka ako nito tinitigan ng matiim.

"I came here first pero lalabas na ako kung-"

Marahas nitong sinakmal ang leeg ko.

"Kahit kailan naisip mo ba ang kinahinatnan ng karupokan mo? Ang mga pamilyang winasak mo?"

"I'm not like that. Please Miss Del Prado." Naiiyak kong wika rito. Why is she doing this to me? "Nasasaktan mo na ako."

"Whenever you look at me with your sweet captivating innocent eyes I could almost believe you. The st*pid fact is I actually want to believe you pero kapag naiisip ko ang ginawa mo sa kapatid ko. Gusto kitang saktan ng higit pa sa inaakala mo."

"Please nasasaktan ako."

"May bahagi sa pagkatao ko na gustong gusto kitang nasasaktan at sirain hanggang sa huling hininga mo. But there's also a part of me that simply wants you."

Bigla ako nitong hinalikan na ikinamulagat ko. I was really shocked kaya natuod na lang ako at ang nakakagimbal na katotohanan ay unti unting bumigay ang sarili ko dito at naiinis ako dahil hindi ko makontrol ang nararamdaman ko para dito.

I can't defend myself at mas lalong nanlambot ang mga tuhod ko ng malasap ang tamis ng dila nito sa loob ng bibig ko. To my horror, I found myself enjoying her passionate kiss ng bigla itong tumigil at masamang tumitig sa akin.

"Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang katotohanang kinauli ka ng sinu-sinong lalaki. Hindi ko masisikmurang gawin ang bagay na ito sa iyo." Wika nito dahilan para umagos ang mga luha ko.

"D*mn you South Del Frio!"

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon