Chapter 25

4.4K 189 43
                                    

South

"Tama na ano ba!" Patuloy akong umaawat dahil pagkakita pa lang ni Paige kanina ng kakapasok pa lang ni Craven Athena ay agad itong nakalapit at sinunggaban agad ang isa. Walang sabi sabi nitong sinabunotan si Craven Athena. Hindi kami nakagalaw ni Sir Daven sa kabiglaanan pero agad ring natauhan ng gumanti si Craven Athena ng sabunot kay Paige.

I can't imagine na makikita ko ngayong nagsasabunotan ang babaeng mahal ko at kaibigan ko.

Hindi namin sila maawat dahil nakapulupot na ang mga hita ni Paige sa mismong beywang ni Craven Athena habang nagpapalakasan ang dalawa sa sahig.

"Oh my gosh! Awat na!" Mas lalo akong nagulantang ng mag-iba ang boses ni Sir Daven. Bakla ito?

Pero hinila ko si Craven Athena ng halos yakapin ni Sir Daven si Paige para ilayo naman sa kaibigan nitong hindi papatalo. Ng mapaghiwalay namin ang dalawa ay hindi pinakawalan ni Sir Daven si Paige.

"Put me down!" Histerikal na sigaw ni Paige rito. "Ibaba mo ako! Sasapakin ko ang babaeng iyan!"

Pero hindi ito pinakawalan ni Sir Daven habang nagpapasag pa rin ang kaibigan ko.

"Athena talk to her. Ilalabas ko lang ito." Wika ni Sir Daven bago binuhat si Paige na parang sako sa balikat nito. Walang nagawa si Paige ng tuloyan na itong mailabas ni Sir Daven. Agad namang ini-locked ni Craven Athena ang pinto.

"F*ck she's crazy." Wika nito bago napasuklay sa magulong buhok nito gamit ang mga sexy'ng daliri. Heto na naman ang puso kong malakas ang tibok whenever she's near.

"Talk to me." May pagsusumamo sa mukha nito lalo na ang mga mata. And I don't like it dahil alam kong pagdating sa kanya ay marupok ako. Pero hindi iyon ang nakaagaw sa atensyon ko kundi ang namumula nitong kaliwang pisngi at nagdudugong mga labi. Ano ba naman si Paige. Makipag-away parang basagulera lang sa may kanto.

Tumalikod ako rito para sana kunin ang first aid kit ng bigla nitong hawakan ang kanang kamay ko dahilan para mabawi ko agad dahil sa boltaheng dumaloy sa akin.

Anak ng!

"Don't walk out on me. Gusto kitang makausap ng seryoso."

Napakamot ako sa aking kilay. "Kukunin ko lang ang first aid kit. Gagamutin ko iyang ginawa sa iyo ni Paige." Wika ko at nakita ko naman itong natigilan.

Agad akong pumasok sa aking kwarto at kinuha ang kit doon. Paglabas ko ay nakaupo ito sa malaking couch habang nagmamasid sa loob ng condo ko. Hindi naman ako nai-insecure kasi malinis at maayos ang loob nito. Naupo ako sa tabi nito saka binuksan ang kit at sinimulan ko ng linisin ang pasa nito at putok sa labi.

"Stop staring." Suway ko rito ng makitang titig na titig ito sa akin. It makes me feel anxious. I'm not comfortable lalo na sa magagandang mga mata nito. Her eyes are very expressive and fierce. Iyong tipong nanunuot ang titig nito.

"I can't help it. I admire you the first time I saw you- Aray!" Pinanggigilan ko kasing ipinagduldulan ang bulak sa bitak nitong bibig.

"How could you say that when you loathe me?" I fired back.

Napabuntong hininga naman ito. "That's true. Ng magkabanggaan tayo gusto na kita noon. I was about to ask your name or number pero panira naman ang isinigaw ng kapatid ko. Na-turn off talaga ako. Who wouldn't? Pero ang masaklap. Hinayaan lang ako ni Gwyneth na ganun ang iniisip ko kaya iyon ang nakatanim sa akin."

She cleared her throat.

"South, I love you." Walang paligoy ligoy na sabi nito dahilan para mabitawan ko ang hawak kong bulak. Lumayo ako rito only to see that longing and sincere eyes. They are begging me for something.

"Pagkatapos ng lahat tapos ganyan ang sasabihin mo sa akin? How dare you. Bakit ang lupit mo Athena? Hindi pa ba sapat na nasaktan mo ako? Oo inaamin ko na mahal din kita pero hindi iyon ganun kadali."

"Please believe me." Nagsusumamo nitong sabi. Tumayo ako at ako naman ang napasuklay sa aking buhok. Parang bumalik ako sa nakaraan noong ako pa ang nagmamakaawang paniwalaan ako nito. Hinarap ko ito saka buong tapang na tinitigan sa mga mata.

"I want to believe you Athena pero kapag naaalala ko ang mga ginawa mo sa akin. I can't."

Now I remember ganito noon ang eksaktong sinabi nito sa akin.

"I know I made mistake and I'm sorry. Hindi ko hinihingi na patawarin mo ako dahil kusa iyon. All I'm asking is a chance with you. Bigyan mo ako ng isang pagkakataon para maipakitang seryoso ako sa iyo."

Pinagkrus ko ang aking mga kamay sa aking dibdib bago kinagat ang aking labi.

"Athena, ako ba binigyan mo ng pagkakataon noon? Hindi lang puso ko ang nagkaroon ng sakit kundi winalanghiya mo ang pagkatao ko. Ang hirap kasi sa iyo hindi mo alam ang makinig. You've never been fair Athena. Isang kwento lang ang pinakinggan mo sapat na."

"I know I made a grave mistake so punish me." Akmang luluhod ito sa harapan ko.

"No." Maagap ko itong napigilan. Agad naman itong yumakap sa akin. Napapikit ako sa sobrang bango nito. Tinatalo ng puso ko ang isipan ko.

"South please. Just one chance is all I'm asking you."

Kumawala ako sa yakap nito bago tumalikod. Ayoko kasing makita ang mukha nitong nagmamakaawa. Hindi kaya ng puso ko. Hindi ako malupit na tao at mas lalong hindi ako mapagtanim ng galit pero ayoko ng masaktan pa ulit. And with Craven, I know kaya ako nitong saktan. She did it once, she can do it twice.

But I also want to believe na mahal niya talaga ako. I saw that at hindi magsisinungaling ang mga emosyon nitong nanalamin sa mga mata nito.

"Ok. I'll give you that chance." Gusto kong sukatin kung hanggang saan ang kaya nitong gawin para sa akin. She told me to punish her. I wont but I will teach her a lesson na sa susunod hindi na nito gagawin ang bagay na iyon sa kahit sino o kanino.

"Talaga?" I could hear the happiness in her voice.

Humarap ako rito. "Sa isang kondisyon."

Ngumiti ito sa akin kaya ako naman itong si marupok. Nalusaw na naman ang puso ko.

Bwisit.

"Anything." I could see that determination in her eyes.

"You will do everything as I say Del Prado."

Femme Fatale_ DelPrado🔥DelFrio (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon