Chapter 8

4.2K 235 46
                                    

Craven Athena

"Come on, Athena. Matalino ka. Stop what you're doing. It's not right."

I glared at Daven. He's a friend of mine. Classmate ko ito way back college. Isa itong lalaking mapagkunwari katulad ko. We are both bisexual. I know that for sure. Nagka-girlfriend ito at boyfriend din dati. Me? Hindi pa ako nagkamali. A lot of men courted me at wala akong matipuhan sa kanila. I am more into girls pero wala ring pumasa. I know them very well kung anong habol nila sa akin.

I wont deny, I know I'm that perfect girl next door pero pihikan ako. Kung magkakaroon man ako ng karelasyon iyon ay ang taong mamahalin ko. But I have my doubts at dumoble iyon ng mangyari ang bagay na iyon sa kapatid ko na kagagawan ng isang South Del Frio.

I admit I admired her beauty pero dahil sa ginawa nito ay nasuklam ako. I hate the fact that she's the most attractive girl I ever saw back then. I was mersmerize the moment I saw her face for the first time. I felt the need to know about her pero pagkatapos isigaw ng kapatid kong si Gwyneth ang mga katagang iyon.

Nandiri ako.

I can't accept I was once attracted to someone who betrayed my sister and lured my brother in-law. Nakita ko kung paano nasira ang buhay ng kapatid ko at ngayon pa lang ito nakakabawi. Ng magpakamatay si Denver sa hindi ko malamang dahilan ay tuloyang lumayo ang loob ng kapatid ko sa akin. Umalis ito ng bansa at nanirahan sa Australia.

Hindi pa kami nagkikita hanggang sa ngayon pero nakakapag-usap naman through video call. Hindi pa rin kami ganun ka-close pero ayos na rin para sa akin ang bagay na iyon. Iniisip ko na lang na masyadong masakit ang mga nagdaang taon para dito.

"It was the right thing to do, Aven. Sinira niya ang buhay ng kapatid ko."

Uminom ito ng wine. Katatapos lang naming mag-dinner at nakapang-office attire pa kaming dalawa. We are in Kierr's Restaurant. We usually meet here at madalas kaming mapagkamalang magkasintahan. People and their lame thoughts.

Umiling ito sa akin kapagdaka. "Hindi pa rin tama na ikaw ang maningil sa kanya. Honestly, she doesn't look like the woman you told me before."

Iyon din ang akala ko noong una pero nagkamali ako.

"She's gorgeous, charming, attractive young woman-"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa pamumuri nito. "She's an evil cut it out Aven!" I cut him off. "She lured my brother in-law at hindi iyon gawain ng isang matinong babae. Face can be deceiving! Mark that!"

"Chill Athena." Suabeng wika nito sa akin. Wala talagang bahid ang pagiging binabae nito katulad ko. I'm too feminine and he's so brusko.

"Hindi ako ang kaaway mo rito. Hindi ko lang maisip kung bakit galit na galit ka doon. She's too young back then and we all made mistakes-"

"Na ikinasira ng buhay ng kapatid ko Aven so f*ck that mistake-"

"Athena, calm down. Parang ikaw ang niloko rito. Masisira ang composure mo niyan ok? You're a professional. Hindi mo dapat hayaan na pangunahan ka ng galit mo."

Tumanaw ako sa city lights habang kinakalma ang sarili ko.

"You shouldn't judge her dahil hindi mo naman nakita ang buong pangyayari. Pinaniwalaan mo ang sinabi ng kapatid mo but what did South told you?"

"She's a liar."

Umiling na naman ito sa akin. "Kinakain ka na ng galit mo Athena. You are always calm. Kagaya ng sinabi ko sa iyo. Matalino ka. After you heard from Gwyneth what happened five years ago. Did you ever ask her kung ano talaga ang totoong nangyari aside sa inakit ni South ang asawa nito?"

Napaisip ako. "I never ask my sister. You know Gwyneth never lied to me. I was there, I heard what I don't want to hear-"

"And you believe what you didn't see." Huminga ito ng malalim saka ulit sumimsim ng wine. "You know how popular South Del Frio is right now. And I know na gusto mong maghiganti na hindi naman dapat at hawak mo na siya ngayon para sirain din ang buhay niya. Careful Athena baka bumalik sa iyo ang ginagawa mo at pagsisihan mo sa huli." Tumingin ito ng diretso sa akin.

"Alam mong mahal kita kahit napakagaga mong magdesisyon minsan. Don't ever forget na kung sino man ang nagawan ng mali, siya lang ang dapat maningil at si Gwyneth iyon at hindi ikaw. Sa ginagawa mong iyan. Ikaw na ang nagkakasala kay South dahil wala siyang ginawang masama sa iyo."

Nilagok ko ang wine ko ng isang bagsakan saka ko inilapag sa lamesa ang wala ng lamang kopita.

"Hindi kayang lumaban ng kapatid ko Aven. Alam mo kung gaano ka-vulnerable at kahina si Gwyneth kaya binigay ko lahat sa kanya. She's so fragile that I love her to the point na lahat ng may atraso sa kanya. Kung kinakailangang sa akin magbayad then be it Aven!"

Nagsalubong pa lalo ang mga kilay ko rito. "At hinding hindi ako magsisisi. I've waited for five years Aven. I didn't know na ganito kaaga magtatagpo ang mga landas namin. Kung sinu-swerte talaga ako." Nag-cross arms ako sa aking dibdib. "She's a home wrecker that deserve to be punish. She deserve everything."

Itinaas nito sa ere ang dalawang kamay na wari'y sumusuko.

"Fine, you win. You do what you want. Sana nga ay tama ka sa mga ginagawa mong ito Athena. Hindi pa kita nakikitang nagsisi dahil hindi ka pa nagkamali in those cases cause I don't want to see you come to me crying and telling me that you mess up dahil babatukan talaga kitang babae ka. I can see you're digging your own grave and don't get me wrong ok? I love you and I love Gwyneth but I want to be fair and I can see that South Del Frio's innocent-"

"Hold on Aven!" I cut him. "Kanino ka ba talaga kumakampi, sa akin o sa South na iyon?!"

"Of course sa iyo but I was just saying na sana tama itong ginagawa mo-"

"Well yes! It's the right thing!" Huminga ako ng malalim. Mabuti na lang ay nandito kami sa labas dahil may karamihan ang mga tao sa loob. I love fresh air so dito talaga ang spot namin. Just in case, ayokong may makarinig sa pinag-uusapan namin. I love my privacy and I don't want to drag my name sa kahit na anong eskandalo na pwedeng makasira sa akin.

"I have to go." I said and stand up as I hung my bag in my shoulder. Mabilis naman itong tumayo saka lumapit sa akin at ginawaran ako ng halik sa pisngi.

"Take care at huwag masyadong dibdibin ang mga bagay ok? Mas masarap pa ring gumising sa umaga na walang iniisip na iba. Don't get me wrong Athena, I love you so much na ayaw kong maging ganyan ka. That's not you, ok? Oo masungit ka, snob, at mataray pero hindi ka kailan man nawalan ng puso. Please remember that Athena."

Tumango ako rito kahit labag sa loob ko. Hindi ko alam pero pagdating kay South. Kumukulo talaga ang dugo ko rito.

I will prove to you na masamang babae si South, Aven. At deserve niya kung anuman ang gagawin ko sa kanya. And when that thing happens. Tabla na rin kami. And maybe.. just maybe.


Makalimutan na rin ng puso ko ang galit ko sa kanya.








_____

Update para sa mga marurupok kung sino man diyan 😂

@shakiara17

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon